"Grabe ka Io. Parang yung mga palabas lang yan sa PBO aa. Mga bold, yung kunwari aayaw ayaw pero go-go din naman pala. Hahaha xD" sabi ni Nesh at sabay tumawa. Bold talaga? Pinoy na pinoy aa. Haha xP
"Oyy. Grabe naman sa bold te. Haha. Tuloy ko pa ba?" sabi ko sabay sinita ako ni Nesh, "Hala ka siya ohh. Beth, yung tropa mo kinikilig"
Hala, kinikilig daw parang hindi naman. "Wag na lang, hindi ko na lang itutuloy" sabi ko kasi nakakahiya ee saka kinikilig daw ako?? Pssshh :/
"Tuloy mo na Io" pagpipilit ni Chu
"Ok. Ayon na nga. Nagsorry siya bigla kasi hindi naman daw niya gagawin saken yun kaya wala daw akong dapat ipag-alala" pagtutuloy ko
"Yun naman pala ee. Asan ang muntik dun? Tokis pala 'to si Heinz ee. Tsk!" sabi ni Steff. Hinde kasi makapag-antay. Haha xD
"Totoo naman na muntik nga may nangyari samen" sabi ko na punong-puno ng kahihiyan
"Go, kwento mo na kasi Io!" pagpupumilit ni Beth
"Nagtama yung mga mata namin at hindi ko namalayang kinikiss niya na pala ako" kwento ko pero nakayuko na ako magkwento. Pag naalala ko kasi hindi ko mapigilang mamula at mag-init
"Anung klaseng kiss Io? Naalala ko kasi noon na nagkiss kayo sa ulan nung pauwe tayo galing Intramuros ee. Ganun lang?" usisa ni Chu. Hala, tama ba 'to? Nagkwekwento ako ngayon sa bata? Haha xD
"TORRID? LP?? GUMS TO GUMS, TONGUE TO TONGUE???" sabay sumigaw si Nesh at Beth at ang tanging naging sagot ko ay ang pagtango ng aking ulo
"GRABEE! MARUNONG KA NUN??" gulat at pasigaw na tanong ni Nesh. Kalma lang pwede? Parang nanay ko na pinagkwekwentuhan ko aa. Hayyss >_
"Hindi nu!! Syempre! Kahit pa na nagkaroon na ako ng boyfriend date pa hindi namin nagawa yun. Si Heinz lang. Kay Heinz lang" sabi ko na nakataas na ang ulo ko at nakatingin na ako sa kanila
"Bukas na bukas din maghiwalay na kayo ni Heinz!!" seryosong pasigaw na utos saken ni Beth habang nakapamewang. Kung si Nesh ang mama ko, si Beth ang tita ko? Ganun ba yun? Si Steff at Chu mga pinsan ko? Hahaha xD
Pero ikinagulat ko din ang naging reaksyon ni Beth kaya binigyan ko siya ng malungkot na pout :(
"Hinde joke lang syempre. Nagmamahalan kayo di ba?" malambing na sabi ni Beth sabay yakap saken. Tama siya, nagmamahalan nga naman kami ni Heinz. Kaya siguro ganun na lang ang lungkot ko nung sinabi ni Beth yun
"Tapos? Wag ka ngang pabitin!" singit ni Steff na kanina pa pala nag-aabang sa susunod na mangyayari
Ito na itutuloy ko na nga. "We kissed. Nung una, dahil hindi nga ako marunong, hindi ako nagrerespond. But as I felt his tongue moving. . . Aa Chu Mariz Heno, alam ba ni tita na nakikinig ka na sa mga bagay na 'to? Pwede ka na ba?" pagpuputol ko dahil naalala ko na kasama ko si Chu. Siya kasi ang bunso sa tropa. Haha xD
"Uo naman, syempre. Ohh dali, tapos. . . tapos??" sagot ni Chu na akala mo parang nagbabasa ng libro at naeexcite ng sobra sa next chapter. Haha xD
"Sigurado ka jan aa? Ok. Tapos ayun lumalim na yung kiss namen. Hinawakan niya na yung mukha ko. He layed me on my bed while he's on top of me and his hands are starting to journey through my body. Tapos dun ko na naramdaman na nag-iinit na ako kahit bagong ligo pa lang ako. We started to switched places and I was already on top of him and I was also about to removed my towel. . ." hininto ko muna saglit kasi ramdam ko na nag-iinit na naman ako at namumula at para na din tingnan ko ang aking audience. Nagulat ako nung makita ko ang mga reaksyon ng mga mukha nila. Si Beth nakatunganga, si Steff at Nesh naka-nganga at si Chu, si Chu lang naman ay nakakagat labi. Ohh di ba? Ayan ang bunso namen. Patay tayo jan! (^_-)
"Ano na? Tuloy mo na. Tapos?" sabi ni Beth
"Pwedeng huminga saglit?" sabi ko at sabay punas ng panyo sa mukha ko kasi biglang uminit ang loob ng videoke room na kanina lang ay pagkalamig-lamig
