Nineteen

998 41 107
                                    

Masakit ang ulo na nagising ako kinabukasan. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Ugh!

Bakit ba kasi ang dami kong nainom?

Pinilit kong bumangon at nagtungo ng banyo para maghilamos at magpalit ng damit saka lumabas ng kwarto matapos non.

Nagkasabay naman kami ni Jaz sa pagbaba. Kakalabas niya lang din ng kwarto.

"Sakit ng ulo mo, 'no?"

Nakasimangot akong tumango. "Sobra."

Nag-tsk lang siya at hindi na sumagot.

Dumeretso kami sa kitchen para kumain ng agahan. Sakto naman na kakatapos lang ni Mommy magluto.

"Good morning, Mom." bati ko at humalik sa pisngi niya. Binati rin siya ni Jaz.

"Morning, babies. Mauna na kayo, aayusin ko lang 'to."

Imbes na maupo ay tinulungan nalang namin siya ni Jaz na mag-ayos ng pagkain sa lamesa.

"Si Daddy po pala?" tanong ko.

"Nasa kwarto. Lasing umuwi kagabi kaya tulog pa 'yon." sagot ni Mommy na naka-kunot ang noo.

Magkaaway kaya sila? Usually kasi ganiyan lang si Mommy kapag magkaaway sila ni Daddy.

"I'm here. Good morning, love." sabi ni Dad na kakapasok lang ng kitchen.

Duneretso siya kay Mommy at hinalikan ito sa ulo pero walang reaksyon.

Okay.. magkaaway nga.

"Good morning, baby and Jaz." sabi ni Dad saka ako hinalikan sa noo.

"Morning, Tito." Jaz.

Narinig ko ang pagtikhim ni Mommy kaya nilingon namin siya.

"Mauna na kayong kumain. Hindi pa ako nagugutom." sabi niya saka lumabas ng kitchen.

Tumingin naman ako kay Daddy na nakatingin sa papalayong si Mommy.

"What happened, Dad?" nag-aalala kong tanong.

He let out a sigh then shook his head.

Ibig sabihin.. ayaw niyang pag-usapan.

"Let's just eat." sabi niya at tahimik naman kaming sumunod ni Jaz. Maging ang pagkain namin ay naging tahimik din hindi katulad no'ng mga nakaraang araw na maingay dahil napupuno ng tawanan namin nila Mommy at ng malakas na boses ni Deneese.

Hindi ako sanay na ganito sila.. kami.

"I'm done. Puntahan ko lang ang Mommy mo." sabi niya at tumayo.

"Okay, Dad." sagot ko at malungkot siyang pinanood na lumabas ng kitchen.

Napatingin ako kay Jaz nang hawakan niya ang kamay ko.

"Tampuhan lang 'yan. Huwag mo na lang muna silang tanungin."

Nagbuntong-hininga ako at tumango.

Nag-excuse naman si Jaz dahil may tumawag sa kaniya.

Tinapos ko na ang pagkain ko at niligpit ang mga pinggan dahil tapos na rin naman kumain si Jaz.

Matapos kong hugasan ang pinagkainan namin ay nagtungo ako ng living room at nagbukas na lang ng TV saka naghanap ng pwedeng mapanood sa Netflix.

Habang naghahanap ay pumasok si Jaz galing sa may garden.

Kita ko agad ang pag-aalala sa mga mata niya.

"What happened? Sinong tumawag?" tanong ko pagka-upo niya sa tabi ko.

"Si Mommy. I need to go back there now."

Lost in Love - COMPLETEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora