"Oo naman. Magkakaanak na nga kayo, hindi ba?"

"Hindi mahalaga kung mahal ko siya o hindi." sabi niya gamit ang walang emosyong boses.

Napatango ako at nagbaba ng tingin para punasan ang luha ko saka ako muling nag-angat ng tingin sa kanya at muling ngumiti nang tipid.

"Si Aki. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya? Ah siguro, matutuwa siya. Kasi magkakaruon na siya ng -"

"Shut it," putol niya sa ibang sasabihin ko.

Naipikit niya nang mariin ang mga mata niya at nang muli siyang magmulat ng mata, kung malamig na ang tingin niya saakin kanina, mas lumamig pa ngayon.

"Don't involve Aki's name in this."

"Pero -"

Muling naputol ang salita ko nang pabagsak niyang ibinaba ang plato at kutsara saka siya tumayo at tumalikod.

"Papupuntahin ko na lang dito si Nanay Myrna para siya na ang mag-asikaso sa'yo. Aalis na ako." malamig pa rin ang boses niya. Ano bang bago?

Bago pa siya makahakbang, inihawak ko ang nanghihina kong kamay sa sweatpants niya.

"Please," ramdam ko ang sunod-sunod na paglandas ng luha sa pisngi ko, "Promise, hindi ko na babanggitin si Aki. Hindi na rin ako magtatanong ng tungkol sa inyo ni Queenie. Hindi na rin ako magsasalita pa. Huwag ka lang umalis. Kahit ngayon lang, please. Kahit ngayon lang, manatili ka sa tabi ko. Kahit hanggang sa makatulog lang ako."

Naghina ang kamay kong nakahawak sa sweatpants niya at napayuko na lang dahil alam kong mahirap para sa kanya ang hinihingi ko. Naramdaman ko sunod-sunod na pagpatakan ng luha sa kandungan ko.

Mula noon, matapos nang nangyari, parang hirap na hirap na sa kanyang magkasama kami sa iisang kwarto nang matagal kaya magmula noon, hindi na kami nagkakasama sa iisang kwarto. Kaya alam kong hindi niya gagawin ang hinihiling ko.

Kaso, napaangat ako ng tingin at napasinghap ako sa gulat nang muli siyang umupo sa harapan ko. Kapagkuwan, napangiti rin ako. Umiwas naman siya ng tingin at kinuha na lang ulit ang plato saka muli niya akong pinakain.

Nakangiti ko namang tinanggap ang bawat subo niya kahit hindi siya nagsasalita o kahit hindi niya ako tinitingnan sa mata. Hindi na rin ako nagsalita pa, sa takot na baka magbago ang isip niya at iwan niya ako.

Matapos niya akong pakainin, tahimik lang din niya akong inalalayang uminom ng gamot.

I smiled at him matapos niya akong asikasuhin, "T-thank you."

Hindi siya nagsalita. Sa halip, inalalayan niya akong makahiga ulit sa kama. Inayos niya rin ang kumot ko nang walang salita. Samantala, nanatili lang akong nakatitig sa mukha niyang mula noon, hanggang ngayon, wala pa ring pinagbago.

Nang makita kong naupo siya sa upuang nasa tabi ng kama ko, saka ako napanatag na hindi siya aalis kaya nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko.

Bago ako tuluyang nakatulog, naramdaman ko ang paglapat nang malambot na bagay sa noo ko, hindi ko alam pero dahil duon medyo gumaan at kumalma ang pakiramdam ko.

At tulad nang dati, sa pagtulog ko, muli kong naalala ang nakaraan namin dahil duon na lang ako sumasaya matapos ng nangyari. Ang alalahanin ang nakaraan namin bago mangyari ang pangyayaring dahilan ng pagbabago niya.

"Hello?" pagsagot ko sa tawag niya.

"Anong nangyari? May sakit ka raw, kaya hindi ka pumasok?" ramdam ko ang pag-alala sa boses niya.

"Trangkaso lang. Okay lang ako."

"Anong trangkaso lang? At anong okay lang?" magkahalong galit at nag-aalala ang tuno ng boses niya. Marahas siyang napabuntong-hininga, "Pupuntahan kita."

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now