Two

921 37 31
                                    

"Let's go." pag-aya ko kay Brianna.

Nanlalamig ang mga kamay ko at natutuyo ang lalamunan ko. Nabibigla pa rin ako sa nakita ko.

"U-Uh, sure, sige." sagot ni Brianna na halata pa rin ang gulat saka tumingin sa kuya niya. "Bye Kuya, Ate Rishelle.." mabilis na sabi niya saka ako mabilis na hinila palabas.

Rishelle? If I remember it correctly, Rishelle ang sinabi ni Brianna na pangalan ng secretary ni Cole. Siya nga ba 'yon?

"Brianna!" rinig kong tawag ni Cole sa kapatid niya.

Gusto kong huminto pero mas lalo lang binilisan ni Brianna ang pagtakbo kaya maski lingunin si Cole ay hindi ko na nagawa.

Hindi ko alam na mabilis pa lang tumakbo si Brinna.

Dumeretso kami sa bittersweet cafe malapit lang sa company.

"I'm sorry! Oh my god!" sabi ni Brianna matapos umorder para saming dalawa.

Tumingin lang ako sakaniya at hindi kumibo.

"I was shocked! My god! I'm sorry, Des. Hindi ko sinasadyang magulat sila at makita mo 'yon."

Peke akong ngumiti sakaniya, "It's okay." sabi ko at hinawakan ang balikat niya.

Kinagat niya lang ang labi niya at nag-iwas ng tingin. Ako naman ay natulala at muling pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina.

Wala sa sarili kong nahawakan ang dibdib ko.

Heart, hope you're okay..

Matunog akong nagbuntong hininga.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam agad ako ng selos at lungkot kahit ito pa lang ang pangalawang beses na nakita ko si Cole.

Oh my god, pag-ibig na ba ito?

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mommy na hindi tatanggapin ni Cole ang nararamdaman ko.

Muli akong nalungkot..

Dumating ang order namin at tahimik ko 'yong kinain. Maging si Brianna ay tahimik rin at pansin ko ang pag-sulyap niya sakin. Tipid ko lang siyang nginitian.

Sabay kaming napatingin sa phone niya nang mag-ring 'yon at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pangalan ni Cole.

"OMG! I think he's mad!" pabulong na sabi ni Brianna.

She took a deep breath before answering the call.

"Hello, Kuya?"

Pilit kong hindi pinansin ang pag-uusap nila at tinuloy ko lang ang pagkain ko. Hanggang sa hawakan ni Brianna ang kamay ko at pisilin.

"Mom's looking for me daw. Sorry, Des but I need to go home na."

I smiled at her, "Sure. Ingat ka pauwi." sabi ko at humalik sa pisngi niya.

Iniwan niya ang pagkain niya at dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko ay pati 'yon kinain ko na rin.

Matapos kong kumain at magbayad ay tumayo na ako at pagtalikod ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita si Cole.

Nakatingin siya sakin.

"Hi?" sabi ko.

He sighed.

Mukha namang wala siyang sasabihin at nakatingin lang sakin, nagwawala tuloy ang puso ko. Ganito pala ang itsura niya kapag sobrang lapit, nakakabilis ng tibok ng puso.

Naghintay akong magsalita siya pero nakatitig lang talaga siya sakin kaya minabuti ko na lang na umalis, pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay napigil na niya ang braso ko.

Lost in Love - COMPLETEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora