Teach Of Love: CHAPTER 23

82 5 0
                                    

Claire's POV

"Bye Alliece!! Ingat ha!!" Sigaw ko habang naglalakad palayo si Alliece. Kumaway naman ito. Hinapit ni Gian ang baywang ko at sumandal ako sa balikat niya.

"So.. anong gagawin natin?" Ngumiti si Gian at unti-unti akong hinalikan.

"Sandali ligpitin ko lang 'to tas punta na tayo kay mama." Sabi ko habang yumuko para kunin ang mga pinagkainang plato at mga baso at saka pumunta sa kusina sa bahay ni Gian. Hinugasan ko na rin ito para wala nang huhugasan si Gian.

"Hindi mo na kailangang gawin 'yan.. let me do that-"

"Gian, ako na.. don't worry kaya ko naman." Pinipigilan parin niya ako pero hindi ako magpapapigil.

Nag buntong-hiniga ako "I insist." At binigyan ng malapad na ngiti.

"Are you sur-"

"Oo.." mabilis kong pagtugon.

"I'll just be in my room. Magpapalit lang ako." Tumango ako bilang pag sang-ayon.

Habang hinuhugasan ang ilang plato, tumunog ang cellphone sa tabi ko at nakita ang notification.

Si Tatay.. may text siya sa'kin.

At dahil nga hinuhugasan ko itong mga pinggan, tinawagan ko si Tatay para doon na lang kausapin.

"Tumawag ka pa nak, nasa school ka pa ba?" Sagot ni Tatay sa kabilang linya.

"Ah, Tay, wala na.. nakila Gian ako. May ginagawa lang, pero pauwi na po."

"Ah ganon ba? Sige, yayain mo na rin siya mamaya dito sa'tin maghapunan."

"Himala Tay ah.. sige Tay, sasabihan ko na lang siya." Nagpaalam na si Tatay para tapusin na ang tawag.

Simula nung nasa ospital ako, nalaman nila na magkasintahan na kami ni Gian. Hindi ko muna sinabi sa kanila dahil once na sinabi ko na may boyfriend na ako, for sure lagi nila akong kakantyawan. At ayoko ng ganun. 

"Are you done there?" Si Gian.

"Oo.." Nagtuyo ako ng kamay saka pumunta sa livingroom.

"Si.. Daddy nga pala, doon na ka daw mag dinner samin." Ngiti lang ang sagot nito sakin.

Bigla ako nito hinalikan sa ulo.. "Okay.." At napangiti ako.

"Tara?" Pagyayaya ko. 

"Ate!!" Sigaw sakin ni Pat.

"Kung maka sigaw ka parang hindi tayo nagkita kanina!" Niyakap niya ako.

"Oh, nandito na pala kayo.. tara na." Si mama.

Umupo kami nila mama, Pat, Gian at ako sa dining area para hintayin ang pagkain. Nakakaramdam ako ng kaba ngayon dahil ngayong gabi ko na mismo sasabihin sa kanila na ikakasal na ako. Tumingin ako kay Gian mukhang alam din niya ang nararamdaman ko ngyon kaya matapos na magkatinginan kami ay hinawakan niya ang kamay ko. Buti na lang nasa kusina sila Mama at Tatay at nag aayos ng ihahandang pagkain. 

"Respeto naman sa kaibigan niyong single aba.." Bulong ni Pat. Napa tawa kami ng mahina.

Napatingin ako sa kaliwa kong kamay.. kumikinang ang suot-suot kong singsing. Nakatago ang kaliwa kong kamay dahil baka mapansin ng pamilya ko.. masisira ang plano ko. Matapos lahat ng mga problemang hinarap ko.. namin pati, eto ang isinukli at reward sa'kin ng Diyos. 

"Eto na Gian oh, sana magustuhan mo." Si mama.

"Masaraap 'yan Tita, for sure!" Si Gian. Kilig na kilig naman si mama. Mas magugustuhan pa ni mama na masabihan siya na masarap ng mga luto niya kaysa sa maganda siya. Well for me, parehas niya nakuha 'yun.  Nag mana  ako sa kaaniya eh!

Teach Of Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon