KABANATA 4

5 0 0
                                    


"maricon! Sabay na kaya tayong mag lunch? " anyaya sakin ni  Alaiza.

"Oo ba,  wala din kasi akong kasabay. " saad ko,  paliko na kami sa Cafeteria nang harangin ako ng isa sa mga Senior.

"Maricon.. Pwede ba kitang makausap? " hindi ko alam kung para saan ngunit hindi ko sya kilala sa pagkakatanda ko ay Gino ang pangalan nya at sa party ko lang sya nakilala.

"Alaiza,  ano.. Susunod na lang ako. "nasabi ko.

"O-sige, hihintayin kita ah. " anito pa bago tumalikod,  Sumunod ako sa senior na si Gino paakyat sa Rooftop.

Bakit kaya Kailangang dito pa kami mag usap?

"S-senior? " tawag ko dito.

"Sabihin mo? May gusto ka sakin? "direktang tanong nito sakin na labis kong ikinabigla.

ngayon lamang kami nagkakilala pero bakit may tanong syang katulad nito.

"A-ano... S-saan? "

"Si Hazel, Balak ko syang ligawan pero sinabi mo sa kanya na Crush mo ko kaya ayaw nya na sakin! "bakas ang matinding galit sa Tono nya.

Si Hazel? Wala naman akong binanggit sa kanya na ganon, abala pa ang isip sa sinabi nya kaya labis kong ikinabigla ang ginawa nya.

nanlaki ang mata ko nang  hawakan ako nito sa Balikat para isandal sa pader tsaka nya ako matalim na pinakatitigan.

akmang ilalapit nya sa mukha ko ang mukha nya kaya umiwas ako at pumikit mariin kong inikom ang palad ko kasabay ng matinding takot sa dibdib ko.

"HOY! "Boses iyon ni Suho.

*Pak!

Nagmulat ako ng mata at mukha ni Suho ang kaagad na bumungad sakin. "Tsk!Lunch break na pero nakikipag date kapa! " bakas ang galit sa tono nito.

"Suho! Senior mo ko! Bakit moko sinapak! "

"Nang aagaw ka kasi ng pagmamay ari ng Iba. " walang interes na sagot ni Suho.

"hahaha bakit? sino pa ba ang nalandi ng babae na yan? " naging mapanginsulto ang tono nito.

"Hoy Shokoy itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong mabura yang mukha mo! "galit na sigaw ni Suho.

"Sige sa ngayon ay pagbibigyan kita maricon pero sa susunod ay yari ka sa'kin. " nagbabantang anito bago umalis sa rooftop.

"Are you okay? " tanong ni Suho nag iwas ako ng tingin. "haisst, Sabi na eh..habulin ka talaga ng mga manyak.Hwag kang sasama kung kani-kanino." nangangaral na anito pa.

Bakit may ganun?si Hazel?galit ba sya sakin?

May Gusto si Hazel kay suho at sabi nya ay gusto rin sya nito,   Kaya nya sinabi na Crush ko si Gino ay para lumayo ako kay suho, pati si Jade ay pinag bantaan na'ko.

"K-kung ma-maaari..Hwag m-mo na kong lalapitan Pakiusap."

saad ko ng hindi lumilingon kay suho, mabilis na nang gilid ang luha ko.

Gusto ko lang makatapos ng pag aaral...yun lang.

"Ano bang, sinasabi mo?okay naman tayo kahapon ah?" tanong nya pa pero pinili ko na hwag syang kausapin,nag diretso ako pababa hanggang sa marating ko ang Cafeteria.

Mag i-isang linggo pa lamang ako sa School na'to ay kung ano-ano na ang inabot ko.

"ohhy? Okay ka lang? Anong nangyari sa pag uusap nyo nung senior? "

"A-ayus naman. " pilit akong ngumiti, napalingon ako sa pagpasok ni Suho kaya't nakita ko ang lukot nyang kilay nag baba ako ng tingin.

Kinakailangan ko lang na iwasan ang taong iyon kung gusto kong makagraduate...

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now