Chapter 45 - The Ripple Effect

Start from the beginning
                                    

Sinubukan kong tanggalin ang kanayang blusa at pinakiramdaman kung tututol ba siya. Nang hindi siya nagreklamo ay agad ko ring hinubad ang pangtaas ko.  Alam kong init na init na ako pero nasa tamang wisyo pa ako.  Kung pipigilan niya ako, kakayanin ko ang sakit at titigil ako.  Ganun ko siya kamahal dahil ayokong pagsisihan niya ang gagawin namin.

Mahal kita, Patricia,” puno ng damdamin na bulong ko sa kanya, ”mahal na mahal.”

Nilandas ng mga labi ko makinis niyang balat pero nang bumalik ako sa paghalik sa labi niya ay naramdaman ko ang basang pisngi niya.  Was she crying? Agad kong hiniwalay ang mga labi ko sa labi niya at tinignan siya.

I am sorry, Kaz. Hindi ko pala kaya,” higit sa sakit ng suntok ang nararamdaman ko nang marinig iyon.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at umatras palayo sa kanya.  Agad naman niyang pinulot ang kanyang blusa at itinakip sa katawan niya. ”I am really sorry,” bulong yun pero naririnig ko at nararamdaman ko ang pait at sakit na kasama sa mga katagang iyun.

Shh,” lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Mahal kita pero mas gugustohin ko pang maging masaya ka sa piling ng iba kaysa makulong ka sa pag-ibig ko na hindi mo ginusto,” hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas na loob para sabihin iyun pero ito ang tama. 

Nagpatuloy siya sa pag-iyak kaya kinarga ko na siya at dinala sa kama. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama saka hinalikan sa noo, ”Matulog ka na, Patricia.  Aalis lang ako sandali.”

Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.

May aayusin lang ako,” sagot ko saka ako tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.

Roger?” sagot ko sa tumawag sa telepono.

Nasaan ka ba? Kasama mo pa ba si Patricia?” galit na tanong ng manager ko.  Hindi na ako nagulat kung bakit niya nalaman na magkasama kami ni Patricia.  Nasa pampublikong lugar ako hinalikan kanina ni Patricia kaya siguradong naging malaking showbiz balita nanaman yun.

Pumunta ka dito sa opisina ko dahil may dapat tayong aayusin. Parating na rin dito si Vivienne at ang manager niya,” utos niya sa akin.

Okay,” tanging sagot ko saka pinutol ang tawag.  Plano ka naman talagang kausapin si Roger ngayon kaya hindi na ako nagreklamo.

Mabilis kong narating ang opisina ni Roger at agad ko siyang nakita na nakapatong ang mga siko sa office table niya habang saklop naman ng mga kamay niya ang ulo niya.  Alam kong sumakit nanaman ang ulo niya dahil kahibangan ko.

Kaz, ano ba ang naisip mo at nakipaghalikan ka kay Patricia sa pampublikong lugar?” tanong niya sa akin habang ipinakita ang isang litratong viral na ngayon sa internet.  Sinasabi ko na nga ba.

I’m sorry,” mahina kong sagot.

Sorry?” mataray na sabi ni Louwinsky Santos, ang manager ni Vivienne, ”Sorry lang isasagot mo sa pag-iwan ng alaga ko sa date niyo at pagkatapos nakipaghalikan ka sa iba?

It was uncalled for, okay? Kaya nga aayusin natin to eh,” sabat ni Roger.

Naku Roger ayusin niyo ito,” inis na sabi ni Louwinsky na agad namang nahimasmasan nang masahiin ni Roger ang likod nito. Teka? May hindi ba ako alam? Akala ko ba nakikipagbalikan si Libra kay Roger? Mukhang nahawa na ata si Roger sa kakasama ni Mago, feeling ko nang-two two time siya ngayon.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now