EPILOGUE

1.2K 48 61
                                    

I left their house.

Not because I wanted to, but because she's still hurting. And seeing me around her hurts her more.

Ang hirap lumayo sakaniya na gano'n pa rin ang kalagayan niya. I wanted to be there for her until she's healed. Pero wala naman akong magawa dahil mas nasasaktan siya kapag nakikita niya 'ko.

Naaalala niya sakin si Kaliah.

Ang sakit makita sakaniya na halatang ayaw niyang makita ako. Ayaw niyang lapitan ko siya. Ayaw niya na kinakausap ko siya.

No'ng sinabi niyang umalis ako don ay hindi ako umalis, lumabas lang ako ng kwarto niya at nanatili sa guest room sa tabi lang rin ng kwarto niya dahil 'yon rin ang sabi sakin ni Tito Ken.

Tita Amber said that it's not true that she doesn't want me anymore, she's just hurting. She needs me right now pero dahil nga kapatid ko ang dahilan kung bakit 'to nangyayari sakaniya ay sinabi niyang ayaw niya 'kong makita.

Hindi naman ako sumuko dahil ayaw na niya sakin. Hindi ko siya susukuan.

Bumalik ako sa kwarto niya non kinabukasan pero wala pa ring emosyon ang mukha niya nung kausapin ako para paalisin dahil naiinis siyang makita ako.

Ayoko siyang iwan don dahil gusto ko siyang alagaan at bantayan para iparamdam na hindi siya nag-iisa, pero nasasaktan ako kapag nakikita ko sa kilos niya na ayaw niyang nandoon ako kaya umalis na lang rin ako.

Ina-update naman ako ni Tita kung kumusta na si Desiree at wala pa rin namang pagbabago. Madalas pa rin daw nakatulala, umiiyak at ayaw kumain. Hindi na rin daw ulit siya nagsalita matapos akong paalisin. Naging mas madalas nga lang daw ang pag-iyak niya ngayon kaysa no'ng nandoon ako at inaalagaan siya.

Siguro dahil ayaw niya rin na wala ako sa tabi niya pero pinili niyang paalisin ako dahil mas nasasaktan siya.

Kaliah left the country and went back to States. To move on, she said.

Hindi niya 'ko kinausap bago siya umalis dahil alam ko naman na natatakot rin siya sakin.

Mom and Dad let her because they also felt sorry for Desiree. Mom knows how painful it was, yung mawalan ng anak.

Nakunan din si Mommy dati dahil naaksidente siya sa sasakyan.

Wala siyang ibang sinasabi sakin kundi tatagan ko pa ang loob ko dahil ngayon namin kailangan ni Desiree ang isa't isa.

"Mama.." Kiel whispered while sleeping.

He's been away from Desiree since she got depressed. Hindi ko hinayaan na makita niya ang Mama niya na gano'n ang kalagayan.

He's almost five years old. Mabilis makaintindi si Kiel at natatakot ako na baka tumatak sa isip niya ang nangyayari ngayon sa Mama niya.

I kissed his forehead, "Mama will be home soon, Kiel. Mama will be back.. fully healed and happy." bulong ko sakaniya.

I miss her.. I miss my wife. Her beautiful smile, her hugs and kisses. I miss everything about her..

I wanted to see her but I chose not to, baka mas mapabilis ang paggaling niya kung walang makakapag-paalala sakaniya ng nangyari.

"She was exactly like that when she was pregnant to Brylle. She's depressed because she thought you left her. Hindi ko inexpect na mangyayari 'yon sakaniya sa kaisipan na iniwan mo siya. Ang kaibahan lang, hindi siya kumakain ngayon. Pero dati kumakain siya dahil iniisip niya pa rin ang baby niyo." sabi ni Mom habang nakatingin kay Kiel na natutulog sa braso ko.

"7 months pa lang si Brylle nang ipanganak siya ni Desiree. Imagine, gaano pa siya kahina non. Gaano pa siya kaliit. We were just so thankful that his face was fully developed, even his little putotoy." sabi niya saka mahinang natawa.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now