Chapter FiftyThree

18.4K 254 19
                                    

Just a short update ^___^ H0pe y0u like it!  Vote... Comment.. and Share! :) 

Chapter FiftyThree

"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang makita ko si Hanna sa loob ng cr, bakit sya nandito?? kanina pa ba sya nagtatago dito?? alam ba ni Kyle yung tungkol dito??

"Uhm.. Why don't you ask Kyle?"

"Ano?" Mahinang sabi ko na halos wala ka ng marinig. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya yun. Bakit ko tatanungin si Kyle? Alam ba nya yung tungkol dito? magkasama ba sila habang wala ako?

"Ah.. Oo nga pala ayaw nyang malaman mo yung tungkol sa aming dalawa, kaya siguro hindi mo alam. Siguro alam nya na padating ka na kaya pinatago nya ko dito sa loob ng cr. Kaya lang mukhang mantidi ang pang-amoy mo kaya nalaman mo na nadito ako sa loob." Nag cross arms sya bago nya itinuloy yung sasabihin nya. "Kawawa ka naman Lorraine, dahil niloloko ka ng asawa mo." Lumapit sya sakin at bumulong "Sinabi ko naman kasi sayo na kahit ikaw ang pinakasalan nya ako parin ang mahal nya."

Hindi totoo yung mga sinasabi nya, mahal ako ni Kyle at sigurado ako doon. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita. "Tapos ka na ba? ako naman. Unang una sa lahat mahal ako ng asawa ko."

"Talaga?? how sure you are??"

"Dahil nararandaman ko yun. Pangalawa, hindi si Kyle ang tipo ng tao na lolokohin ako sigurado ako doon. At pangatlo, kung yung sainyo ni Kyle antg tinutukoy mo.. Huh! matagal ng tapos yun. Wala ka ng ibang magagawa kung hindi tanggapin ang pagkatalo mo Hanna. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sakanya!" Naiinis na ko sakanya at parang gusto ko na syang sampalin at kaldkarin palabas ng kwarto na to.

"Paniwalaan mo ang sarili mo. Kung hindi nya ko mahal bakit mga pictures parin namin ang nakalagay sa laptop nya? At sa tingin mo bakit ako nandito kung hindi ako kinontact ng magaling mong asawa? Hindi kayo bagay Lorraine, mapapahiya lang si Kyle sayo dahil hindi naman mayaman ang pamilya mo at hindi ka rin nakatapos sa pag-aaral kaya wala kang maipagmamalaki."

Sumusobra na talaga tong Hanna na to. Sino ba sya sa akala nya para hamakin ang pagkatao ko? "Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang naglagay ng pictures na yun sa laptop nya? Sa ginawa mong pagpapakita sakin ngayon pinahalata mo lang na pinlano mo ang lahat."

"Anong sabi mo--"

"At isa pa ikaw din ang nagsabi sa mga asawa ng katrabaho ni Kyle tungkol sa pagkatao ko diba? Sinisiraan mo ko at ipinapahiya sakanila. Pero sorry Hanna, hindi tayo magkaibigan at hindi mo ko kilala. Kaya wala kang alam sa buhay ko. Sa susunod na magpaplano ka, ayus ayusin mo para hindi ka nagmumukhang DESPERADANG TANGA!!"

"Sumusobra ka na!!"

*PAK!!*

"Honey baki-- Hanna??" Biglang bumukas yung pinto at dumating si Kyle. Agad syang lumapit sakin at niyakap ako. "Bakit mo sya sinampal?! at isa pa anong ginagawa mo dito?!"

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now