Chapter Ten

32.3K 436 5
                                    

Chapter Ten

"Miss?"



Hala sino to?



"Bakit po?" Tanong ko.




"Mukhang nawawala ka ah."




Mukhang sanggano si kuya. Naku po!!!




"Ah.. Hindi po, jan lang po ako nakatira. Si kuya talaga. Mukha ba akong hindi tiga rito?" Tumatawa pa ako na parang tanga habang paunti unting naglalakad palayo.




"Saan?"





"Jan lang po sa kabilang--"





"Niloloko mo ba ako?!"





"Ha?"




"Walang mga bahay jan. Ang mabuti pa bigyan mo na lang ako ng pang inom at ihahatid kita sa inyo."




"Naku huwag na po alam ko naman po yung pupuntahan ko salamat nalang. Chaka wala po akong pera."





"Sige na miss huwag ka ng pakipot.."





Nilapitan nya ako at hinawakan nya ang braso ko.
"Waaaahhh! Bitawan mo kooo!"




*Togsh*





"Araaay!"




"Yan ang bagay sayo.. Bleeee.."  Tapos tumakbo ako ng tumakbo. Akala nya siguro ha. Tinadyakan ko sya sa tuhod kaya ako naka takbo. Akala nya ba maloloko nya ako? Grabe umaaligid nga yung mga manloloko dito. Nasaan na ba kasi ako? mukhang mas lalo pa akong napa layo dito ah.




"Miss.."




"Waaaaah!! Bitawan mo ko!!" Nagulat ako nang may isang lalaki na naman na humawak ng braso ko.




"Teka lang hindi ako masamang tao."




"Hindi.. Hindi!! Bitawan mo ko!! Tulo--"




Tinakpan nya yung bibig ko kaya hindi ako maka sigaw. Waaaah.. Lord kayo na pong bahala sa mga magulang ko pati na po sa mga kapatid ko. Ito na ata yung katapusan ko.




"Can you please shut you mouth. Makiki-tawag lang ako sayo ang OA mo naman."



"Anong makikitawag?!! mukha ba--"




"Huwag ka ngang maingay. Para ka namang nire-rape."




"Hmm..Uhmmm.."




"Ano?"




Tinuro ko yung kamay nya na naka takip sa bibig ko kaya tinanggal nya yung kamay nya sa bibig ko.



"Wala akong cellphone."



Tapos humarap ako sakanya. Wow ang gara ng suot nya tapos nanghihiram ng cellphone? Anong modus to? Ibang klase pala yung mga magnanakaw dito naka formal attire pa.



"Wala kang cellphone?" Tanong nya pa uli sakin kahit kaka sabi ko lang.



"Wala. Kaya bitawan mo na ako! wala kang mananakaw sakin."



"Anong sabi mo?--"



*Togsh*



"Aray!"



Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now