Chapter 44 - Back In the Condo

Comenzar desde el principio
                                    

Stuart?” tumayo si Sandra nang makita ako.

Tumango lang ako at naglakad patungong terrace.  Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

Kumusta ang asawa mo?” panimula ko.

He’s good. Nagpaiwan siya sa London dahil hindi niya maiwanan ang negosyo niya,” malungkot na sagot niya.

Napansin ni Patricia na may problema ka at dahil akala niya matalik pa rin tayong kaibigan, pinakiusapan niya akong tanungin ka,” saad ko na nakatingin lang sa labas.

Narinig kong bumuntong hininga siya, ”May problema nga kami ngayon,” huminto siya sa pagsasalita na parang tinatantya ang reaksyon ko.

Hindi ako umimik para maipagpatuloy niya ang paglabas niya ng kanyang saloobin.

May sakit si Lexy, Juvenile myelomonocytic leukemia, nalaman naming ang tungkol sa sakit niya four months ago.  Sinubukan na namin ang iba’t ibang paraan para mapagaling siya pero tanging Stem Cell transplantation o Bone Marrow transplant ang pinakamabisang paraan para mapagaling siya.  Sinubukan kong magpakuha ng sample para makita kung nag-match kami pero sa kasamaang palad, hindi kami nagmatch,” malungkot na paliwanag niya.

Kaya ka ba nagpunta dito dahil gusto mong subukan kung magmamatch ba si Patricia sa anak mo?” hinarap ko siya.

Umiling siya saka biglang napaiyak.  Hindi ulit ako nagsalita at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

Kailangan ka ng anak mo, Stuart” nagulantang ako sa sinabi niya pero agad akong bumawi, ”You mean?” para kasing hindi matanggap ng sistema ko na nagkaroon ako ng anak sa kanya.

Yes,” sagot niya na napatameme naman sa akin, ”Oo, Stuart, nagbunga ang katangahan natin nung gabi ng kasal niyo ni Patricia,” humahagulhol niyang sabi.

Bakit ngayon mo lang sinabi?” hindi ko mapigilang mapatanong.

”H-hindi ko alam ang gagawin ko. You were married to my cousin and yet nagpabuntis ako sa’yo,” hindi ko napigilan ang nararamdaman kong galit. 

Pero isang taon lang yun, Sandra. Alam mong isang taon lang ang kasunduan namin. Alam mong walang bahid na pagmamahal ang kasalang yun!” Bakit hindi niya agad sinabi? Nasaktan ko na noon si Patricia dahil sa kanya at baka masaktan ko nanaman siya kapag malaman niya ang tungkol sa amin ni Sandra. Pero ang totoo, nagpasalamat na rin ako na itinago niya sa akin na nagkaanak kami dahil kung nasabi niya sa akin, hindi ko siguro malalaman ang totoo kong nararamdaman. Napalingon ako nang may narinig akong parang may nabasag.

Patricia,” tawag ni Sandra at agad na nilapitan ang pinsan pero sinalubong siya nito ng sampal.

Patricia!” agad kong pagtawag sa kanya.  Alam kong higit na ako ang may kasalanan kaya hindi dapat si Sandra ang sinampal niya.  On impulse, naiharang ko ang katawan ko kay Sandra hindi dahil sa mas mahal ko siya kung hindi dahil alam kong mabigat sa isang ina ang magkaroon ng anak na may malalang sakit.

Nakita ko ang sobrang sakit sa mga mata ni Patricia at hindi ako makagalaw dahil alam kong ako nanaman ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya.  Gusto kong sumigaw siya. Gusto kong sumbatan niya ako.  Mas mabuti pa yung saktan niya ako ng mga suntok niya kaysa makita siyang tahimik lang na tumulo ang luha sa mga mata niya.

Patricia, I-I’m sorry,” sambit ni Sandra pero ako ang mas nasasaktan nang marinig kong magsalita si Patricia, ”Ang sama–sama niyo,” mahina pero puno ng galit niyang sabi habang tumulo ang luha niya.

Yun lang ang sinabi niya pero puno ito ng sakit at galit kaya gusto ko sana siyang yakapin at humingi ng tawad, ”Pat–” hindi ko nagawang yakapin siya dahil malakas niya akong sinampal. 

Ramdam ko ang galit sa iisang sampal na yun pero kakayanin kong tanggapin lahat dahil alam kong ang gagong-gago ko talaga noon. Pero sana makita niya na hindi na ako gago ngayon.  Sana mapatawad niya ako.

Mommy!” narinig namin si Lexy na agad na tinakbo ni Sandra.  Ayoko sanang iwan si Patricia pero sa narinig kong tawag ng bata, para itong nagpumilipit sa sakit kaya mas dapat ko sigurong dalhin ito sa ospital.

We will talk later,” ang tanging nasabi ko dahil alam kong kailangan naming ayusin ang lahat sa amin.

’Please don’t give up on me, Patricia,’ sa isip ko habang pinasok ang kwartong pinaglagyan ni Lexy.

Stuart, nanghihina nanaman si Lexy. Kailangan nating dalhin siya sa ospital,” kalmado pero halatang nabagabag na pagkasaad ni Sandra.

I’ll just get my keys,” nagmadali akong tumungo sa cabinet habang kinarga naman ni Sandra si Lexy.

Wala si Patricia paglabas naming ng kwarto pero dahil nagmadali na kaming pumunta sa ospital, hindi ko na naisipang magpaalam sa kanya.  Wala akong inaksayang panahon na tinungo ang pinakamalapit na ospital.  Agad akong tumawag kay Patricia nang ipinasok na si Lexy sa emergency room pero nabigo ako dahil hindi niya tinanggap ang tawag ko.

Please hold on, Patricia,’ mariin akong napapikit, ’I don’t know how I would live if you’ll leave me.

_________________

AN: Bumaliktad baa ng mundo? Pakiramdam ko kasi lahat ng galit niyo kay Stuart napunta na kay Patricia.  Patay na talaga ako nito!!! Ang laki ng problemang nagawa ko… sana maayos ko… Wish me luck pretty people!!!

Dahil nagmadali akong mag-update para makabawi, hindi ko na ito ne-review… pambawi ko sana sa inyo dahil sa previous UD ko pero parang mali ata ang nagawa ko…. Sorry na… huhuhu… naubos energy ko dito.  Bukas o sa makalawa pa siguro ang next UD. Peace?

Okay… I admit. Semplang nanaman ako dito. Please forgive me TT_TT …sana magiging okay na next UD ko… hindi ko tuloy nasimulan ang THE WOMAN HE BROKE… sa sabado ko na lang ipost ang Prologue nun… baka kasi lalo kayong mainis eh…

By the way... HAPPY 1 MILLION READS ^_^

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora