Chapter Six

34.9K 453 1
                                    

Chapter Six

Nandito kami ngayon sa isang wedding house inaayos namin yung para sa kasal. Hindi parin kami nag uusap ni Kyle simula nung nag away kami nung isang araw at yung mama nya lang yung sumundo sakin kanina sa hotel.

"Lorraine try this! I'm sure Kyle will like this for you." Sabi sakin ng mama nya habang hawak-hawak yung yung laylayan ng gown.

"Ah opo maganda din po yan Mama kaya lang.. Parang mas maganda po siguro kung simple nalang po yung gown na susuotin ko total isang araw ko lang naman po yun gagamitin." Sabi ko sakanya.

"No iha, i want you to wear the best gown because your wedding day is a truly special day for the both of you."

Niyakap ko yung mama nya, talagang ginagawa nilang espesyal yung araw ng kasal namin. Naiyak ako kasi nagi-guilty talaga ako, ang bait nila masyado para lokohin ko.

"Oh why are you crying?" Tanong nya sakin nang magkalas kami sa pagkakayakap.

"Wala po Mama masaya lang po talaga ako."

"Huwag ka nang umiyak hindi bagay sa'yo."

Napatingin kami dun sa nagsalita si Kyle pala. Nagsasalita lang yun pag nandito yung mama nya pero pag kami na yung magkasama hindi nya ako kinikibo.

"Wow.. You look so handsome with your suit honey." Agad na lumapit sakanya yung mama nya at manghang mangha sa suot ng anak nya.

Ano namang bago? lagi naman syang naka coat and tie eh.

"What do you think Lorraine?"

"Ah opo bagay po sakanya." Infareness ha bagay nga sakanya. Gwapo naman kasi sya kahit anong suuotin nya ang problema nga lang hindi lang talaga sya marunong ngumiti.

"Wala ka paring napipiling gown?" Tanong nya sakin.

"Gusto ko kasi simpleng gown lang.. Ang garbo kasi ng mga gown nila dito."

"Alam mo kaya tayo nag-aaway dahil sa kaartehan mo. Huwag mong hanapin yung wala."

"Bakit ba?! gusto ko nga ng simpleng gown eh!" Nasigawan ko tuloy sya. Nakakainis na kasi sya kahit andito yung mama nya sinusungitan nya ko, pinapahiya nya ko.

"Ewan ko sa'yo." Pagkasabi nya nun agad syang umalis at tumalikod. Edi mag walk-out ka!!

"Wait honey don't go!"-Mama

"Aalis na po ako ma, I have to get back to work, i just used my free time for this kaya lang wala naman akong mapapala."

Status: Single But Married [Unedited♥]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang