Prologue

40.5K 543 42
                                    

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ko, kanina pa ako dito sa opisina ko para gumawa ng ilang mga design para sa iilang bahay na gustong ipatayo. Sa loob ng maraming taon naging isa akong Architect ng malaking kumpanya na pinapasukan ko at tinupad ko ang sinabi ko sa aking ina na maging isang Architect. Gusto ko rin naman ang ganoon dahil malapit sa puso ko ang pagd-disenyo ng mga bahay at iilang building na nakikita ko.

Maraming taon na ang nakalipas ngunit ang sugat na naiwan niya ay nandito pa rin. Hindi mawala kahit anong gawin, siguro nga nagkatrauma na ako. Dahil sa lumipas na ilang taon bihag pa rin ako ng nakaraan, parang kahapon lang nangyari ang lahat sa akin. They betrayed me, they used me, and they hurt me big time.

All I can do is to love him. To treasure him most of the time we spent together. Pero ano ang isinukli niya? Ang pagiging isang traydor. Taksil.

I want my sweetest revenge. Ganito ata siguro kapag sobra kang nasaktan nagiging masama kang tao. Pero anong magagawa ko? Nagmahal lang naman ako diba? Hindi naman siguro masamang maghiganti para na rin sa ikakatahimik ko.

Kinagat ko ang labi ko nang mapansin ang unti-unting pagkapunit ng papel na nasa harapan ko. Napapikit ako at kasabay nun ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko, natawa ako dahil sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak. Natatawang pinunasan ko ang mga luha ko habang mahigpit ang kapit sa papel na hawak ko.

"You're crazy, Natasha..." bulong ko sa sarili ko. "Very crazy to think for your revenge," dagdag ko habang nakangisi.

Huminga ako ng malalim dahil na rin kailangan kong matapos ang gagawin ko. Tumunog ang cellphone ko at napangiti nang makita kung sino ang tumatawag sa hapon na 'yun.

"Yes, darling?" nakangiting saad ko at sinuklay ang medyo may kahabaan kong buhok. "Why are you calling me? Is there any problem?" pagtatanong ko.

[I miss you...] isang malambing na boses ang narinig ko.

I smiled softly. "I miss you too darling..." mahinang saad ko sa kabilang linya.

Napatingin ako sa daliri ko at malinaw na nakikita ko ang singsing sa kamay ko. Napangiti ako sa sarili ko at mabilis na tinapos ang tawag, huminga ako ng malalim. Masama na bang gumamit ng tao para makalimot sa nakaraan? Napasinghap ako sa sarili kong tanong. I felt guilty knowing I'm hurting other people for my own sake.

Tinapos ko lahat ng gagawin ko para na rin makahabol sa isang malaking event. Tinawagan na rin ako ni Mommy para sabihin na gusto niya akong makita sa gabing 'yun. Mabilis ang kilos ko at nang mag 6 pm na ay kaagad akong nag-out sa trabaho ko.

"Ikaw na muna ang bahala dito, Lucy..." kalmadong saad ko sa sekretarya ko.

"Yes, ma'am..." nakangiting saad niya sa akin at bahagyang yumuko ng kaunti.

Mabilis akong bumaba para makapunta sa bahay namin dahil nandoon na si Kuya at sila Stella at ako na naman ang huli. Sakay ng kotse ay mabilis akong pumunta sa bahay namin, binasa ko ang pang-ibabang labi ko at bumaba ng sasakyan. Binati ako ng mga kasambahay at iilang mga tauhan sa bahay dahil madami na ngang tao.

"Kuya..." nakangiting saad ko sabay yakap sa kanya.

"Why are you late?" nakataas ang kilay na saad niya karga ang anak nila na si Keizen.

"Office," maikling saad ko at kinurot ang pisngi ng anak niya na ngumiwi sa akin. "Zein..." saad ko at niyakap s'ya.

Pumunta na ako sa kwarto ko at mabilis na nagbihis ng isang itim na gown na kita ang hati ng dibdib ko, may slits sa kanang hita ko, at backless kaya malayang nakikita ang likod ko. Nag-ayos ako ng madramang make-up at kaagad na tinali ang kulot na kulot kong buhok.

Pinakawalan ko ang hininga ko ng makapunta ako sa garden namin. Nakita ko ang iilan kong pinsan, iniwas ko ang paningin ko kay Shane na karga si Troy na naglilikot na. That bi*ch. Sumalo ako sa mga pinsan ko na nagkakatuwaan na kaya ngumiti ako sa kanila.

"Wala ka pa ring pinagbago. You look stunning as always..." saad ni Clyde kasama ang asawa niya.

"Tss..." umismid ko sa kanya na natawa at tinapik ang likod ko na ikinangiwi ko.

Nagkasiyahan kaming lahat lalo pa't nagsasalita si Mommy sa unahan. Napangiti ako ng makita si Daddy na nakabusangot ang mukha sa gilid, magkakrus ang dibdib, at nakanguso. Hindi pa rin talaga s'ya nagbabago, napakaseloso niya pa rin.

"He's jealous again..." nakangusong saad ni Cruzette na nakatingin pala kay Daddy.

I search for him at nakita kong nasa kabilang table s'ya kasama ang girlfriend niya. Iniwas ko nalang ang paningin ko dahil sa pag-usbong ng galit at pangungulila sa dibdib ko. Hindi dapat ako ganito lalo pa't may tao akong pinangakuan sa altar, at makakasama sa buhay ko lalo pa't may mga makukulit na akong kasama.

"I need to go to comfort room..." paalam ko sa kanila na tumango lang sa akin. "Nakalimutan ko rin pala ang regalo ko," nakangising dagdag ko.

"Bumalik ka kaagad..." saad ni Kuya na nakatingin sa'kin, hawak si Zein.

Nagtaas lang ako ng kilay at nagmartsa na patungo sa loob para magbanyo. Nang matapos ay sinuklay ko ang buhok ko at dumiretso sa labas para kunin sa kotse ang paper bag. Napalunok ako ng may maramdaman akong nakasunod sa'kin kaya kinalma ko ang sarili ko at mabilis kong kinuha ang paper bag.

Sa pagharap ko ay isang malamig na  handcuffs ang napunta sa magkabilang pulso ko. Nanlaki ang mata ko at pilit nanlalaban sa kung sino man ang nasa unahan ko, hindi nakakagalaw ang kamay ko dahil sa  handcuffs na nasa pulso ko.

"Get off you hands on me," malamig ang boses ko, kunot ang noo.

Hindi nila ako pinansin at nilusot ang ulo ko sa sako kaya pilit naman akong nanlalaban. Narinig ko ang sasakyan at mabilis nila akong pinasok kahit anong sipa at laban ko wala akong kawala sa kanila. I gritted my teeth at huminga ng malalim. Narinig ko ang tunog ng helicopter sa kung saan.

Mabilis nila akong kinuha sa sasasakyan. Napapikit ako sa inis dahil kakauwi ko lang ng pinas at ito ang mangyayari sa'kin! What a life? Sinakay nila ako sa isang helicopter at hindi na ako makagalaw dahil ipit na ipit ang katawan ko.

"Ano ba?! Saan niyo ba ako dadalhin?!" galit na sigaw ko sa kanila.

Nakakainis na nadali nila ako ng walang kahirap hirap! Ako? Isang Natasha nakuha nila sa isang iglap lang? Nakakainis at nakakadismaya. Kung hindi lang ako nakasuot ng pagkahaba-haba na heels malamang nakawala na ako sa kanila.

"Ito na po s'ya..." narinig kong saad ng may hawak sa akin. Ramdam ko ang buhangin sa paa ko kaya napakunot ang noo ko.

Mabilis nila akong pinasok sa kung saan at padarag pa akong binitawan. Narinig ko pa ang malutong na mura sa kung saan at may narinig akong sinuntok sa kung saan man. Napairap ako sa kawalan at ramdam ko ang pag-alog at sa tingin ko ay nasa isa akong bangka or yate.

"Leave!" isang malamig na boses ang narinig ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Mabilis niyang tinanggal ang sako at napapikit ako dahil sa liwanag. Kumunot ang noo ko at nag angat ng tingin, ganoon nalang ang gulat ko ng mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko. Kaagad bumilis ang tibok ng puso ko sa nakikita ko sa unahan ko.

Standing tall and proud with a smug smirk on his curved lips no other than, Wade Ferrell.

"It's nice to see you again, baby..." malamig na saad niya, galit ang mga mata na nakatingin sa'kin.

What the hell? Ngayon pa talaga? Bwisit na buhay!

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now