"Naiinitan ka? Namumula ka Io. Ok ka lang?" sabi ni Steff ng mapansin niya ang mga naging kakaiba saken simula pa kanina. Sinipat niya ang noo ko sabay sabe, "Nag-init ka ulit nung naalala mo nu? >:)"
Napansin ni Steff!! Waahhh!! Ok kailangan maiba ang course ng usapan, "Tatanggalin ko na sana yung towel ko ng bigla siyang sumigaw ng 'Fvck Io' dahil sa nakita niya yung oras sa orasan at saktong tumawag ka na nun Beth" sabi ko. Sana na-misdirect ko ang usapan -_-"
"Yun naman pala. Siya ang nagsimula, siya din ang nagpigil. Hindi pa din naman pala ganun ka-gago yun si Heinz" komento ni Nesh
"Pero sa tingin niyo Chixx. Kung wala kaming pupuntahan kanina. Posible kayang natuloy yun?" tanong ko lang para naman hindi na nila mapansin ang pamumula ko at pag-init
"Uo posible. Posibleng posible. Umibabaw ka na ee" sagot ni Beth
"Sabagay" sabi ko na lang. Buti na lang talaga. Haysss
"Pero bilib din ako kay Heinz aa. Kung ibang lalake yun, hindi niya papansinin at wala siyang pakialam sa pupuntahan at oras. Good boy" comment din ni Steff. May point din siya, kung sa iba yun malamang dito na kami nakasunod sa MOA. Haha xD
"Ang galing nu? Ang init ni Io. Nalilibugan ka ulit Io?" sabi ni Chu na ikinagulantang ko. Tama, nagulantang ako! Dahil na din siguro sa hindi ko napansin na kanina pa pala nasa noo ko ang isa niyang kamay
"Grabe! Hahaha xD" sabay sabay na nagtawanan si Beth, Nesh at Steff. Napayakap na lang ako kay Chu at napangiti :)
"Maraming salamat sa iyong pagiging tapat. Maaari lamang na iyong dasalin ang isang buong rosaryo ng sampung beses" sabi ni Beth na nakatayo ngayon sa harapan ko at animo'y banal na binibigyan akong sign of the cross
"Haha. Inamoo Beth. Tigil ka nga. Hahaha xD" sabi ko na may hindi mapigil na tawang kasama ^_^
"Tara, videoke na tayo! Kanta na. Kanina pa yata tayo gusto palabasin nung kuya ohh!" sabi ni Steff sabay turo sa staff ng arcade na nasa labas at nakatingin lang samen. Don't worry kuya. Kakanta na kame. Get ready to hear our angelic voices! Wahahaha >:D
"Akin na yung song book! Kakanta ako! Huh!" sabay tayo at taas noo xD
~ ~ ~
Makalipas ang limang kanta ay bigla kaming nagulat ng biglang pumasok si Dhar at PJ at binuksan ang pinto ng videoke room
"Ohh baby kakanta din kayo?" masiglang tanong ni Nesh
"Bakit para kayong tangang dalawa?? Walang CR dito, hinde namin alam" banat ni Chu
"Ano bang nanyayari? Umayos nga kayong dalawa!" nag-aalalang tanong ni Steff
Bigla akong kinakabahan na ewan. Parang kung ano yung nakikita ko sa mukha ni PJ at Dharwin ngayon, ganon na din nararamdaman ko. Baka wala lang to. Nantitripp lang siguro ang mga kumag. Lechee ka Heinz!!
"Hindi pa ba sila nakakabalik? Saan si Heinz?" tanong ni Beth
"May gulo sa labas!" naginginig na sabi ni PJ
"ANOOO??" sabay-sabay na sigaw nilang apat. Guys, nantitripp lang yan! Nu ba kayo!
"A. . . an-du-u-un. . ." pilit na sinasabi ni Dharwin pero hindi niya magawa. Nakatitig na siya saken ng mata sa mata at yun ang nagpaalis sa ngiti sa inaakala kong pantitripp nila. Seryoso na nga to! Bigla akong nanlambot at nanghihina. Para akong hihimatayin
"IO!! ANDUN SI HEINNZZ!!!!" sigaw ni Dharwin na mas lalong nagbigay saken ng kaba! The next thing I know, kumakaripas na ako ng takbo palabas and tears are already falling down my face T_T
—- END OF CHAPTER 21 —-
(A/N): Hi sa mga readers ko ^_^
Kailangan ko ng 10 votes para malaman ko kung itutuloy ko pa ba tong kalokohan kong 'to. Dejoke, para iupdate ko ang next chapter at pangmotivate na rin ^_^
Salamat and don't forget. Enjoy ^_^
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
Chapter 21
Start from the beginning
