Eighteen

1K 35 71
                                    

Days has passed!

Jaz and I still have a week to enjoy our vacation. Yup, next week babalik na kami sa Macau.

Naisip kong okay na rin siguro 'yon dahil sa nangyayari ngayon samin ni Cole. Way na rin 'yon para makalimutan niya kung ano man ang nararamdaman niya sakin. Hindi naman sa naga-assume ako na may feelings na siya sakin pero sa pinakita niya no'ng huling beses kaming magkausap, sapat na siguro 'yon na dahilan para isipin kong nagkakagusto na siya sakin.

Mabilis akong naligo at nag-ayos dahil may usapan kami nila Brianna na aalis kami ngayon nila Nath at Janice.

Nagsuot ako ng off-shoulder na dress na saktong-sakto lang sa katawan ko saka ako ulit naupo at humarap sa salamin saka naglagay ng light make up. Kinulot ko rin ang dulo ng medyo mahaba kong buhok.

Done!

Kinuha ko ang sandals kong may two-inches heels saka 'yon sinuot. Inabot ko na rin ang phone at sling bag ko saka lumabas ng kwarto.

Bumaba ako at nakita ko si Jaz at Deneese na nanonood ng horror movie. Si Mommy ay nasa kwarto niya siguro. Si Daddy naman kasi nasa company lang 'yon palagi.

"Jaz, hatid mo ko.." sabi ko at ngumuso.

Ayoko kasing mag-drive. May dala rin naman na sasakyan si Brianna kaya sama sama na lang kaming apat don.

He raised his brow, "Ano ko, driver mo?" masungit na tanong niya saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

Sumimangot ako. Alam ko na 'yang tingin na 'yan!

"Never mind." sabi ko at naglakad palabas. Narinig ko namang tumawa si Deneese.

"Waa! Kuya Jaz, patayin mo muna yung TV! I don't wanna watch this alone! Err!" malakas na sabi ni Deneese.

Lakas ng boses! Nanonood, takot naman.

Lumabas ako ng gate at naghintay ng taxi na dadaan kahit alam ko namang ihahatid ako ni Jaz.

"Let's go. Hatid na kita." sabi niya mula sa likod ko.

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto ng sasakyan bago siya umikot sa driver's seat.

Pagka-upo niya ay dumako ang tingin niya sa hita ko. Hindi naman masiyadong maikli ang dress na suot ko pero kapag nakaupo lang ako saka 'yon umiikli at medyo tumataas.

"Bakit ganiyan kaikli ang suot mo?" tanong niya bago nag-angat ng tingin sakin.

"Hindi naman 'to maikli. Nakaupo lang ako kaya ganito." nakanguso kong sagot.

He rolled his eyes at me, "Whatever." masungit na sabi niya saka kinuha yung jacket na nasa backseat saka 'yon maayos na ipinatong sa mga hita ko.

"Dalin mo 'yan."

"What?!"

"Dalin mo 'yan."

"Bakit?"

He stared at me.

"Ayaw mo? Huwag ka nang umalis kung ayaw mong dalin 'yan."

So grumpy!

Sanay na ako sa ganiyan niya kasi nasa Macau pa lang kami, hindi talaga ako nakakapag-suot ng maikli kapag nasa labas ako, sa bahay pwede. Nagsusungit talaga siya kapag nakita niyang maikli ang suot ko. Protective! Pero naiintindihan ko naman at na-appreciate ko siya don.

"Fine!"

He smiled, "Good." sabi niya saka kami umalis.

See? -_-

Malapit lang naman ang Starbucks sa may bahay namin kaya wala pang twenty minutes ay nandoon na kami.

Matapos niyang mag park ay sinamahan niya akong pumasok sa loob.

Lost in Love - COMPLETEKde žijí příběhy. Začni objevovat