Part II: Seven

989 35 40
                                    

Sinundan ko si Brylle habang gumagapang sa sahig at nagbabalibag ng kung anong mahawakan niya nang marinig kong may mag doorbell.

Binuhat ko si Brylle at naglakad palapit sa pinto, sinilip ko muna sa peephole kung sino at nakita ko sila Brianna na nagtatawanan sa labas kasama ang kapatid ko.

Binuksan ko ang pinto.

"Hi, baby!" bati nila kay Brylle at kinuha sakin ni Brianna.

Bumeso ako sakanila at saka sila pinapasok sa loob.

"Nasaan sila Marco?" tanong ko sakanila pagkasarado ko ng pinto.

Sila Janice, Nath, Brianna at Deneese lang kasi ang nandito.

"Bumili sila ng food diyan sa ibaba." sagot ni Janice.

Tumango-tango naman ako at pinulot yung mga kinalat ni Brylle sa sahig.

"Bakit ka pala tumigil sa pag-arte, Des?" tanong sakin ni Nath.

"Gusto ko lang bantayan si Brylle, yung na sakaniya lang yung oras ko. Alam niyo na, ang bata niya pa tapos palagi akong wala sa tabi niya diba."

"Ah, akala ko kasi gusto mo nang umuwi dito para makasama si Kuya."

Tumaas ang kilay ko kay Brianna, "Seriously? He's married, Bri. Bakit ko pa gugustuhin makisama sa taong pamilyado na? Ayokong maging kabit, 'nu!"

Matagal silang tumingin sakin na apat at halos sabay-sabay na nagpigil ng tawa pero hindi na nakapagpigil si Deneese. Malakas siyang tumawa.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" kunot-noong tanong ko.

"Nothing." natatawa pa ring sabi ni Deneese.

Napairap nalang ako at umiling saka naupo sa couch pero tumayo din ulit dahil tumunog na naman ang doorbell.

"Wait, baka sila Marco na 'yan." sabi ko sakanila at bumalik ulit sa pinto para pagbuksan sila Marco.

Bumeso sila sakin pagkabukas ng pinto at nang makita ko.

"Hi, Des! Long time no see!" bungad ni Jonas na may kasunod na babae, yung babaeng kasama niya rin sa DRT.

Sila pa rin?

"Na-miss ka namin, Des! Anong uwi?" Marco.

"Sama ng loob." sagot ko na ikinatawa nila saka sila pumasok sa loob.

"Hi, Desiree.."

Ang puso ko..

I cleared my throat. "H-Hi!"

Ngumiti siya saka sumunod kila Marco sa loob.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko bago sumunod sakanila.

Nagulat ako nang makitang gumagapang si Brylle palapit kay Cole.

Jusko naman, anak..

Nagpapabuking ka ba o gusto mo na talagang magpakilala?

"Brylle, come to Mama. Bilis." tawag ko sakaniya, binuka ko pa ang mga braso ko at bahagyang yumuko pero kumapit lang siya sa binti ni Cole.

Binuhat naman siya ni Cole at nakatingin lang kaming magkakaibigan sakanilang dalawa.

"Ayaw ng baby kay Mommy, gusto kay Tito Cole.." sabi ni Cole.

Nagulat naman ako nang humagalpak ng tawa si Jonas kaya nalipat sakaniya ang paningin namin.

"What's funny?" Cole asked him.

"Ha? Wala, wala. Walang nakakatawa, Cole." sagot ni Jonas.

"Tabi nga!" sabi ko kay Jonas at malakas na binunggo ang balikat niya saka ako naupo sa couch. Umirap pa ako sakaniya nang makitang nagpipigil siya ng tawa.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now