"Oh? Bakit?"

"Mac, si Jeicee, ayaw akong kausapin," sagot niya at pinunasan pa ang imaginary tears.

"Kung hindi ka ba naman kasi isang unggoy na lumandi sa ibang chimpanzee, eh di sana kinakausap ka ngayon ni Jeicee."

"Hindi naman ako lumandi. Basta na lang ako niyakap ng babaeng 'yon tapos saktong nakita ni Jeicee," katwiran niya.

"Suyuin mo na lang. Huwag ka mag-alala kasi madali lang paamuhin 'yon, mahal na mahal ka kaya niya."

Ngumiti na lang ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya, lalo naman sumimangot ang unggoy. Nagpatuloy na kami sa pagtatraining at nakalimutan ang oras, busy ako at isa pa ay bawal ang cellphone kapag may training. Ayaw nila dahil distraction lang daw 'yon.

***

Araw ng sabado, pinagpahinga muna kami ni Ate Sam. Nasa salas lang ako at nanonood ng Kuroko. Inis na inis ako kay Hanamiya, tangina ng gagong 'to. Kawawa naman si Teppei, puro bangas na ang katawan. Kung puwede lang talagang pumasok sa loob ng screen ng cellphone ginawa ko na para masapak ko si Hanamiya, lakasan ko na para sigurado.

"Ang adik naman ng referee na 'to? Mga bulag!"

"Hoy, Mac, ang bunganga mo nga. Nasa 100+ na panood mo na yata 'yan hanggang ngayon naiinis ka pa rin kay Hanamiya?"

"Ang abnormal kasi, Zac. Parang ikaw lang. Ikaw yata ang referee na 'yan."

"Aba't! Ewan ko sa iyo, Mac."

Nagpatuloy na lang ako sa panonood at hindi na pinansin si Zac. Inis pa rin ako kay Hanamiya. Umalis na si Zac, tingin ko ay pumunta na siya sa kuwarto niya, naingayan na siguro sa akin.

Pakialam ko naman sa kaniya? Kapag nga siya nanonood ng Larva ay hindi ako nagrereklamo lalo na kapag tawa siya nang tawa. Minsan lang naman ako manood sa TV dahil usually ay sa phone ako nanonood ng anime. Sadyang trip ko lang ngayon sa TV para mas malakas at maganda manood. Subukan nilang magreklamo sa bunganga ko, babatuhin ko sila ng remote.

"Babe."

Lumingon ako sa magsalita at doon ay nakita si tukmol. Aobrang itim ng ilalim ng mata niya at halatang walang tulog. Gulo-gulo rin ang buhok niya at sa halos isang buwan naming hindi pagkikita ay pumayat na siya. Sobrang laki ng ipinayat niya.

Ano'ng nangyari sa kaniya? Bakit ganito na ang itsura niya ngayon?

"T-Tukmol? Shit, umupo ka rito. Tangina, ano'ng nangyari sa iyo? Bakit ganiyan ang itsura mo? Gago ka, natutulog ka pa ba? Kumakain ka ba? Bakit mo naman pinabayaan ang sarili mo?"

Ipinaupo ko siya sa tabi ko at yumuko na lang siya at nagsimula na humikbi. Nagtataka naman akong tinignan siya. Bakit ba umiiyak ang isang 'to? May problema ba siya?

"Mac, let's break up," bigla niyang saad matapos ang ilang minutong paghihikbi.

Parang tumigil ang mundo ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ano raw? Hindi naman siguro ako nabingi. Mali yata ang pagkakarinig ko.

"A-Ano?"

"Let's break up," ulit niya at sa pagkakataong ito ay tinignan niya na ako.

"Nagbibiro ka lang, 'di ba? Joke 'to, 'di ba? Ano ba, tukmol!? Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, hindi nakakatuwa."

"I'm not joking," sagot niya.

"Prank ba 'to, tukmol? Gumaganti ka ba sa prank ko sa iyo rati? Kasi kung oo, tangina hindi nakakatuwa!"

"This is not a prank, Mac," mahina niyang bulong pero sapat upang marinig ko.

"B-Bakit? A-Ano'ng nangyari? A-Ayaw m-mo na b-ba? Hindi ka na ba masaya sa akin? May pagkukulang ba ako? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo, tukmol. Sabihin mo!"

Make The Boyish Fall In Love✓Onde histórias criam vida. Descubra agora