Teach Of Love: CHAPTER 17

95 7 0
                                    


"Kaya 'mong ipaglaban siya hindi dahil sa maganda siya, kundi dahil mahal mo siya."

Bigla na lang may sumagot sa gilid ng classroom namin.

Boses ni Gian..

Pero wala naman? Ganito na ba ang epekto ng puyat ko sa pag gawa ng report?

"Maamsh, pinapatawag ka ni Maam Kath. Tapos na siya sa meeting."

"Ah— sige sige. Class, diyan muna kayo. Alliece.." Tinanguan ko ito at saka lumabas ng classroom.


"Hi ma, how are you?" Pangungumusta ni daddy at hinalikan si lola.

"I'm good.. we're good." Well, good for them..

"Sila na ba ang mga anak mo? Ang lalaki na.." lola looked at us. The two of us..

"Ma, good evening po." Si mama.

"Mano po la.." Ako na ang umuna mag mano.

"How's your job in the hospital?" Napatigil ako na may pagtataka.

"La, I'm a teacher po.." at nagulat ito.

Alam nila lola na medicine ang kukuhanin ko.
Supposed to be doctor kasi ako at medicine ang kukuhanin kong course pero dahil nga kapos kami sa pera noong college.

Kaya education ang kinuha ko.

"La, ako po yung nagmemedicine course." Sumingit si pat.. buti na lang..

"Oh hija, glad to hear.. kumusta ang studies?"

"Everything is good po la.." ngumiti si pat pero feeling ko pilit lang ito.

"Hi tito." Lumingon kami at si Kelly iyon.

At naka ngiti pa ito.

"Sorry I'm late sa dinner. La, hi.."

"Hi sweetie.."

Parehas kami ni Pat na nagtinginan na para bang may sinasabi sa isa't isa.

"Ate Claire." May tumawag ulit sa likod ko.

"How are you?" Ang kapatid ni Kelly...

Si Keira. Mas bata siya kaysa sakin at kaedad ni Pat. 19 years old.

Medyo gumaan ang loob ko dahil 'medyo' ka-close ko ito.

"I'm okay.. Keira." Sagot ko—

"Keira! Sit here! Beside me." Si Kelly.

Lahat kami umupo sa dining chair.

"You look stunning today Pat." Pag puri ni Keira.

"Ate Claire, can we talk later? Sa school ko lang need." Biglang bumaling ng tingin si Kelly at si Lola.

"Okay.. sige."

"By the way Claire, hija.. how's your students?"

"They're studying well po. Their grades are good."

"Do you have a boyfriend Hija?"

Napalunok ako sa sinabi ni Lola..

"Wala po.."

Pero kinabahan ako sa sabat ni Kelly.

"She's flirting with my bestfriend GIAN." 

"Kelly, bakit kailangan mo akong ipahiya sa ginawa mo?"

"Well Claire, una sa lahat ikaw naman ang lapit ng lapit! Damn bitch ang landi mo!" Iritang bulyaw ni Kelly.

Parehas kaming nagbabangayan sa likurang garden sa bahay ni Lola. Sumosobra na talaga!

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now