Nagpatuloy kami sa paglalakad habang hindi pa rin matanggal sa isip ko si Denaery. Bakit siya umiiyak? Bakit parang nataranta siya nang marinig ang tumawag sa kanya kanina?

Hindi ko lang nakilala ang boses, pero ang alam ko ay galit ito. Para bang reyna na tinatawag ang kanyang utusan. Tapos galit kasi hindi agad nagpakita. Weird. Hindi naman ganun-ganun napapa-sunod si Denaery ah.

Alam kong mabait siya ngunit hindi siya kailan man naging utos-utosan.

"Zeke.."

Kailangan ko siyang maka-usap. I know something's wrong. I sense it.

"Uy Zeke."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ayokong mabuwag ang Wild Cats, miss ko ng sumayaw na kumpleto kami. Ito na sana ang pagkakataon oh.

"Zekeniah!"

"Santisima Steve! Kanina ka pa nanggugulat ha!"  Ramdam kong humigpit ang hawak ni Steve sa braso ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Hindi niya naman karaniwan ginawa 'to. Ano'ng problema nito?

"Tingnan mo." Ngumuso siya sa di kalaayuang park malapit sa skwelahan namin. Sinundan ko naman ang tinitingnana nita at mas lalong kumunot ang noo ko.

Nalalag ang panga ko habang tinitingnan sina Tierra na nagpa-practise ng sayaw. Biglang kumulo ang aking dugo at umakyat sa ulo. Ang sinasayaw nila ay ang choreography namin noon-- na si Revenie ang nag-isip.

Nag-igting ang bagang ko.

How could she do it to us?! Umalis siya sa grupo tapos ginamit ang choreography namin para sa contest? No freaking way!

Nakakuyom ngayon ang kamay ko na agad pinigilan ni Steve. Dumidilim na ang paningin ko. Ayoko ko pang isipin na siya ang may pakana nito-- pero sino pa ba ang gagawa nito?! Siya lang ang umalis sa grupo at dati siyang Wild Cats! Tapos ngayon gagamitin nila choreography namin?!

"Zeke, calm down."

"Isang pagkakataon. Makita ko pang may ginamit pa siyang isang choreography. Malilintikan sila sa'kin." Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Stevenese at napa-iling na lamang ako.

Ang kapal ng mukha niya. Tinuri namin siyang kaibigan.

Kaya ba umalis siya sa grupo nila noon at sumali sa amin para maging spy? Kunin ang loob namin at ang choreography-- tapos iiwan kami at gagamitin? Fuck you!

~~

 Linggo ngayon at nagpa-practice na kami para sa Battle of Dance. May iba't-ibang category ang dapat namin salihan. May solo dance, may by pair at 'yung dancing while singing at ang pinaka-gusto ko sa lahat-- 'yung kaming lahat na.

Tatlong linggo lamang ang binigay sa amin upang makapag-ensayo.

Naisipan naming sina Revenie at Bran sa dancing while singing, since sila ang may magandang boses sa amin. Sa solo dance naman ay walang iba-- kundi ako. Ayokong ma-partner kahit kanino. Si Blue ay sa solo dance rin. Dalawa kasi ang dapat ang sa solo dance-- lalaki at babae. Sa by pair naman, siyempre wala ng natira kaya sina Steve at Cliren ang partner. Well, ang mokong na Kei naman ay nasa solo na singing and dancing. Dalawa rin dapat 'yun-- babae at lalaki kaso wala eh, kulang kami, kaya siya lang.

Hindi ko rin sinabi kay Revenie ang nakita namin ni Steve noong Thursday. Baka madistract lang kasi siya. Mabuti na munang hindi niya malaman.

Oo at ika-tatlong araw na namin 'to sa pag-eensayo pero, hindi pa rin kami maka-buo ng ideya para sa sayaw naming lahat. Wala pa kaming maisip na theme.

Mahirap kasi, dahil may mga lalaki. Eh kung kami lang sana ay wala ng problema. Ang sayaw kasi namin ay hindi nababagay sa kanila, sobrang feminine. Sa kanila ay okay lang sana sa'kin, pero ayaw naman ni Revenie-- popogi daw kasi siya kapag sasayawin niya 'yun. Which is ayaw na ayaw niya-- maganda raw kasi siya.

"Oh, ano na gagawin natin ngayon?" Tanong ko upang mabasag ang katahimikan namin.

"Mag-isip na lang kaya tayo ng name ng grupo natin?" Suhestiyon ni Steve at napa-tango naman kami.

"Wookay! Masaya 'yan!" Sagot ni Blue at tumayo pa talaga at pumalakpak.

Abnoy.

Nakatingin lang kaming lahat sa kanya habang na-froze naman siya. Naka-buka ang kanyang bibig habang naka-ngiti. Wala ni isa ang umimik sa amin. Kunot-noo namin siyang tiningnan at unti-unti naman napawi ang kanyang ngiti.

"Let's take a moment of silence and feel~ the awkwardness." Pagdidiin niya sa 'feel' na word. Totoo lang-- baliw ba 'tong tao to?

Dinig kong napabuntong-hininga si Kei. "Asulul." Isang mapanuksong ngiti ang lumabas sa bibig ni Kei na agad ikina-sama ng tingin ni Blue sa kanya.

"Padilla'ng hilaw!" Sagot niya.

Kumunot naman ang mga noo naming mga babae. Hindi namin alam kung ano'ng pinagsasabi nila. Habang sina Bran at Cliren naman ay napakamot na lamang sa kanilang ulo.

"Ayan na naman." Iritadong bulong ni Cliren.

Huh?

"Pakyu ka Asul!"

"Pakyu din!"

"Peste ka!"

"Abnormal ka!"

"Leche! Pitsel! Pinggan! Planggana! Kutsilyo! Basilyo! Santisima! Maryosep kayo!" Humalukipkip ako at tumayo sa harap nila. Gulat naman ang kanilang mga mukha.

"Kulang nalang eh sabihin niyo lahat ng mura!"

Hindi sila nakapag-salita at nantiling nakakatitig sa akin. What?!

"May naisip na akong pangalan!" Masayang tugon ni Blue animoy nanalo sa lotto.

"Not again, Blue!" Sabay-sabay nilang sabi at ako na naman ang nagulat sa kanila-- este kami pala.

What's going on?

~*~


Skip a DanceWhere stories live. Discover now