PART II: Twelve

920 43 44
                                    

Halos dalawang linggo na simula nang huli kaming magkita ni Cole. Simula nung gabi na 'yon, hindi na ulit kami nakapag-usap pa. Hindi naman na siya nagte-text o tumatawag kaya hindi na rin ako naghintay.

Baka okay na sila ng asawa niya kaya hindi na ako ulit kinakausap.

"Which one?" tanong sakin ni Brianna habang hawak ang dalawang dress.

Nandito kasi kami ngayon sa mall dahil gusto niya raw bumili ng mga dress at magtingin na rin ng mga gamit para sa baby niya.

"Left." turo ko dun sa dress na nude. "Ang laki niyan para sa size mo. Ang liit pa naman ng tiyan mo ah."

Ngumiti siya sakin. "Siyempre kapag malaki na ang tiyan ko tatamarin na akong lumabas para bumili ng dress kaya dapat bumili na ako ngayon."

Napailing nalang ako. Dapat nga kapag malaki na ang tiyan niya saka siya maglalabas para maglakad.

"Oh, hey!"

Napatingin ako sa tumawag samin at hindi ko naiwasang mapasimangot nang makita si Maris, ang childhood friend ni Cole na gustong-gusto pakasalan si Cole.

Lumapit sila samin kasama ang isang babae na pamilyar sakin.

"Kaliah, what are you doing here?" Brianna asked her.

Sabi ko na siya 'to. Kamukha siya ni Tita Coleen. Lalo na sa mata.

"Uh, shopping?" hindi ko alam kung sarkastiko ba ang pagkakasabi niya nun o normal lang 'yon.

Wait -- Maris and Kaliah are friends?

Paano naman kaya sila naging magkaibigan eh nasa States si Kaliah since she was five years old?

Umiling lang si Brianna sa sinagot ng kapatid niya bago tumingin sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Oh, Kaliah this is Desiree. She's my best friend and Kuya's girlfriend!" pakilala niya sakin.

Napatingin ako sakaniya ng kunot-noo. Girlfriend? Kailan pa ako naging girlfriend ng Kuya niya?

Ngumiti sakin si Kaliah at inabot ang kamay niya.

"Hello! It's so nice to finally meet you." sabi niya.

Tinanggap ko naman ang kamay niya at nginitian siya. "Nice to meet you, too.."

Napatingin ako kay Maris na nakatingin lang sa aming tatlo. Nagtataka pa rin ako kung paano niya naging kaibigan si Kaliah? Aish! Bahala na nga! Dumagdag pa tuloy sa isipin ko.

"Anyways, we'll go ahead! We're meeting her friends here before we go to bar."

Kumunot ang noo ni Brianna sa kapatid. "Bar?"

"Yes. We're gonna drink all night."

All night?

"Kaliah, you're not in States anymore. Hindi mo pwedeng dalin dito ang buhay mo sa States dahil kasama mo na sila Mommy, ano ka ba?"

I saw her rolled her eyes. "Mom and Dad knows that I'm going to bar. Bye!" sabi niya saka hinila na si Maris at umalis.

"Aish! That brat!"

Natawa nalang ako sakaniya saka siya inilingan. Hindi sanay mag-tagalog si Kaliah pero nakakaintindi siya. Maybe because of Maris?

Pagkatapos mamili ng dress ni Brianna ay nag-aya na siyang kumain bago kami umuwi.

Naabutan ko sila sa living area Mommy sa living area kasama si Dad. Si Brylle ay nakasandal kay Dad.

"Oh. Nandito ka na pala, anak." sabi ni Mom saka ako sinalubong.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now