Chapter ThirtyNine

22.6K 298 10
                                    

Chapter ThirtyNine

 

Nathan's POV

"Jacob bilisan mo naman jan, para ka namang babae jan."

"Anjan na kuya. Sandali lang."

Mag dadalawang buwan na ang nakaraan mula nung umalis si Lorraine at hanggang ngayon wala parin kaming balita sakanya.l, kahit tong pinsan nya walang ideya kung nasan na yung ate nya. Kaya nga hinihintay ko sya ngayon dahil pupunta kami sa probinsya nila.

"Tara na kuya."

"Natapos ka rin."

"Bakit ka ba nagmamadali kuya?"

"Syempre..."

"Syempre ano??"

"Papagalitan ko yung ate mo dahil basta basta nalang nag reresign ng walang dahilan."

"Owws?? Yun ba talaga?? Baka naman..."

"Hoy hindi ko namimiss yung ate mo no."

"Teka masyado ka atang nagpapahalata kuya Nate. Wala naman akong sinabing ganun ah."

"Inuunahan lang kita. Alam kong ganun yung sasabihin mo. Sumakay ka na nga sa kotse, ang kulit mo para kang bata."

"Wow ang mature. Don't worry kuya Nate, mabait ka naman kaya sigurado akong magugustuhan ka ni ate Lorraine."

"Ano bang sinasabi mo jan. Ituro mo yung daan, ayokong maligaw."

"Uyyy.. Excited syang makita si ateee." Panunukso nya sakin.

"Jacob, hindi ko gusto yung ate mo. Naawa lang ako sakanya."

"Ah ganun ba. Okay lang, marami namang nanliligaw kay ate dun sa probinsya. Pag may nakita kang bahay na maraming naka pilang lalake, yun yung bahay nila ate."

Bigla kong napreno yung kotse dahil sa sinabi nya. "Jacob wag ka ngang maingay, kita mo ng nagmamaneho yung tao oh."

"Ay sorry, sige mag maneho ka na."

Pagka sabi nya nun ngumingiti ngiti pa sya. "Anong tinatawa tawa mo jan?"

"Wala, masama bang tumawa?"

Nanahimik na lang sya at hindi na ako inasar. Ganito kami, mahilig mag asaran, syempre dahil magkasama kami sa iisang bubong kaya kahit papano nalamannamin yung ugali ng isa't isa.

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now