KABANATA 12

5 0 0
                                    

"kita mo ba kung gaano sya ka obses sayo! " impit ang kilig na ani Alaiza.  "Nakakainggit ka alam mo ba yon. " pahabol pa nya tsaka bahagyang binangga ang balikat ko.

Lihim akong napangiti tsaka lumingon kay Suho na abala sa pagbabantay kay Dexter,  lamang ang senior kaya tyak na pag iigihin ni Suho ang pag lalaro,  ilang taon ko syang nakasama sa Eskwelahan sa maynila ngunit hindi sumagi sa isip ko na hilig nya ang soccer,  madalas kasi ay Basball bat ang palaging hawak nya kaya nakilala ko syang basagulero.

Bagaman seryoso sa paglalaro ay hindi talaga nawawala ang angking kagwapuhan nya,  kahit pa kalahati lamang ng mukha nya ang natatanaw ko ay kitang kita ko parin. Kung gaano katangos ang ilong nya.

Tama na nga!  Nandito ko para manuod!

Nilalaro ni Dexter ang bola,  tila panatag sya na sila na ang mananalo ngunit iyon ang maling desisyon nya, nagpadulas si Suho sa Field para maagaw ang bola at matagumpay nya itong nasipa papunta sa kasama nya matapos ay muli itong ipinasa sa kanya pabalik sumenyas pa sya kay dexter na animoy binaril ito sa sentido tsaka nya sinipa ang bola papasok sa Net.

GOAL!

"WOAAAAAAAAH!  GO SUHO!  GO SUHO! GO SUHO MY BABY CRUSH! "

"JUNIOR FOR THE WIN! JUNIOR FOR THE WIN! JUNIOR FOR THE WIN WIN WIN! "

"sa wakas bumalik narin ang laro ni Suho! " anang ids pang babae mula sa likod namin.

*priiiit!

Tawag ng break ng Senior,  awtomatiko na naglakad palapit samin si Suho, ang bawat paghakbang nya ay nagdudulot sa'kin ng bulta-bultaheng kuryente kasabay ng matinding kaba ng dibdib ko lalo na ng ngumiti ito.

"para sa'yo yung tira ko.. " bungad nya habang nakangiti. Bagaman mahina lamang iyon ay hindi parin naiwasan ng mga kababaihan na tilian kami." so...pwede po bang punasan ang pawis ko? " nanunuksong aniya.

"naku,  lalayo na nga muna ko baka mamaya eh maistorbo ko pa kayo. "sarkastikong ani Alaiza habang nakangisi.

Pinanuod pa namin sya na lumakad palayo,  matapos ay naupo si Suho sa tabi ko. "nauuhaw ako. " aniya pa tsaka hinawi ang buhok paitaas,  pakuramdam ko ay bumabagal ang lahat ng pangyayari sa harap ko at malaya kong natutunghayan ang kagwapuhan ng nilalang na ito. "Sabi ko nauuhaw ako. "pag uulit nya pa tsaka tumawa,  inabot nya ang tumbler na naroon sa gilid ko dahilan para bahagyang magdikit ang katawan namin, bahagya tuloy akong nailang lalo na nang pagbulunganan na naman kami ng mga kababaihan sa gilid namin.

"did you see that! Urrgh! I envy."

"sila na nga yata! "

Nagbaba ako ng tingin dahil don,  pero nagulat ako nang hawakan ni Suho ang kamay ko.  "Chill baby, wag kang mahiya gwapo ang magiging boyfriend mo. " nakangising aniya nang lingunin ko pero kasunod noon nang dampian nya ng halik ang noo ko. " kaylangan ko yan para lumakas ako. "

"KYAAAAAAAHHH! "

"MY GOD! "

"SANA AKO NA LANG SI GURL! "

"mabilis ko lang tatapusin to,  gusto na kitang kasama eh. " aniya tsaka hinaplos ang ulunan ko.

Hala ano daw? Eh magkasama na nga kami sa bahay diba?

Hindi ba nakakahiya masyado tong ginagawa namin?

nang umalis si Suho sa tabi ko ay nakita ko ang nanlilisik na paningin ni Zoe, naglakad sya palapit ngunit ganoon padin ang paraan kung paano nya ko tanawin.

"mag usap tayo!" bakas ang galit na aniya tsaka naunang umalis sa lugar, tinanaw ko muna si Alaiza, nang tumango sya ay sumunod ako kay Zoe.  "Akala ko ba ay wala kang interest kay Suho! " nakakunot ang noong aniya.

BEING HE'S PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now