Chapter FiftyFour

19.9K 306 8
                                    

Chapter FiftyFour



Kyle's POV

Kanina pa ako hindi mapakali dito kakahintay kay Lorraine. Simula nung umalis sya kaninang tanghali hindi parin sya bumabalik. Hinabol ko sya pero hindi ko na sya naabutan. Hinanap ko sya kung saan pero hindi ko sya nakita hanggang sa biglang umulan ng malakas kaya napag pasyahan ko na bumalik na lang dito sa kwarto namin sa pag-aakalang nandito na sya.

Akala ko bumalik na sya dito pero hindi parin pala. Saan na kaya sya pumunta? Hindi pa sya kumakain simula kaninang tanghali tapos wala pa syang dalang pera. Nag alala na talaga ako sakanya. Gusto kong magpaliwanag sakanya at gusto kong linawin ang lahat pero sobra syang nasaktan sa nangyari kanina kaya sya umalis..






*Flashback..* 






Sinabihan ako ni Lorraine na mauna nang pumunta doon sa may garden para sa team lunch. Sabi nya masama daw yung pakirandam nya kaya pumunta ako doon ng mag-isa. Hindi muna ako nagtungo sa may garden kndi sa may washing area para makapag hugas ng kamay ng aksidente kong marinig yung pinag-uusapan nung mga babae.





"See?? Ibig sabihin totoo nga yung sinabi satin ni mam Hanna na hindi nga nakatapos ng pag-aaral yung asawa ni sir Kyle."





"Oo nga. Nakita nyo yung mukha nya kanina? Hindi nga sya makasagot sa mga tanong natin diba? at namumutla pa sya."





Si Lorraine yung pinag-uusapan nila.





"Ano naman kayang nagustuhan sakanya ni sir Kyle? eh maputi lang sya, di hamak naman na mas maganda at mas mayaman si mam Hanna doon."





"Oo nga at mas boto talaga ako kay mam Hanna para kay sir Kyle."






"Hindi ba parang sumobra naman ata kayo sa mga tinanong nyo sakanya kanina? Pano kung magsumbong yun kay sir Kyle? Baka matanggal sa trabaho yung mga asawa natin."





Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now