Twenty

1K 41 106
                                    

He stopped kissing me.

I admit, natigilan at nasaktan ako dahil don. Baka kasi na-realize niya na mali ang ginagawa niya - namin.

"Sorry." mahinang sabi ko at tinanggal ang pagkayakap ng braso ko sa leeg niya saka siya bahagyang nilayuan.

"Why?" he asked and held my chin kaya nagkapantay ang paningin namin.

"Baka kasi na-realize mo nang mali ang ginawa nati--"

He slightly pinched my nose and chuckled. "Silly. I stopped kissing you kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at may mangyari na pagsisisihan mo."

Ang tanga ko. Alam kong mali 'to, may girlfriend pa siya pero ginagawa namin 'to.

Mas ikinatanga ko pa dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pagsisisihan kung may mangyari man samin.

Ako na yata ang pinaka-tanga na tao sa mundo.

"Kung hindi mo mapigilan ang sarili mo.. anong gagawin mo?"

He cupped my face and kissed my lips then stopped.

"I'll make love to you.." he whispered, directly staring at my eyes.

Nabigla ako sa sinabi niya.

"But I respect you.." he kissed my forehead. "Madalas man kitang hinahalikan, but I promise you, I won't touch you. Hindi natin gagawin ang bagay na 'yon unless you're using my last name."

Tinanggal ko ang mga kamay niya na nasa mga pisngi ko at lumayo sa kaniya.

"Your last name? Cole.. hindi mo alam ang sinasabi mo."

He gave me a small smile. "Alam ko kung anong sinasabi ko."

"Cole, hindi mo ba naiintindihan? Mali 'to, e. Alam nating pareho na mali 'to pero ginagawa pa rin natin. Nakokonsensya ako kasi masaya ako sa maling paraan. Masaya ako kahit alam kong may nasasaktan. Oo, walang nangyayari satin. Pero Cole, si Rishelle.. wala siyang alam sa ginagawa natin, ano na lang ang mararamdaman niya kapag nalaman niya 'to?"

Nag-iwas siya ng tingin sakin.

"Why can't you just think about us? Just the two of us, Des.." mahinang sabi niya.

"Cole. Masaya ako na napansin mo na ako, na nagustuhan mo na rin ako. Pero nasa maling panahon tayo. Hindi ito yung tamang pagkakataon para sating dalawa. Kung pipiliin nating magsama at magkaroon ng relasyon, magiging masaya ba tayo? Magiging masaya ba tayo kahit alam natin na may Rishelle na nasasaktan? Hindi naman diba.." sabi ko, nagpapaintindi.

Fuck. I wanted to shout at him and tell him to end his relationship with Rishelle and be with me but I couldn't!

Ayokong maging selfish..

Kung kailangan na ako ang masaktan at umintindi, gagawin ko.. huwag lang akong makasakit ng iba..

"So okay lang na tayo ang nasasaktan, huwag lang siya?" tanong niya at tumingin sakin.

I took a deep breath and held his hands. "Please.. understand the situation. Hindi talaga pwedeng maging tayo. Hindi ko kayang manakit ng iba para lang maging masaya ako."

"How about me? I want to be with you. I want to start a relationship with you, Desiree.."

Please, Cole.. huwag mong sabihin na mahal mo na rin ako.. dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong ipagdamot ka.

"Hindi pwede."

Tinanggal niya ang kamay ko sa kamay niya at tumango.

"Sige, ikaw ang masusunod." sabi niya. "I won't break up with her pero hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan." he added.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now