Chapter FiftyTwo

22.1K 269 15
                                    

 Chapter FiftyTwo

 

 

Kyle's POV

 

Nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin namin para sa outing, ngayon kasi yung alis namin. Naayos ko na lahat dito sa kotse at si Lorraine na lang yung hinihintay ko, kausap pa kasi nya si Jacob.

"Basta ate, alagaan mo yung sarili mo dun ha."

"Huwag kang mag-alala hidi na mauulit yung nangyari dati sa ate mo. Sinisigurado ko yun." Singit ko sa dalawa.

"Oh sige na Jacob alis na kami. Ikaw na bahala sa baha ha."

"Sige, mag-iingat kayo."

Sumakay na kami sa kotse at nagmaneho na ko. Hinawakan ko yung kamay ni Lorraine. "Pwede kang matulog habang nagbibyahe tayo. Mejo malayo-layo kasi yung pupuntahan natin, idlip ka muna."

"Okay lang, hindi ko ma-eenjoy to kung matutulog lang ako buong byahe."

"Sige, ikaw ang bahala."

"Honey..?"

"Hmmmmh? Anoo yun??" Sabi ko habang naka focus yung mata ko sa daan.

"Buti.. Architect yung pinili mong trabaho.. Ibig kong sabihin.. Marami naman kayong business, ba't yan yung napili mo?"

Bakit??

*Flashback..* 

15 years ago..

"Hanna anong pangarap mo?"

"Pangarap ko?? Uhm.... Pangarap kong maging isang fashion designer"

"Ah talaga?? maganda yun. Yun lang?"

"Meron pa. Pangarap ko ding makapangasawa ng architect, kagaya ni papa. Gusto ko yung mapapangasawa ko mismo ang magdidisenyo ng bahay na titirahan namin. Gusto kong tumanda sa bahay na yun na kasama ang taong mahal ko."

Tinignan ko yung mukha ni Hanna puno ng kasiyahan ang mga labi nya at puno ng pangarap ang mga mata nya. Noon pangarap kong makapagtrabaho sa kompanya pero nung sinabi ni Hanna yun nagbago ang isip ko sa mga oras ding yun.

*End of flashback..*

"Ah okay lang kung ayaw mong pag-usapan. Sorry.."

Biigla lang akong bumalik sa sarili ko nung marinig ko uling magsalita si Lorraine. Kaimutan mo na yhyun Kyle.

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now