Umingos siya, “Ayaw ko ruon, Ma’am. Amoy putok.”

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Beth. Kahit kailan talaga. Napatigil lang ako nang mapansin ko ang paninitig saakin ni Beth.

“Bakit?” I asked her.

Umiling siya, pero mayamaya, tipid siyang ngumiti, “Ang ganda po ng ngiti niyo, Ma’am. Sana po, ganyan ka lagi, ‘no?” sabi niya at biglang sumama ang timpla ng mukha niya nang mukhang may naalala itong hindi kaaya-aya, “Bakit ba kasi —”

“Beth,” I cut her off. Tipid ko siyang nginitian, “Mamili na lang tayo, okay?”

Ngumiti at tumango naman siya, pero nasa mukha pa rin niyang parang gusto niyang sabihin kung anong nasa isip niya o kung anong kinasama ng loob nito.

Nagpapasalamat na lang ako nang hindi na siya nagsalita. Iniba na lang niya ang topic habang pinagpatuloy namin ang pamimili.

“Raiah?”

Napatigil lang ako sa pangunguha ng kung anu-ano nang may tumawag sa pangalan ko. Agad ko siyang nilingon. Kumunot ang noo ko nang may nakita akong supistikadang babaeng nakatayo hindi kalayuan saamin.

“Oh my God,” napatakip siya sa bibig. Mayamaya, natawa itong lumapit saakin, “Oh my God! Raiah, ikaw ba ‘yan? You look...”

Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. At nang bumalik sa mukha ko ang mga mata niya, natawa na naman siya. More on, tawang nang-uuyam.

She crossed her arms with a mockingly smiled on her face, “What happened? Anong nangyari sa Raiah na kilala ko noon? Anong nangyari sa Raiah na hinahabol-habol ng lalaki noong highschool at college pa tayo? What happened? Para kang pinagsawaan ng asawa.”

Umiwas ako ng tingin lalo na nang mapang-uyam siyang tumawa. Hindi ko siya kilala, pero base sa sinasabi niya, mukhang kilala niya ako.

Napabaling lang ako kay Beth nang magsalita ito.

“Hoy! Anong karapatan mong insulthin ang amo ko, huh?” bigla nitong hinarap ang babaeng hindi pa rin nawawala ang mainsultong ngiti, “Fyi! Mas maganda sa’yo si Ma’am Raiah!”

Mapang-uyam na tumawa ang babae, “Baka noon. Aminado naman akong maganda talaga siya... noon.”

“Aba’t —”

Susugurin sana ni Beth ang babae nang kaagad ko siyang pigilan, “Beth, tama na. Huwag mo nang patulan.”

“Pero, Ma’am —”

Pinisil ko nang marahan ang braso niyang hawak-hawak ko at tipid siyang nginitian, “Pagpatuloy na lang natin ang pamimili natin.”

Bumuntong-hininga naman siya at hindi na nagsalita pa. Samantala, bago ako lumakad, tiningnan ko pa ang supistikadang babaeng nang-uuyam pa ring nakatingin at nakangiti saakin saka ko siya nilagpasan.

Matapos naming mamili ni Beth, bumalik na rin kami sa van. Puro ang talak ni Beth dahil sa nangyari.

“Naku, Ma’am! Hindi ko alam kung ba’t hinayaan mo lang lait-laitin ka nung babaeng iyon parang ispasol ang mukha.”

Hindi na ako nagsalita kaya hindi na rin niya ako kinausap. Narinig ko ang pagtanong ni Mang Ben sa kanya kung anong nangyari kaya sila na ang nag-usap sa harapan. Nanatili naman akong tahimik sa likuran. Inaalala ang sinabi ng babae kanina.

“Para kang pinagsawaan ng asawa.”

Napayuko at napatitig sa singsing na nasa daliri ko. Marahan ko iyung hinaplos. Matapos nang ilang sandali, nag-angat din ako ng mukha. Hanggang sa mahagip ko ang repleksyon ko sa rear view mirror.

Unfaithful Wife (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon