"Oo nga anak, tatanda na kami ng Mommy mo. Wala ka pa ring dinadalang babae dito sa bahay. Ni isa yata wala kang ipinakilala dito." kalmadong sabi ni Daddy kay Kuya.

"As of now, wala pa talaga. Gusto ko muna kasing magexplore at i-enjoy ang College life. Ang hirap na nga ng Engineering tapos isipin niyo may susuyuin pa ako? Hinaharap ko na yata ang kamatayan ko if ever." natatawang biro ni Kuya sa aming dalawa ni Daddy.

"Well, ilang taon na lang kasi ay gra-graduate ka na anak. Mamaya maunahan ka pa ng kapatid mo sa pagkakaroon ng lovelife." kalmadong sagot ni Daddy sa biro ni Kuya.

"Eto yata ang malabong mangyari Daddy. Nakakasiguro ako na si Kuya ang mauunang magkaroon ng girlfriend o asawa. Magkakaroon ng mga anak at magkakapamilya." buntong-hiningang sagot ko kay Daddy.

"Totoo yun Daddy, hindi agad magbo-boyfriend yang si Xeinna. She knows her priorities well. Wag lang talagang maiinlove ng sobra. Iba kasi kapag nagmamahal na, lahat hahamakin. Masunod lang ang kagustuhan." kalmadong sagot ni Kuya kay Daddy.

"Malay mo, bilis-bilisan mo naman ang kilos mo Xennus. Hindi kita pinalaking ganiyan." nakangising biro ni Daddy kay Kuya.

"Daddy, alam mo namang hindi pa talaga ako nainlove ng sobra. Kung meron man, sa pagaaral ko yun. Focus lang ako sa goals ko sa buhay at maachieve lahat ng iyon habang bata pa ako." kalmadong sagot ni Kuya sa biro ni Daddy.

"Anak, ikaw bata ka pa. Kami ng Mommy mo, tumatanda na. Kapag nagkataon baka wala na kaming abutan na apo ng magiging asawa mo." kalmadong sabi ni Daddy kay Kuya.

"Daddy, hindi ako nagmamadali. In time, magaasawa at magkakaanak kami. Bubuo kami ng sariling pamilya. Ngayon, gusto ko munang makapagtapos ng pagaaral ko at maging lisensyadong Engineer. Magkaroon ng sarili business o kumpanya. Gusto ko munang magkaroon ng magandang offer sa magiging asawa ko in the future. Gusto ko munang maging better para sakaniya at sa future na kasama siya." nakangiting sagot ni Kuya kay Daddy.

"Isang tip sa pakikipag-date, you date to marry." nakangiting singit ko sa usapan nina Kuya at Daddy.

"Yes, one of my principles in dating. Gusto ko kapag may pinakilala ako, sigurado ako sakaniya. Mahal ko siya at siya na ang nakikita kong makakasama ko sa habang buhay." nakangiting sabi ni Kuya sa akin.

"Nakakatuwa na sa ganiyang edad ay nagma-matured na agad ang utak niyong magkapatid. Masaya ako bilang isang ama at magulang na napalaki ko kayo sa maayos na paraan. Hindi man perpekto pero maipagmamalaki naman talaga." nakangiting sabi sa amin ni Daddy.

Sa lalim ng usapan namin nina Daddy at Kuya ay hindi ko napansin na papalapit na pala si Mommy sa amin.

"Heart to heart talk ngayong tanghali? Ang seryoso ng usapan niyo ah. Kakatapos ko lang magluto, medyo natagalan ako sa paghahanda ng pagkain." malumanay na sabi ni Mommy habang pawis na pawis galing kusina.

Kumuha ako ng tissue sa lamesa na malapit sa sofa at ipinunas sa buong mukha ni Mommy.

Ngumiti lang ito sa akin at kinuha ang tissue mula sa kamay ko pagkatapos ay siya na ang nagtuloy ng pagpupunas sa kaniyang buong mukha.

1:18 PM

"Mahal, anong menu natin for today? Mukhang masarap ah." nakangiting tanong ni Daddy kay Mommy.

"Beef broccoli with pritong Tilapia. Nagtimpla din ako ng iced tea at nagpalamig sa ref ng tubig para sa drinks. May sansrival na cake pa naman diyan, yun na lang ang gawin nating dessert." nakangiting sagot ni Daddy kay Mommy.

"Ang sarap naman ng tanghalian Mommy! Hindi pa ba tayo kakain? Bigla tuloy akong nagutom sa mga niluto mong pagkain para sa amin." magiliw na sabi ni Kuya kay Mommy.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now