Chapter FiftySeven

19.3K 263 20
                                    

May mga gust0 akng dedicatan ng chappie kaya lang hindi sla naka f0llow eh. Aha.. Di bae next tme na lang..

Chapter FiftySeven

 

Nagising ako sa isang kwarto na sa tingin ko ay ospital. Nakita ko si Jacob na mahimbing na natutulog doon sa may sofa. Pilit kong inalala yung nagyari kagabi at naalala ko na dinugo ako kagabi, naalala ko din na tumawag ako kay Kyle at hindi sya yung sumagot kung hindi si Hanna.

“Oh ate gising ka na pala. Anong nararandaman mo, may masakit ba sayo?”

“Okay na ako. Anong nangyari sa baby ko?”

“Okay lang yung baby. Muntikan ka ng makunan, mabuti na lang at agad kitang nadala sa ospital.”

“Ah ganun ba.. Salamat.” Matabang kong sagot.

“Ate okay ka lang?”

“Yung cellphone ko?”

“Naiwan sa bahay.”

“Pahiram ako ng cellphone mo.”

Ini-abot nya sakin yung cellphone nya at hindi na nagtanong pa.

“Iwan mo muna ako Jacob.”

“Huh? Pero--”

“Iwan mo na ako!!”

Nagulat sya nung sigawan ko sya kaya hindi na sya nagsalita pa at lumabas na lang ng kwarto. Pag-alis nya dinial ko yung number ni Kyle, gusto kong marinig yung boses nya, gusto kong isipin na mali lang yung narinig ko kagabi na mali ako ng iniisip, na baka ibang tao lang yun at hindi si Hanna. Sana nga mali lang ako ng dinig, sana nga hindi si Hanna yun. Nag ri-ring lang yun at hindi nya sinasagot. Lalo tuloy akong nagdududa sa ginagawa nya.

“Ano bang ginagawa mo Kyle at hindi mo masagot ang tawag ko!!”

Hindi ako tumigil sa pag-dial ng number nya hanggang sa hindi ko na sya tuluyang na-contact. Cannot be reach, ibig sabihin pintay nya yung cellphone nya.

Sa sobrang inis ko tinapon ko yung cellphone na hawak ko.

Sunod sunod na bumagsak ang mga luha sa mata ko, ang sakit.. ang sakit palang masabihan ng mga magagandang salita gaya ng mahal kita, hindi kita iiwan at hindi ako mabubuhay ng wala ka. Ang sakit palang masabihan ng mga salitang yun lalo na kung wala ka namang kasiguraduhan.

Bakit Kyle? Bakit mo ginagawa sakin to? ang sabi mo ako lang, ang sabi mo kasama ako sa mga pangarap mo, ang sabi mo gusto mo akong makasama hanggang sa pagtanda mo, ang sabi mo gusto mo akong maging ina ng mga anak mo. pero bakit parang isa-isang naglalaho yung mga yun? Hanggang doon na lang ba talaga yung mga yun?

“Ate anong nangyari?”

Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Jacob sa kwarto kaya huli na para punasan ko pa yung mga luha ko sa mga mata ko.

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now