Teach Of Love: CHAPTER 9

86 8 8
                                    


Claire's POV

"JUSTIN! ANO BA?!" Sinusundan ko ito sa likod ng canteen. Iskandalo ang ginawa niya! Maaari kaming mapatawag sa head office kung makakarating 'to sa School Principal!

"Justin! Sagutin mo ng ako?! Bakit mo sinabi yun? Ha?!" Hindi ito makatingim sakin at patuloy ang hingal niya.

"Justin, iskandalo yung ginawa mo! Ang malala pa, sinabi mo pang gusto mo ako sa harap ni Gian at Alliece! Pati rin sa mga teachers na nandon! Hindi ka ba nahiya sa ginawa mo?-"

"Hindi. Kasi bakit sobrang tanga mo na hindi mo alam na gusto kita?! HA?! Lahat binibigay ko sayo! Di mo pa alam?"

"Sinabi ko bang bilhan mo ako? Kinukusaan mo ako a? Hindi ko naman sinabing bilhin mo yung mga gusto ko kasi kaya ko naman!"

"Justin, ano bang pinagsasasabi mo may Claire? Madadamay si Claire sa ginawa mo." Hinablot ni Gian ang braso ko. Nagulat akong nandoon pala siya.

"Justin. Once na madamay si Claire sa ginawa mo. Hinding-hindi mo na malalapitan si Claire." Sinenyasan ako ni Gian na umalis. At alam kong sumunod din ito. Pano na lang kung makarating yung sinabi ni Justin sa principal? Alam na alam namang hindi pwede ang nga ganun dito sa loob ng school.

"Claire. Okay ka lang?" Huminga ako ng malalim. At tumango. Mas mabuti pang puntahan ko muna si Alliece para bumalik sa classroom.
.

.

"Maamsh may gusto pala sayo si Justin?" Kanina pa kami dito ni Alliece sa library. Tapos na yung klase namin kaya napagdesisyunan naming pumunta sa library. Tutal kaming dalawa lang naman ang nandito.

"Maamsh, natatakot nga ako baka makarating sa head yung sinabi niya."

"Ano ka ba! Di naman siguro!"

"Pero iba rin ha! Pinagaagawan! Mala Meteor Garden ang dating ha!"

"Tumigil ka nga jan!"

"Pero sinong pipiliin mo?"

"Ha?"

"Yung mahal mo o mahal ka?"

Napatigil ako sa pagbabasa ng libro na hawak ko. Sino nga ba? H-hindi. . . Ano ba CLAIRE?!

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Isang tanong, isang sagot! HAHAHA."

"Bakit, hindi ba ako mahal ni Gian?"

"So mahal mo?"

"Alliece."

"Tsk tsk Claire. Mamili ka!"

"Si-si-"

"Maam Claire, pinapatawag ka daw sa head." ETO NA BA YUN?! MAY NAKAPAG SUMBONG BA? PAANO NA TO?!

"A-ah, sige, sige.. pupunta na ako." Sinenyasan ko na lang si Alliece na pupunta ako.

Paglabas ko ng library ay nandoon si Gian nakasandal sa dingding.

"Anong ginagawa mo dito Gian?"

"Iniintay ka."

"Sa office ka rin?" Tumango ito.

"Tungkol saan ba?"

"Claire." Bigla niya akong hinatak at napasandal ako sa kanya.

"Usap tayo sa amin.. sa rooftop pagkatapos nito."

•••°°°•••

"Claire, may sasabihin ako." Hinapit nito ang baywang ko palapit sa kaniya.

"Ano yun?"

"Ako o si Justin?"

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Sagutin mo yung tanong ko. ."

"Syempre ikaw!" Sigaw ko at natulak ko si Gian dahil sobrang lapit nito sakin.

"Bat mo ako tinulak?"

"S-sorry. . Ang lapit mo kasi sakin.."

"Claire." Napalingon ako dito. Dahil parehas kaming nakatanaw sa labas.. gaya ng dati, nasa rooftop kami.

"Wala ka bang natatandaan.?"

"Ha?"

"Alin naman?"

"Monthsary natin ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. M-MONTHSARY?

"Monthsary?" Taka kong sabi.

"Hindi pa ba tayo?"

"T-tayo?"

"Claire."

"Kailan ka ba nagpropose sakin para maging boyfriend kita?"
Nakita kong tumamlay ang mga mata nito. B-boyfriend?

"Oo Gian, gusto kita pero. ."

"What?!"

"A-ano..."

"Kayo na ba ni Justin?"

"HINDI GIAN!"

"GIAN MAHAL KITA PERO HINDI KO PA KAYANG PUMASOK SA ISANG RELASYON!"

"CLAIRE! ANG TAGAL KITANG HININTAY?! HINDI MO BA ALAM YUN?!"

"Hinintay?"

"HINDI MO LANG ALAM!"

"SANA SINABI MO! PARA SANA NGAYON HANDA NA AKO!"

"SO YOU ARE BLAMING ME?"
Tinulak ako nito sa dingding. Biglang sumakit ang likod ko kaya napayuko ako.

"A-aray.." pag inda ko.

"Claire." Ramdam kong lumapit ito para alalayan ako.

"Gian... Ang sakit.. ahhh" hinimas nito ang likod ko ng paulit-ulit.

"Sorry claire sorry.." niyakap ako nito pero di ko niyakap ito pabalik.

"Gian, gusto ko ng umuwi. ."

Inalalayan ako nito at pinunasan ko ang luha ko.

"Claire san—" tinalikuran ko ito at pumunta sa baba. Alam kong sinusundan ako nito.


"Tinatanggap ko na yung. ."




"Yung sorry mo sa'kin."

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now