PART II: Twenty-four

762 40 47
                                    

Deneese.

"Mama will be here in a minute na, Brylle. Stop crying na.." pang-aalo ko kay Brylle na umiiyak. Narinig niya kasi na kausap ko ang Mama niya kaya ayan, siguro hindi niya kasi nakita ng isang araw kaya ngayon na narinig niya ang Mama ay nag-iiyak na siya.

"I want her now!" sigaw niya habang umiiyak.

Tumingin ako kay Jonas na nakatingin lang sa aming dalawa ni Brylle.

"Puntahan mo na kaya si Ate sa restaurant? Nandoon pa daw siya, e." sabi ko.

Hindi rin naman 'yon gano'n kalayo mula dito.

Tumango naman siya at humalik sa ulo ko bago kinuha ang susi ng kotse niya na nasa may drawer saka lumabas.

Ilang minuto pa kaming naghintay ni Brylle at kahit papaano naman ay tumatahan-tahan na siya habang nakasandal na lang sakin.

Inabot ko ang phone ko na nasa center table at sinagot ang tawag ni Jonas.

"He--"

["Deneese! Si Desiree!"] sigaw ni Jonas at mabilis na kumabog ang dibdib ko dahil sa paraan ng pagkakasabi niya non.

"Nasaan kayo?" pinilit kong itanong ng kalmado. Ayokong mauna ang takot at kaba ko.

["Ambulance. She's pregnant, Deneese! And I think she just lost her baby!"] mabilis na sabi ni Jonas dahilan para mabitiwan ko ang phone ko at tumama 'yon sa hita ni Brylle.

Kinuha ko 'yon at hindi na ako nagdalawang isip pa na buhatin ng maayos si Brylle at isakay sa kotse saka mabilis na umalis.

Fvck..

Ang bilis ng tibok ng puso ko..

Pakiramdam ko rin ay maiiyak ako dahil alam kong kung totoo man na nakunan nga siya, alam kong babalik lahat sakaniya ang sakit at hirap na pinagdaanan niya no'ng pinanganak niya si Brylle.

I tried to contact Kuya Cole but he's not answering my calls. Nag-send ako ng voice mail.

"Ate Desiree's pregnant, Kuya Cole! Where the fvck are you?! She's with Jonas at St. Lukes!"

Lumingon sakin si Brylle dahil sa malakas kong boses. "Sorry, baby.." sabi ko sakaniya.

Ilang minuto lang nakarating din kami sa St. Lukes at magtatanong na sana ako sa nurse station nang makita ko si Jonas na nakasandal sa pader.

"Jonas!" sigaw ko at nilapitan siya.

Lumingon siya sakin at sinalubong niya ako saka kinuha si Brylle.

"Nasaan siya? Kumusta na raw siya at bakit mo nasabi na nakunan siya?" sunud-sunod kong tanong. "Alam na ba nila Mommy? Tumawag ka na ba sakanila?"

Sa dami kong tanong ay kahit isa wala siyang naging sagot. Nakatingin lang siya sakin.

"What happened Jonas? Saan mo siya nakita?" tanong ko ulit.

He let out a deep sigh and spoke, "I saw Kaliah pushed her. And then there.. I saw her blood."

Kumunot ang noo ko. "Kaliah?" paninigurado ko. It's impossible! She's Kuya Cole's sister!

He nodded, "I saw it, Deneese. She pushed her." ulit niya.

Natulala ako at hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Si Kaliah.. Bakit magiging si Kaliah?

"Narinig ko rin ang sinabi ni Desiree na wala siyang pakialam kung ayaw man sakaniya ni Kaliah."

And that answers my unspoken question. Now I get it. Ayaw niya sa Ate ko, kaya ba niya tinulak? Pero bakit niya tinulak? Naguguluhan pa rin ako at masasagot lang ang mga tanong ko kung si Kaliah mismo ang makakausap ko.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now