Namalayan ko na lang ang sarili kong nakasakay na sa kotse ni Khalid. Hanggang sa marinig ko ang pagsalita niya.

"Puntahan niyo ang gagong lalaki sa auditorium. Dagdagan niyo ang bugbog ko. Patayin niyo kung kinakailangan."

Napasinghap ako sa sinabi niya at ganun din sa talim at dilim ng boses niya. Napabaling ako sa kanya. Nakita kong madilim din ang ekspresyon ng mukha niya. Nawala lang iyon nang bumaling siya saakin.

"H-huwag. B-baka makulong ka."

"Wala akong pakialam," he sighed and wiped my tears and stared at my eyes, "Remember this, Raiah. As long as I am by your side, I will never let anything bad happen to you."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Ganun din siya. Bumuntong-hininga siya at inapakan ang gas ng kotse niya.

Nanatili akong tahimik sa byahe. Nanginginig pa rin ako kapag naaalala ko ang nangyari. Iniisip ko rin na paano kung hindi dumating si Khalid? Anong mangyayari saakin?

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat kong halik at haplos lang ang nagawa ng lalaking iyon saakin.

Dahil muli kong naalala ang halik ng lalaking iyon, pinunasan ko ang labi ko na para bang sa pamamagitan nun mawawala iyon. Pero umiiyak na lang ulit akong tumigil sa pagpupunas sa labi ko nang mapagtanto kung hindi ko na iyon mababago.

Napaigtad lang ako sa gulat nang biglang hawakan ni Khalid ang kamay kong nakapatong sa kandungan ko kaya napabaling ako sa kanya.

"Stop thinking about that, please." sabi niya habang nanatili ang tingin niya sa daanan.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko nang maramdaman ko ang marahang pagpisil niya rito.

Tipid akong napangiti at bumaling sa kanya, "Thank you.."

He sighed harshly saka niya binitawan ang kamay ko, "Don't thank me. Kasalanan ko. Kung hindi sana kita inalis sa paningin ko, hindi mangyayari ang bagay na iyon," sabi niya saka niya ako binalingan, "Ano pala ang ginagawa mo ruon?"

Matagal pa bago ako nakapagsalita, "M-may natanggap akong note. Ang sabi 'magkita tayo sa auditorium.'," bumaling ulit ako sa kanya, "I-I thought it was you."

Nagsalubong ang kilay niya at umigting ang panga niya, "Paano mo naman naisip na ako iyon? At saka kung gusto kong makipagkita sa'yo, iti-text kita. I have your number, Raiah." sabi niya na parang nakalimutan ko ang bagay na iyon.

"Ikaw lang naman ang naisip ko. At saka, may apple kasi na kasama ang note kaya mas lalo kong naisip na ikaw iyon."

Natahimik na siya matapos iyon, pero nanatiling salubong ang kilay niya.

"P-paano mo palang nalaman na nandun ako?"

He sighed, "May nakasalubong akong babae. Sabi niya saakin nasa auditorium ka. Sabi niya akala niya ako 'yung kakatagpuin mo," he cursed and glanced my way, "Damn, Raiah. Paano kung hindi ako dumating?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya, "I don't know."

"You don't know? Really?" he said, irritated. He, then, cursed again, "Next time, Raiah. Huwag kang papaniwala sa mga sulat na natatanggap mo, ha? Kasi hindi oras-oras, nasa tabi mo ako."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Muli kaming natahimik matapos iyon. Wala akong naririnig kundi ang marahan niyang pagbuntong-hininga.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang may nakita ako sa repleksyon ng rear view mirror. Para makasigurado, nilingon ko iyon sa likuran. Napalunok ako nang hindi nga lang ako basta namamalikmata lang.

Unfaithful Wife (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon