KABANATA 14

7 1 0
                                    

Ang lahat ay ipinatawag sa Quadrangle dahil sa Announcement ni Dean, nakakataka nang muli akong lapitan noong Aizen,  " ako muna ang balaha sayo okay? " ngumiti sya,  ngayon ko lamang napansin ang malalim na dimple sa magkabilang pisngi nya makinis ang balat nya at may pagkasingkit ang mata nya two side ang style ng buhok nya pero bagay sa kanya.

Hala ano bang ginagawa ko?

Tsaka ano daw? Sya ang bahala sakin? Saan?

" tapos mo na bang sauluhin ang mukha ko? " aniya kahit hindi nakanaw sakin kaya mabilis akong nagbaba ng tingin.

"Okay Lady's And Gentleman nandito ko ngayon para paunlakan ang lahat sa napakagandang aktibidad na inihanda ng buong school. "

Mahaba-haba din ang sinabi ni Dean ngunit hindi ko na nagawang makapag focus dahil sa matalim na mata ni Gino na nakamasid sa'kin,  ano nga bang nangyari sa kanya matapos nya'kong itulak sa pool?

"Come with me! " nagmamadaling ani Aizen ustong matapos ang announcement tsaka nya hinawakan ang pulsuhan ko.

San ba kami pupunta?

" alam mo ba? Sa lahat ng School na pinasukan namin nila Suho kahit isa ay walang nagtatangkang sumalungat sa amin,  sa madaling salita kaming tatlo lang ang pwedeng mambully at wala nang iba. " nakangising anito.

Natanaw ko na si Gino ang sinusundan namin,  ano kaya ang gagawin nya...

"Hoy! " mayabang na tawag ni Aizen kay Gino,  nilingon sya nito.

"At sino ka naman? " ganting tanong din ni Gino.

"Magpapakilala ko! Eto oh! "

*PAK!

nasapo ko ang bibig ko nang sapakin ni Aizen si Gino ng walang pag aalinlangan dahilan para matumba ito sa sahig.

"Inaano ba kita! " galaiting ani Gino.

"Pasensya kana,  napag utusan lang ni Suho ..sa susunod kasi mamili ka ng babaeng gagalawin mo, malay mo anak pala ng presidente ang binabangga mo. " sarkastikong anito. " isang maling galaw mo pa mabubura yang mukha mo sa Suntok ko."

Muli nyang hinawakan ang pulsuhan ko tsaka ako hinatid sa tent. "Naihatid na kita,  si Suho na bahala sa'yo. "

Hindi ko maintindihan ang mga pinag sasa-sabi nya.

Tulad ng sinabi ng Dean ay Sumakay kami sa sariling Bus ng School dahil may Seating Arrangement ay hindi ko tuloy alam kung sino ba ang makakatabi ko.

Natanaw ko si Suho na umakyat papasok kaya't yumuko ako,  Hindi pa talaga ko handa para kausapin sya.  Nanginginig ang kamay ko pati na ang buong katawan ko kung magpapatuloy ito ay baka atakihin na naman ako ng Asthma ko.

"Umusod ka. " hindi galit at hindi din naman malamabing ang pagkakasabi nya noon,  tyak na malapit lang sya sakin dahil sa lakas ng boses nya ayokong itaas ang mukha ko dahil ayaw kong makita sya! "gusto mo bang tumayo na lang ako."

Sino ba kasi ang Kausap nya?

"Maricon.. " nag angat ako ng paningin,  Bat nandito sya?  "Seat number 15 ako. " aniya pa kaya nilingon ko ang inuupuan ko 15 NGA!

16 ako pero bakit dun ako naupo,  magkatabi pa kami!

Bagsak ang balikat kong lumipat sa tabi ng bintana, itinuon ko ang mata ko sa labas nakita ko tuloy na sumakay iyong mga kaibigan ni Suho sa kotse kasama na si Kelly.

"Mahal Kita.. "natigilan ako ng sabihin iyon ni Suho. "Handa kong talikuran ang lahat Baby.. " nilingon ko sya,  sensero sya sa bawat pagbitaw nya sa salitang iyon ." please stay with me.. " nooy hindi nya napigil ang unti-unting pag agos ng luha nya tila wala syang pakialam sa lahat nang taong nakapaligid sa kanya.

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now