Chapter 45 - The Ripple Effect

Start from the beginning
                                    

Patricia, tama na yan,” pinigilan ko siya nang iinumin na niya sana ang panglimang bote.

Don’t you dare stop me, Kaz Legaspi!  I simply want to get wasted, do you hear me?” mariing sambit niya. 

Patricia, ano ba ang pwede kong gawin para tumigil ka sa pag-inum?” pagsusumamo ko sa kanya.

Kumanta ka,” tumingin siya sa akin, ”kantahan mo ako, Kaz. Yung kantang para lang talaga sa akin.”

Sandali ko siyang tinignan saka ako tumayo para kumanta.  Hindi ako dapat kumanta ngayon dahil siguradong makikilala ako ng mga tao pero gagawin ko ito dahil ito ang dapat.  Maraming kanta ang gusto kong idedicate sa kanya pero itong kantang napili kong kantahin ngayon marahil ang pinaka-swak sa nararamdaman ko.

This song is for the girl who owned my heart,” pinilit kong hindi tumingin sa kanya dahil alam kong magtataka ang lahat kung bakit hindi si Vivienne ang kasama ko.

Umupo ako sa high chair habang kinanta ang unang parte ng kanta ni Enrique Iglesias na ‘Why Not Me’.  Ramdam na ramdam ko ang bawat katagang bumuo ng kanta.  Para itong sinadyang ginawa para makanta ko kay Patricia.  Nalalasahan ko ang pait ng bawat ritmo ng kanta.  Mahal ko si Patricia pero hanggang kaibigan lang niya ako – yun ang pinakamasakit sa lahat.

Baby I know I could be all you need, Why oh why oh why. I wanna love you - If you only knew how much I love you, So why not me. You won't ever know how far we can go (go). You won't ever know how far we can go (go),” hindi ko napigilan ang sarili ko dahil tinahak ng mga makukulit kong mga mata ang imahe ng isang babaeng tanging laman ng aking puso.

Tinitigan ko siya na para bang kami lang ang nandito. Puno ng damdamin ang pagkanta ko dahil gusto kong maramdaman niya ang sigaw ng puso ko.

Narinig kong nagrequest pa ang mga tao ng isa pang kanta pero sinabi kong kailangan ko ng umuwi.  Bumaba ako ng stage at tinungo si Patricia pero nagulat ako nang sinalubong niya ako ng halik.  Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil agad akong tumugon sa mga labi niya.  Alam kong nakakasama ito sa career ko.  Alam kong pwedeng may paparazzing kukuha ng litrato sa eksenang ’to, pero what the heck! Mahal ko ang babaeng ‘to at kung kailangan kong ipagsigawan sa buong mundo, gagawin ko.

Take me, Kaz. I am yours,” parang biglang sumabog ang puso ko sa sobrang saya ng narinig ko.  She just offered herself to me and I could not resist it.

I’m taking you home, Patricia,” saad ko saka ko siya hinila palabas ng bar.  Sisiguraduhin kong hindi siya magsisisi sa desisyon niya.  Marahil ay marami pa akong dapat ayusin para maging akin siya pero hangga’t sa sinasabi niyang akin siya, I am going to fight for what is mine.

Mabilis akong nagmaneho at dinala ko siya sa bagong bahay ko. Actually, bahay namin ito ni Vivienne.  Napagkasunduan naming dito kami titira once maisa-ere na ang pekeng kasal namin.  Kami rin ang pumili ng desenyo nito dahil gusto namin na may parting makikita kami ng paparazzi na naglalambingan upang mawala na ang pagtataka nila sa “whirlwind romance” daw naming.

Dito ko siya dinala dahil wala na akong planong ituloy ang pagkukunwari naming ni Vivienne.  Ngayon na sinabi na niyang akin siya, hindi ako mahihiyang ipagmamalaki yan sa mundo.

Agad ko siyang hinalikan ng marating namin ang isang kwarto.  Hindi ito ang master’s bedroom dahil ayoko siyang makita sa labas.  Oo, may parte kasi ng master’s bedroom na salamin lang at makikita kung ano ang ginagawa namin sa loob.  Sinadya namin ito para sa pagpapanggap namin ni Vivienne.  Dito ko siya dinala dahil may takip na kurtina ang salamin na pader nito.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now