"At saka, gusto ko ring pumunta sa - Oops!"

Naputol ang ibang sasabihin ni Queenie nang mapadako ang tingin nito saamin. At dahil duon, napatingin din saamin si Khalid. Agad nagtagpo ang mga mata namin ni Khalid.

Wala akong nakitang emosyon sa mga mata niya. Magmula nuon talaga ang hirap na niyang basahin. Wala na 'yung emosyon sa mga mata niya sa tuwing titignan niya ako nuon. 'Yung emosyon ng mga mata niyang punong-puno ng pagmamahal at adorasyon. Wala na. At hindi ko alam kung makakaya ko pa ba siyang pabalikin sa dati. Hindi ko alam kung makakaya ko pang ibalik ang ganuong emosyon sa mga mata niya.

Ako na mismo ang pumutol sa titigan naming dalawa. Hindi ko na kasi siya kayang titigan nang ganun katagal kung wala naman akong nakikitang pagmamahal sa mga mata niya.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain habang pinipigilan ang emosyon ko lalo na nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-upo ng dalawa sa harapan ko.

Ramdam ko ang titig ni Khalid saakin kahit kinakakausap siya ng babae niya, pero hindi na ako nag-angat ng tingin dahil wala naman akong makikitang emosyon sa mga mata niya. Nanatili akong nakayuko at itinuon na lang ang atensyon sa pagkain.

Narinig ko na lang mayamaya ang pagsalita ni Nanay Myrna, "Teka, hija!"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko siyang tumayo at may kung anong kinuha sa refrigerator. Kahit papaano, napangiti ako nang makita kong hawak-hawak niya ang paborito kong Leche Plan lalo na nang ilapag niya iyon sa harapan ko.

"Thank you po, 'Nay!" I smiled at her.

Hinaplos ni Nanay Myrna ang pisngi ko, "Nakaka-miss ang ganyang ngiti mo, hija. Sana lang magtuloy-tuloy na 'yan. Huwag mo na lang pansinin ang mga taong nakapaligid at walang mabuting naidudulot sa'yo. Dahil kapag patuloy kang malulungkot, hindi ikakatuwa 'yon ni Aki." sabi ni Nanay Myrna na para bang kami lang ang tao rito sa hapag.

Pero pakiramdam ko, sinadya niya talagang iparinig iyon sa kasama namin. At dahil sa sinabi niya, napawi ang ngiti ko, dahil muli ko na namang naalala ang anak ko at ang taong nasa harap ko.

"Who's Aki?"

Napakurap at napaangat lang ako ng tingin nang marinig ko ang tanong babae ni Khalid. Nakita kong nakatingin siya saamin ni Nanay Myrna at bahagyang nakangiti.

"Who's Aki? Is that your other -"

Naputol ang ibang sasabihin niya nang bumuntong-hininga si Khalid at malalim at seryoso ang boses na nagsalita.

"Aki is my son, Queenie."

"Oh!" parang gulat nitong sabi, "Is he your late son?"

Sa halip na sumagot si Khalid, bumaling ito saakin, kaya napaiwas ako ng tingin at kinain na lang ang Leche Plan na nasa harapan ko.

I heard Khalid sigh, "Yeah."

"Aww. Sorry for mentioning that, babe. Pero huwag ka nang malungkot. Don't worry, magkaka-baby na naman tayo, 'e. Mapapalitan na natin ang anak mong namatay."

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara matapos nang sinabi ng babae ni Khalid.

Narinig ko na lang ang padabog na paglapag ni Nanay Myrna sa kutsarang hawak nito, "Maghunos-dili ka sa pananalita mo, babae. Baka nakakalimutan mong sampid ka lang dito kaya matuto kang resptuhin ang yumaong bata. At kahit kailan, hindi mapapalitan nino man si Aki."

"Oh? Patay na naman 'yon kaya bakit kailangan pa?"

"Queenie, stop that." si Khalid sa mariin na boses. But his other woman didn't stop.

Unfaithful Wife (HIATUS)Onde histórias criam vida. Descubra agora