KABANATA 2

9 0 0
                                    

"Anak,  nalimutan ko palang banggitin saiyo 'yong napag usapan namin ni Mam."

patungkol ng inay sa amo nya.

"ipinatatanong nya kung maaari ka bang maging Personal na kasambahay ng anak nya tutal namam, daw ay buong iskolarship ang ibibigay nya sa iyo maliban doon ay pasasahudan ka din nya."  ani Inay habang nag hahapunan kami.

"Hindi ba labis naman iyon Maria? " tutol ng Itay.

" kolehiyo na ang anak mo pero mali naman na maging kasambahay pa sya ng anak nang Amo mo,  paano na lamang kung pagmalupitan sya noon." dagdag pa ni itay tsaka hinagod ang Buhok ko,

pakiramdam ko ay tama ang nasa isip ko na si Auho ang anak ng Amo ni Inay ngunit aasa parin ako na sana ay mali ako.

"Itay,  ayus lang naman po ako...siguro naman ay hindi ganuong klase ang pamilyang kinalakihan ng anak ng amo ni Inay."

mabait ang Amo ni Inay dahil sinagot nito ang Full Scholarship ko kaya mukhang hindi naman talaga si Suho ang sinasabi ni inay.

"Pero anak.... "ani itay ngunit mabilis kong pinutol ang sasabihin nya.

"Hayaan nyo pong matulungan ko kayo Itay. " naka ngiting saad ko.

alam kong ayaw talaga ni Itay ang trabahong ito kahit kay inay ngunit kung isa ito sa paraan para maka ahon kami sa kahirapan ay gagawin ko pagod na akong makita sila inay at itay sa mahirap na trabaho nila araw araw kaya kailangan kong magsumikap para sa kanila.

Nang sumunod na araw ay Abala parin ang mata ko sa pagmamasid sa paligid,ang buong room ay nahahati sa  dalawang upuan na may anim na palapag.

"Would you mind if i Ask you something? "tanong ni hazel kaya't napunta ang atensyon ko sa kanya.

"Napaka Gwapo nya talaga hindi ba? Palagi syang nakatanaw sayo mula pa kahapon, iniisip ko tuloy na baka magkakilala talaga kayo ayaw mo lang aminin."

tinignan ko kung sino ang tinutukoy nya dahilan para magtama ang mata namin ni Suho na ngayo'y nakataas ang kilay habang nakatanaw sa'kin tila pinakahuhulugan na naman na

'bakit ako nakatanaw sa kanya!'

Mabilis akong umiwas ng tingin dito tsaka humarap kay Hazel  awtomatikong tumanggi ang ulo at dalawang Kamay ko .

"Nako,  hindi ko sya Talaga kakilala." nakangiting saad ko.

"Pero bakit nakatanaw sya sa'yo?" ang boses nito ay punong-puno ng panunukso.

Hindi pa man ako nakakasagot ay naramdaman ko nalang na may panibagong tao na naman na naupo sa tabi ko.

"Samahan mo akong Mag lunch mamaya."

Literal na natigilan ako,  ayokong aminin na boses nya iyon  pero alam kong sya ito!

Napuno ng bulungan ang paligid at hindi iyon maganda para sa'kin,  kung sa iba ay nakakakilig ang sitwasyon pero para sa'kin ay hindi,  dahil alam ko naman talaga ang tunay na ugali nya, nung nakaraan ay paniguradong lasing lang sya kaya maayus nya kong kinausap.

Teka bat parang baliktad?paglasing yun ba yung matino?ahhhys!

Unti-unti kong inilingon ang ulo ko paharap sa gawi nya at hindi nga ako nagkamali!

hindi sya nakasimangot ngunit hindi din naman nakangiti nasa dalawang pulgada na lamang ang pagitan namin kaya't paano ako makakagalaw o makakapag salita manlang na aamoy ko ang mabangong hininga nya...hala naku ano bang pinag sada-sabi ko!

"Ba't ayaw mo 'kong kausapin." naroon na naman iyong tanong nya, tila may kakaiba sa tono nya.

"N-Naku...h-hindi na-naman sa ganun.. Ma-marami pa kasi a-akong gagawin. " saad ko sa pagitan ng pagkautal.

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now