Chapter 45 - The Ripple Effect

Start from the beginning
                                    

Nasaan si Vivienne,” tanong ko para matigil ang nakakailang na lambingan ng dalawa.

Tinatanong mo pa eh iniwan mo di ba?” saka ko naalala na wala palang sasakyan si Vivienne nang pumunta kami sa resto dahil sasakyan ko ang gamit namin. Sh*t! Ang tanga-tanga ko.  Iniwan ko siya doon na walang masakyan pauwi.

Buti na lang at sinundan kayo ng driver niya dahil kung hindi, naku Kaz, kakalbuhin kita dahil iniwan mong walang masasakyan ang alaga ko!” galit na saad ni Louwinsky.

Tama na nga yan,” pagpigil ni Roger kay Louwinsky, ”pag-usapan muna natin kung paano natin aayusin ito.

Roger?” pumasok ang isang taong ayaw ko muna sanang makita ngayon.

Tinawagan ko siya dahil baka makatulong siya,” may paghinging dispensa ang pagtingin ni Roger sa akin pero hindi na ako nakapagpigil, ”Gag* ka, Stuart!” sinuntok ko ito.

Hindi ko alam pero kulang ang isang suntok kaya nasundan pa ito ng marami pa pero hindi lumaban si Stuart. Ininda niya ang bawat hampas ng aking kamao sa mukha at katawan niya. Wala akong pakialam sa mga sigaw ni Louwinsky na pabor naman kay Roger dahil nakapagtsansing siya ng yakap dito.

Lumaban ka, gag* ka!” kinuwelyuhan ko siya at malakas na isinandal sa pader.

Bakas sa mukha niya ang sobrang pagod at lungkot pero walang bahid na galit sa mukha. ”Bakit, Stuart? Hindi ba sapat na nasa iyo na ang lahat-lahat? Bakit mo pa sinaktan si Patricia?

Nanghina ako nang marinig ko ang iyak ng kaibigan ko.  Si Stuart? Ang pinakamatigas sa grupo ngayon ay umiyak sa harapan ko? Agad ko siyang binitawan at umatras ng isang hakbang.

Hindi ako nakagalaw nang lumuhod ito sa harapan ko habang humagolhol.

Alam kong wala akong karapatang humingi ng pabor.  Alam kong nagpakatanga ako dahil kahit naramdaman kong mahal ko na si Patricia, pinipilit pa rin ng isip ko na si Sandra ang gusto ko.  Alam kong nasaktan ko si Patricia dahil pinakasalan ko siya para makuha ko ang mana ko pero pinigilan ko ang sarili kong mahalin siya sa pag-aakalang si Sandra ang para sa akin.  Alam kong wala akong karapatang humingi ng tawad sa lahat na ginawa ko, pero Kaz, minsan lang ako humingi ng pabor sa’yo.  Gagawin ko ang lahat,” humagolhol siya habang nakayukong gumapang upang abutin ang paa ko, ”please give my Patricia back to me,” nasaktan ako sa narinig ko pero mas nasaktan akong makita ang matalilk kong kaibigan na ngayon ay nakayukong nakayakap sa paa ko.

Ibinaba niya ang sarili niya para sa babaeng mahal niya.  Sino ba ako para hadlangan ang pagmamahalan nila? Alam kong nasaktan si Patricia pero hindi ko maipagkakailang tanging si Stuart lang din ang makapagpawi sa sakit na nararamdaman niya.

Umalis ka muna Stuart,” hinila na siya ni Roger.

No,” mas lalong humigpit ang pagkayap niya sa paa ko, ”kung kailangan kong lumuhod hanggang sa maibalik sa akin si Patricia, gagawin ko.”

Tumayo ka na, Stuart.  Hindi bagay sayo ang magmakaawa,” malamig na saad ko.

Umiling ito at hindi nagsalita.

Hindi ka sa akin dapat magmakaawa, Stuart,” bumuntong hininga ako, ”si Patricia ang sobra mong nasaktan. Sa kanya mo dapat gawin ang ginagawa mo ngayon,” ibinaling ko ang tingin ko kay Roger, ”alam ko na ang solusyon sa problema natin.  Ihanda niyo na ang mga kakailanganin para sa pekeng kasal namin.  Next week natin i-sho-shoot ang pekeng kasal.”

Paano yung litratong nakakalat sa internet?” tanong ni Louwinsky.

Tatabunan natin yun.  Tawagan mo si Vivienne, kailangang makunan kaming naghalikan sa kama.”

Ano?!” sabay na tanong ng dalawa pero hindi ko sila pinansin. Saka na ako magpapaliwanag dahil ibinaling ko muna ang tingin ko kay Stuart.

Nasa bahay ko si Patricia.  Hayaan mo muna siyang mag-isip,” masakit man pero kailangan ko atang indahin ang sakit para sa kaligayahan ni Patricia, ”umuwi ka muna, Pare. Bukas mo na lang siyang puntahan at kausapin,” tapik ko sa balikat niya saka tumalikod.

Mahiral ang magparaya pero mas mabigat naman ang makita silang nahihirapan na magkalayo na pwede naman silang magkasamang lutasin ang gusot sa pagsasama nila.  Hindi ko alam pero pakiramdam ko bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

’Patricia, para ito sayo, iindahin ko ang sakit,’ bulong ko na lang sa isip ko saka ngumisi ng mapait.

_____________

AN: Okay... hindi ko alam kung okay ba ang ginawa ko.  Ilang beses din akong gumawa-nagbura-gumawa ulit.  Pasensiya na dahil ito lang ata ang kaya kung gawin sa ngayon.  Sa lahat ng naglahad ng kani-kanilang opinyon, maraming salamat dahil pinaramdam niyo sa akin na napukaw ko ang damdamin ninyo.  Sana nga lang maappreciate niyo pa rin ang gawa ko kung sakaling hindi ito ang ini-expect niyo.

Alam kong natabunan ng galit niyo ang dapat sanang pag-appreciate niyo sa kantang, ”Why Not Me,” ni Enrique Iglesias.  Sana pakinggan niyo para maintindihan niyo ang side ni Kaz.  Love ko si Kaz at sobrang paborito ko ang kantang ”Why Not Me,” kaya sana magustohan niyo ang kant. GBU ^_^

Unedited po ito... hindi ko rin na-review… kung sakaling may mali akong nagawa sa UD na  ito, sana magawan ko ng paraan na maayos sa susunod.  Pray for me pretty people... hindi na luck ang kailangan ko dito... kailangan ko na ng prayers… ang dami na kasing gustong kumalbo sa akin eh (hahaha… di joke lang)… but seriously, ipagdarasal ko ang next UD ko dahil hanggang ngayon magulo utak ko at wala pa akong plano.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now