Twenty-five

1.2K 47 82
                                    

Halos tatlong linggo na ako dito sa bahay at kaming tatlo lang nila Deneese at Mommy ang nandito.

Hindi ko pa siya nakakausap dahil ayaw niya naman akong pansinin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil sinigawan ko siya no'ng huling beses akong nandito tapos nagmura pa ako.

Nakakapanibago na kasi siya, e..

Parang hindi na siya yung Mommy namin na palaging nakangiti, palaging nakikipag-usap at tawanan samin.

Pati ang bahay na 'to, nakakapanibago na rin. Kulang na, kasi wala si Daddy..

Tungkol naman sa paghihiwalay nila Mommy, hanggang ngayon ay hindi pa rin pumipirma si Daddy kahit may pirma na nga 'yon ni Mommy. Ayaw niya kasing bumitaw nalang ng basta basta at naiintindihan ko siya, ikinatutuwa ko rin na hindi pa siya pumipirma. Twenty years na silang kasal, ngayon pa ba naman susuko si Daddy?

Tumayo ako nang maramdamang parang hinahalukay ang tiyan ko.

Lakad-takbo akong nagpunta sa banyo ng kwarto ko at doon sumuka.

Ilang araw na akong ganito. Nanghihina ako, pero hindi ko 'yon pinapansin dahil baka sa sobrang stress lang 'to dahil sa mga nangyayari sa pamilya namin at samin ni Mommy.

"Nadadalas ang pagsusuka mo."

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Mommy.

"I'm okay, Mom.." imbes ay sabi ko.

Tumango siya at nag-abot ng towel sakin pero dahil sa natigilan ako ay hindi ko 'yon agad nakuha kaya lumapit siya sakin at may tipid na ngiting pinunasan ang mga labi ko.

"Mommy.." naiiyak na sabi ko.

Nakita ko rin ang panunubig ng mga mata niya bago tumingin sa mga mata ko.

"Ano ka ba.. halika nga dito." mahinang sabi niya at mahigpit akong niyakap.

"Mommy.." umiiyak nang tawag ko sa kaniya. "I'm sorry. I'm really sorry.."

"Matitiis ko ba naman ang anak ko?" tanong niya saka humiwalay sakin. "Mahal kita, anak, at naiintindihan kita.." sabi niya habang hinahaplos ang parehong pisngi ko.

Ngumiti ako at mahigpit siyang niyakap ulit.

"I love you too, Mom.." I answered. "Don't worry, Mom.. I will give you more time to think about your decision. I won't pressure you anymore."

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko saka marahang hinila palabas ng banyo at pinaupo sa kama ko. Naupo rin siya sa tabi ko..

"I admit, I was thoughtless when I made my decision. Because, you know.. seeing the man of your life sleeping beside his ex, naked, masakit, Desiree. I loved him for almost thirty two years now, tapos lolokohin niya ako? Masakit 'yon, Desiree.." sabi niya habang tumutulo ang mga luha niya.

"Mira was the reason why he became a playboy before. Ibig sabihin.. sobrang minahal niya si Mira, kaya nasaktan ako nang makita ang Daddy mo na katabi siyang natutulog. Walang mga damit. Ano pang iisipin ko, diba? Unang pumasok sa isip ko na may nangyari sa kanila habang kasal na siya sakin. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko nang gabi na 'yon, for twenty years, inisip ko na enough na ako sa kaniya, na ako lang talaga ang babae sa buhay niya. Pero nang makita ko sila, natanong ko nalang ang sarili ko kung gaano katagal na akong niloloko ng Daddy mo. Kung si Mira ba ang dahilan kung bakit palaging hating-gabi na umuuwi ang Daddy mo."

"Mommy.."

"Hindi ko naman gustong makipaghiwalay sa kaniya. Ayoko. Pero dahil sobrang nasasaktan ako, sobrang nasaktan niya ako, hindi ko na napag-iisipan ang mga desisyon na nagawa ko. Pero dahil sayo.." hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti. "Dahil sa mga sinabi mo.. na-realize ko na, tama ka. Hindi ako nakikinig sa Daddy mo. Hindi lang puso ang sinarado ko, kundi pati ang pang-unawa ko. I should have asked him his explanation.. but I didn't. I ignored him the next day, I shouted at him.. because I was hurt, I was mad. Hindi naman niya ako masisisi. Buong gabi akong gising, naghihintay sa kaniya, nag-aalala kung bakit wala pa siya. Then an unknown number called me and she said that, she saw your Dad entering the hotel with someone."

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now