Chapter FourtyOne

22.7K 277 10
                                    

Chapter FourtyOne

Lorraine's POV

(A/N:Oh ha! alam ko na miss nyo yung POV ni Lorraine eh, kaya here we go ^__^)

"Aray.. ang sakit ng ulo ko" Pagmulat ng mga mata ko nagising na lang ako sa isang kwarto. Anong nangyari? Kaninong bahay to? hindi pamilyar tong lugar na to sakin. Nag-ikot ikot ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang isang tao na natutulog sa may sofa. Nakatakip ng kumot yung mukha nya kaya hindi ko sya makita.

Bumangon ako at lumabas mula sa kwarto.

"Oh gising ka na pala. Good morning"

May lalakeng lumabas sa kabilang pinto at nag-uunat pa sya habang naglalakad papalapit sakin. Sino sya?? anong ginagawa nya dito?? Kilala ko ba sya??

Lumapit sya sakin.

"Okay ka na ba?"

"H..ha?" Mautal utal kong sabi. Nagulat kasi ako sakanya, sino ba sya?? Lumapit sya sakin ng mas malapit pa at hinawakan nya yung noo ko.

"Wala ka namang sakit ah. Bakit ganyan ka kumilos? Aaaah.. Siguro gutom ka lang, hindi ka kasi kumain kagabi. Halika nga kumain ka na muna, gutom lang yan."

Nagulat ako nang hawakan nya yung kamay ko at hinila ako. Bigla syang huminto sa paglakad kaya naupog yung noo ko sa likod nya.

"Oo nga pala. Noodles lang pala ang meron kami" Sabay ngiti nya sakin. Sino ba tong lalake na to?? Binawi ko yung kamay ko sakanya. Tinitigan nya lanng ako na parang nagtataka. "Sige kung ayaw mo nun magpapa deliver na lang ako. Ano bang gusto mong kainin?"

"Sino ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Sino ako?" Tanong nya naman sakin. "Hahahahaha. Umubra na yan sakin kagabi pero hindi na ngayon. Umayos ka nga, daig mo pang may amnesia jan."

"Hindi kita maintindihan. Sino ka ba talaga?" Naguguluhan talaga ako sa lalakeng to.

"Seryoso ka? hindi mo talaga ako kilala?"

Tumango ako at takang taka. Ngayon ko lang kasi sya nakita at hindi rrin pamilyar yung mukha nya sakin.

"Ako to si Nate, Nathan, Nathaniel Fontanilla."

"Nathaniel Fontanilla?"

"Oo."

Umiling ako sakanya. "Hindi kita kilala. Wala akong kilalang ganung pangalan." Lalabas na sana ako ng pinto ng bigla nya kong harangin.

"Teka nga. Ano bang nangyayari sayo?"

"Aalis na ko dito. Padaanin mo ko."

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now