KABANATA 1

23 0 0
                                    

Ito ang unang araw ng Eskwela, sa totoo lang ay kinakabahan ako kahit pa mga tiga probinsya ang nag aaral sa unibersidad na iyon.

"mag ingat ka sa pagpasok mo anak. sana ay matiwasay kang makapagtapos." nakangiting ani inay habang inaayos ang collar ng damit pang itaas ko.

Unang araw ko pa lamang pero tila ga-graduate na yata ako sa paningin ng inay.

Nang mag Enroll ako ay nagbigay na kaagad sila ng uniform para sa mga Estudyante, nung una ay hindi ko matanggap kung gaano iyon kaiksi para sa'kin, nag aral ako sa manila pero hindi naman ganito na lagpas sa itaas nang tuhod ang palda.

Long sleeve na puti naman ang pang itaas may collar na paglalagyan ng tie na kulay asul at puti ang kumbinasyon.

"ipinapangako ko po na pagbubutihin ko ang pag aaral ko inay. " saad ko. "Ang itay, hindi ko na naman inabutan." malungkot na saad ko, nasanay na ako sa madaling araw na pag tungo ni Itay sa Bukid pero kahit paano ay nag aalala parin ako.

Ala-sais ng umaga nang lumabas ako sa bahay naglakad ako ng kaunti para hantayin ang kulay dilaw na Bus patungo sa Paaralan.

Pag dating sa Gate ng Unibersidad ay talagang napahanga ako sa ganda niyon.

malaki at kulay gold na gate ang nasa bungad. ipinakita ko ang SCHOOL ID ko at wala namang kagatol-galot na pinag buksan ako ng dalawang gwardya.

pareho itong nakangiti sa'kin kaya't bahagya akong nakaramdam ng hiya, nagbaba ako ng tingin tsaka pinong naglakad papasok.

Diretsong hallway ang daraanan para marating ang Pinaka Entrance ng School at sa dalawang gilid ng hallway ay naroon ang isang malawak na soccer Field at sa kabila naman ay ang Gym na napaka ganda.

Napukaw ang atensyon ko sa mga lalakeng naglalaro sa Soccer field, nakatanaw silang lahat sa akin tila tinatanong kung bakit ako nakatanaw sa kanila kaya't nagmabilis akong maglakad palayo habang nakababa ang tingin ko.

hanggang sa......

Makabaga ako!

"Aray." nasambit ko pa tsaka ako nag hilot ng noo, nang mag angat ako ng tingin ay nakataas ang kilay ni

SUHO!

'hala.. .anong ginagawa nito dito?'

Nakagat ko ang labi ko.

Ito ang pinaka iiwasan ko sa dati naming paaralan dahil matindi ito kung mambuyo!

Patay ako nito!bakit pa kasi sya nandito?

Gusto kong tapikin ang noo ko pero nakatitig lang sya sakin habang ganuon padin ang kilay nya.

Pinilit kong mag iwas ng tingin at Akmang Magmamadaling humakbang palayo.

"Hindi mo kayang mag sorry? " may Sarkastiko sa tono nya pero hindi ko mahulaan kung galit ba sya kaya huminto ako sa paghakbang.

ganun na lang ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Hala lagot talaga ko!

"SUHO... " tawag pansin sa kanya ng isang babae, hindi ko alam na sikat din pala sya dito, sa bagay gwapo sya as in gwapong gwapo pero ko iyon magiging basihan para kaibiganin sya..

Umiling ako ng ilang ulit dahil sa paglalaro ng isip ko

Pilit kong iwinalang bahala ang nangyari, humakbang ako palayo sa kinatatayuan ni SUHO

Dito din kaya sya mag aaral?

"Tara sa Gym,may announcement daw." dinig kong saad ng babae. "May anunsyo Daw si Dean tungkol sa Welcome party para sa mga sophomore at Freshman."

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now