Ano'ng problema ng isang 'to? Imposible namang ako dahil mabait akong bata, sa sobrang bait ko nga binigyan ko ng isang chichirya si Ram noong isang araw, isang piraso lang talaga. Ano siya sinuswerte? Bumili siya ng kaniya kung gusto niya. Hirap kaya makabili ng chichirya ngayon.

"Ano'ng mukha 'yan, Ate Sam? Halatang problemado ka, 'a. Bakit? Ano'ng meron? Wala ka namang dalaw ngayon, 'di ba? Malayo pa, 'di ba? Hindi rin naman kayo nag-away ng jowa mo. Ayy, nakalimutan ko, wala ka nga palang jowa."

"Masyadong pasmado ang bibig mo, Mac. Gusto mong lagyan ko 'yan ng packing tape?" Inis niyang saad at tinignan ako ng masama.

Agad kong itinaas ang aking kamay, para bang susuko ako dahil iba ang tingin niya sa akin ngayon.

Madalas na mastress sa amin si Ate Sam dahil nga sobrang kukulit naming lahat. Sorry na lang dahil dati na kaming ganito at hindi ito basta-basta na lang mabago.

"Joke lang naman. Eh bakit nga kasi problemado ka riyan? Nawawala ba si Jaxel? Nakuuuu, malamang nandoon lang 'yon kay-"

Hindi ko pa man natatapos ang aking sinasabi ay ipinakita niya na sa akin ang hawak niyang cellphone. May picture, picture ko kanina sa mall at may hawak akong damit.

Guwapo ko naman dito. Oo, guwapo at hindi maganda. Nakasumbrero kasi ako rito at nakatago ang buhok. Kamukha ko si Zac dito kaya ang guwapo. Oo na, guwapo na si Zac, malamang mana sa akin 'yon kaya guwapo.

"Naks, guwapo ko naman dito, Ate. Kanino galing 'yan? Balit hindi ko alam 'yan? Sino kumuha niyan? Photographer ba? Hanapin mo nga tapos kunin mong photographer natin. Ganda ng kuha niya, 'o. Kuhang-kuha kaguwapuhan ko."

"Marriene Aecy Chandria Ramos!" Sigaw niya kaya bigla kong naitikom ang aking bibig. Galit na nga siya dahil tinawag niya na ako sa buo kong pangalan.

"Aw, sorry. Peace tayo, Ate."

Napayuko ako dahil sa biglaang pagsigaw niya. Ngayong tinawag niya ako sa buo kong pangalan ay alam kong may malaki kaming problema na kakaharapin. Tsk, daldal mo kasi, Mac.

"Alam mo ba kung ano'ng gulo ang ginagawa mo, Mac? Hindi ba't sinabi ko sa inyo na huwag munang lalabas ng bahay hangga't hindi pa naglalabas ng instructions ang kompanya? Ngayon alam na ng mga tao na nandito kayo sa Pilipinas," pagalit niyang saad kaya mas lalo akong napayuko.

Mukhang mapapahawak na naman si Ate Sam sa agency nang dahil sa akin. Bakit kasi sobrang gala ko?

"Malalaman din naman nila 'yon kaya bakit ba patatagalin pa natin? Dami talagang alam ng kompanya."

"Mac naman! Dahil sa ginawa mong paglabas ay nanganganib ang buhay n'yo. Nakakalimutan mo na ba ang nangyari sa inyo rati sa Australia? Muntik na kayong makidnap dahil lang sa nagkayayaan kayong lumabas ng hotel. Mac, alam mo naman dito sa Pilipinas, 'di ba? Hindi natin alam kung ano'ng puwedeng mangyari sa inyo once na lumabas kayo ng bahay na 'to. Puwede kayong makidnap o pagkaguluhan ng mga tao. Maaari kayong masaktan kapag lumabas kayo. Sabihin mo nga sa akin, Mac. Nag-iisip ka ba?" Seryoso niyang tanong.

"Sorry, Ate. Gusto ko lang namang gumala dahil nabobored na ako rito sa bahay."

"Wala nang magagawa iyang sorry mo, alam na ng mga tao na nandito kayo. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang may makahanap nitong tinitirhan n'yo," mahinahon nitong saad.

Iniangat ko ang aking ulo at doon ay nakita kong hinihilot niya ang kaniyang ulo. Siguro ay stress na siya dahil sa ginawa kong gulo.

"Sorry na, Ate. Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Gusto mo blind date ko kayo ni Yeil?"

Napangisi ako dahil sa biglang paghinto niya na hilutin ang kaniyang noo. Crush na crush niya kasi si Yeil at ganoon din naman si Yeil sa kaniya. Sadyang torpe lang ang mokong at hindi alam kung paano kausapin si Ate Sam.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now