PART II: Fourteen

1K 39 19
                                    

Update every FRIDAY.

---

Pinunasan niya ang mga luha ko saka hinalikan ang noo ko. Mahina naman akong natawa dahil ayaw bumitaw sakin ni Brylle. Humihikbi pa siya.

"Mama made Kiel cry, huh.." sabi ni Cole saka kinuha sakin si Brylle at pinunansan ang mukha nito.

Napatingin naman ako sa mga kasama namin at nagulat ako dahil magkakatabi sila sa couch, pinapanood kami.

"I thought I was watching a movie." mahinang sabi ni Nath.

"Look at my tears!" sabi naman ni Janice at kumuha ng tissue sa center table at pinunasan nga ang luha niya.

Sabay kaming natawa ni Cole sakanila saka niya kami mahigpit na niyakap ni Brylle.

Pagkahiwalay niya samin ay inabot ko ang baso ko na may lamang wine at ininom 'yon. Nakakauhaw ang confession ni Cheater!

Bumalik na rin sila sa pag-inom kaya natigil na sila sa pang-aasar samin ni Cheater.

"Wait." Cheater said as he looks at me and Jaz. "You're getting married with who?" he asked Jaz.

Yen showed him her ring finger. "Me." sagot niya saka niyakap ng patagilid si Jaz.

Tila nakahinga naman ng maluwag si Cheater sa sinabi ni Yen kaya nagtawanan sila. He actually thought that we're getting married just because I don't have my invitation! Ugh, this man is really something!

"Sa tingin mo siya ang pakakasalan ko kung ikaw naman ang mahal ko?" inis kunwari kong tanong sakaniya.

Natigilan siya sa sinabi ko at nakatingin lang sakin.

"What?"

He blinked and shook his head. "Kasi I didn't know that she's here with you. Si Jaz lang ang nakita ko kagabi."

"Masiyado ka kasing selos, pre!" tumatawang sabi ni Jaz pero hindi siya pinansin ni Cheater at nakatingin pa rin sakin.

"How about Allen?"

"Ano ba 'yan, Des. Ang dami mong lalaki." sabi ni Nath at agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"He's just a friend! Ang bait kaya niya! Para lang siyang si Jaz!" sabi ko sakanila at nag make face lang sila.

"Tss." reaksyon lang ni Cole saka ininom ang nasa baso niya.

Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa naubos na nila yung mga beer na binili ko. Tinulungan akong magligpit nila Janice, maging si Zandra ay tumulong na rin habang ang mga lalaki ay mga nakasandal sa couch at nakapikit.

"Kaya pa ba nilang umuwi?" tanong ko sa mga babae.

"I'll drive his car nalang. Wala rin naman kaming tutulugan na dito." sabi ni Zandra.

Tumango naman ako sakaniya. Sanay naman silang mag-drive kaya wala na rin talagang magiging problema pa para makauwi ang mga lalaki. Mabuti nalang at may dala silang kaniya-kaniyang sasakyan.

"Same. Ihahatid ko nalang si Vince." Nath.

Tumingin ako kay Janice. Hindi pa siya sanay mag-drive kasi. Si Marco naman halatang hindi na kayang mag-drive para ihatid silang magkapatid. Kahit si JM ay lasing rin. "Paano kayo ni JM?"

"Ako nalang ang maghahatid sakanila, Des." sabi ni Brianna.

"No. You're pregnant. Hindi ka pwedeng mag-drive." Pigil sakaniya ng Kuya niya.

Brianna rolled her eyes. "I'm just pregnant, Kuya. I can still drive."

Umiling pa rin si Cole bago ipinatong ang baba niya sa balikat ko at niyakap ako mula sa likod.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now