Part II: Four

952 40 82
                                    

"Did you see the article?" Deneese asked.

Inalis ko ang paningin ko kay Brylle na natutulog sakin habang nagbbreastfeed at tumingin sakaniya.

"What article?"

"This." she handed me her phone and I saw the article and it's all about what happened yesterday.

Sinasabi doon na may isang babae ang tumawag sakin na 'relationship wrecker'. Nasa article din na 'yon ang sinagot ko kay Rishelle. May picture pa 'yon na kasama. Picture nilang dalawa ni Cole at kami ni Jaz buhat yung dalawang bata.

Wala namang kumakampi kay Rishelle doon sa comments. Tinawanan pa nga ang sinabi ko na ang ganda ng suot niya pero ang pangit ng attitude niya.

"Why didn't you tell me na she called you a relationship wrecker?" inis na tanong ni Deneese pagka-abot ko sakaniya ng phone niya.

"I don't care about her so let's not talk about it, and please, Brylle's sleeping. Ang lakas ng boses mo." sabi ko at inirapan siya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Hmp!" sabi niya at umalis. Natawa naman ako. Ang pikon niya pa rin.

Inayos ko na ang damit ko dahil nakatulog na talaga si Brylle matapos dumede.

Pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon. Relationship wrecker.

Hindi naman sila nasira. Nadagdagan pa nga. Hindi ko rin naman sila sinira. Pinalayo ko si Cole, nag-pigil ako. Alam niya 'yon. Pero anong magagawa ko kung naging malambot ako no'ng mga panahon na kailangan ko ng makakausap dahil nagkaroon ng problema sila Mommy? Hindi ko rin naman siya pinapunta para samahan ako. Siya ang sumunod sakin sa bar no'ng nalaman ko yung reason ng away nila Mommy.

So, why would she call me a relationship wrecker?

Hindi ko rin naman kasalanan noon kung nagustuhan ako ni Cole. Pero noon na 'yon. Napatunayan ko rin naman two years ago na hindi 'yon totoo.

Nagulat ako nang biglang nakatayo na pala sa harapan ko si Jaz buhat si Sabreena.

"Tulala ka diyan. Kanina pa kita tinatawag." sabi niya at naupo sa tabi ko.

"Really? Sorry." sagot ko.

"Did you-"

"Yes, I did. Deneese showed me." Itatanong niya rin naman kasi kung nakita ko na ba yung article.

He shook his head. "No. He's outside."

My eyes widened. "Huh? Who?"

"Desiree."

Napatingin ako sa may pinto nang marinig ang boses niya.

"You're not welcome here. Who told you to come in?" masungit man ay mahina kong tanong dahil natutulog nga ako anak namin. No, anak ko.

"Desireeee!"

Nanlaki ang mga mata ko nang magkakasunod na pumasok sila Marco at Jonas kasunod sila Nathalia.

What the..

"Anong meron? Bakit kayo nandito?" tanong ko na ikinatawa ni Jaz sa tabi ko.

Sumimangot naman si Jonas. "Ayaw mo ba? Dinalaw ka na nga namin eh."

"Wala akong sakit. Ang ingay niyo. Natutulog ang mga anak ko." masungit na sabi ko.

"Mga-" Nath covered Vince's mouth saka niya ito pinanlakihan ng mga mata.

Tumayo ako at inayos ang pagkakabuhat kay Brylle saka ko sila sinenyasan na maupo.

Bumeso muna sakin sila Janice at Brianna bago sila naupo sa inuupuan ko kanina.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now