Twenty-one

1K 41 155
                                    

Mga tanghali kami nagplanong maligo sa dagat. Hindi rin naman ganon kainit kaya ayos lang.

Sinuot ko yung two piece swimsuit na binili ko pero nagsuot muna ako ng maong short saka lumabas ng banyo. Sakto naman na suot na rin nila Brianna yung kanila.

"Woah! Grabe, Des! Lalo kang pumuti!" puri agad ni Nath nang makita ako.

"Ang sexy mo pa! Nagtrabaho ka ba talaga sa Macau? Bakit parang hindi man lang napabayaan ang katawan mo." sabi ni Janice na titig na titig sa katawan ko.

Natawa naman ako sa mga reaksyon nila. Kung maka-react kasi akala mong ang pangit ng katawan nila, ang ganda nga rin. Sexy rin sila. Bakit ako lang ang napansin?

"Let's see if Kuya can still ignore you." Brianna said, smirking.

"Brianna?" reaksyon ko.

"I'm just kidding. Kalma." she said then winked at me.

Bakit.. bakit parang may alam siya? Sinabi kaya ng Kuya niya?

Sabay sabay kaming lumabas at nakita namin ang mga kasama namin na nasa ilalim ng puno at nag-iihaw.

Hindi namin naiwasang matawa nang mapansin naming natigilan sila sa mga ginagawa at pinanood kaming maglakad palapit sakanila.

"What. The. Fuck." Marco said, looking at Janice... I guess?

Napatingin ako kay Janice na nag-iwas na ng tingin kay Marco habang namumula ang mga pisngi. Hmm.. I smell something..

Jonas offered me a buko juice and I accepted it. Naupo rin ako sa inupuan niya dahil tumayo siya. Tumabi naman siya sa may gilid ko at yumuko sa may leeg ko dahilan para pagtinginan nila kami, maging nila Cole.

"I'll help you. Let's make him jealous." sabi niya at tumawa.

Nabigla naman ako sa sinabi niya at tumingala sa kaniya, mas nabigla ako dahil magkalapit na ang mga mukha namin pero wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi kalokohan. Kumindat din siya sakin.

"I got you." sabi niya at kumindat ulit.

Napailing na lang ako at uminom ulit sa buko juice na binigay niya.

Asa naman akong magselos siya. Never nagselos ang mga lalaking nakikipaglaro lang sa feelings ng isang babae.

Ang lalaking nagseselos usually magwa-walkout dahil hindi niya nagustuhan ang nakita, pero ano? Nandito pa rin si Cole at tinutuloy ang pag-iihaw niya. Meaning, wala siyang pakialam!

Inilapag ko ang buko juice sa table at nilingon sila Nath na katabi si Vince.

"No bebe time for now, please?" naaasar kong sabi na malakas nilang ikinatawa.

"I'll call Jaz for you, Desiree." Marco said while laughing his fucking heart out.

I just rolled my eyes at him and held Brianna and Janice's hands.

"Let's go. Maligo na tayong tatlo." aya ko saka tinaasan ng kilay si JM at Marco. "You two can't stop me." mataray na sabi ko at hinila na sila papunta sa dagat.

Tawa naman nang tawa sila Janice kaya natawa na rin ako. Wala akong kasama kaya dapat sila din para fair!

Nang maramdaman ko na ang tubig sa mga paa ko, hinubad ko na ang maong short na suot ko, ganon din sila Brianna.

"Desiree!" Jonas shouted.

"What?"

"You're fucking hot!"

Siraulo talaga.

"He's trying to make my Kuya jealous, 'no?" Brianna asked.

Napairap ako. "As if naman."

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now