Teach Of Love: CHAPTER 7

108 10 0
                                    


Justin's POV

"Maam Claire!"

"Oh Sir, bakit?"

"Tara, canteen? Breaktime na ah.."

"Ay.. nako Justin, may kino-compute pa akong quiz eh.. hindi ako makakasabay.."

"Sige Maam Claire, pero teka lang-" tumakbo ako palabas at pumuntang canteen. Bumili ako ng pagkain at isinama ko na pagbili ang pagkain ni Claire.. tutal di naman makakasama si Claire kaya ako na lang ang bumili.

Bumalik ulit ako sa classroom ni Claire para iabot ang pagkain.

"Claire"

"Luh binilhan pa talaga ako ha! Salamat. . ."

"Sige, basta ikaw! Una na ako ha." Tinanguan ako ni Claire at lumabas ng classroom..

Claire's POV

Nag abala pa si Justin sakin.. pwede naman akong di kumain ngayon eh.. pero gutom na naman ako kaya kakainin ko na 'to.

"Maam.." pagtawag sakin ng estudyante ko.

"Yes nak? May problema ba?"

"Maam, pinabibigay daw po ni Sir. Gian sayo. 'Yan na daw po mga exam namin sa science." Iniabot sakin ng estudyante ang patong patong na test paper.

"Sige sige, salamat." Tumango ang estudyante ko at tumakbo palabas ng room.

Tinignan ko ang mga test paper na may mga grades na I rerecord ko kasi to sa card ng advisory class ko. Pero may nakita akong isang maliit na envelope na naka patong sa mga test papers.

"Sa library, mamaya. 5:00" Nakasulat sa papel.

"Claire."

"Ay pu—" bigla akong nagising at nauntog sa desk.

"Bakit naman!!" Hinawakan ko ang ulo ko sa sakit dahil nauntog.

Nilapitan ako ni Gian at hinimas ang ulo ko.

"Sorry." Inabutan ako nito ng libro.

"Sorry din.. inaantok na ako eh.. pagod." Tinabihan ako ni Gian at muli kong itinuob ang ulo ko.

Naramdaman kong dahan dahan hinahawi ni Gian ang mahaba kong buhok at nawala ang antok ko.

"Tara na." Tumayo ito at di man lang ako inintay kaya nag madali akong kuhanin ang shoulder bag ko at umalis rin sa library.

"Hoy Gian!!" Palinga-linga ako at di ko makita si Gian kung saan.

Hahakbang na sana ako kaso may tumakip sa mata ko.

"Pakawalan mo nga ako!" Sigaw ko habang nagpupumiglas.

"HAHAHAHA" narinig kong tawa ng isang lalaki.. at tinanggal niya ang pagkakapiring ng kamay niya sa mata ko.

"Gian bakit ka ba-

"Justin?!"

"HAHAHA bat ka ba kasi sigaw ng sigaw"

"Hinahanap ko si Gian."

"Sige Justin, una na ako.. " nagpatuloy na akong maglakad palayo at nakita ko si Gian sa may malpit sa washroom na nakatingin sakin.

"Tara?" Sabi ko. Tumingin si Gian sa likod at ngumiti.

***


Claire's POV

"Oy mamsh kaya mo na ba yan?" napatigil ako sa pag bubuhat ng sumingit sa tabi ko si Alliece.

Pawis pawis rin ang noo nya at hinihingal na rin katulad ko, sabado ngayon at nag aayos kami ng mga libro na ginamit ng mga estudyante kahapon.

"Oo maamsh keribels ko na to!"

"Sure ka ah. Tulungan ko muna si Maam Andi dun sa kabila" sabi nya at mabilis na tumakbo palayo.

Napa iling na lang ako at tinuloy ang ginagawa ko. Marami-raming libro ang kailangan kong pag hiwa-hiwalayin. Plus, bubuhatin ko pa lahat mag isa.

"Do you need help?"

"AY!"
Nagulat ako ng may kamay na humarang sa harap ko.

Mahinang tumawa si Gian at nilahad ang kamay nya.

"Mukhang mag bubuhat ka na. Can I help?" he asked. He looked so calm, na para bang wala lang sa kanya ang alok nya. Pero heto ako at mamamatay na sa kilig!

Si Gian? Tutulungan ako? Oh my God Claire! Huwag kang maharot! Tutulong lang siya!

"M-Mabigat ang mga to baka hindi mo kaya-"

"Nah." He cut me off. Mabilis nyang kinuha ang mga librong patong patong sa lamesa at binuhat iyon.

Naalarma ako ng makita kong tumalikod na siya at nag simulang mag lakad.

"T-Teka!" mabilis rin akong kumuha ng libro at sumabay sa kanya ng lakad.

Lakad takbo ang ginagawa ko dahil sa haba ng mga binti nya. Ang hirap sumabay sa mataas!

Nahihiya rin ako dahil nga katabi ko siya, amoy na amoy ko ang natural nyang pang lalaking amoy. Ang bango bango kahit pawisan. Eh ako? Parang bagong ligo.. bagong ligo sa pawis!

Nakatungo lang ako habang nag lalakad papunta sa advisory room ko, tahimik kami at walang gustong bumasag ng katahimikan..

"Do you have plans for tomorrow?"

Napa angat ako ng tingin ng maramdaman ko ang titig nya.

"Ha?"

"Plans. May gagawin ka ba bukas?"

"W-Wala naman.." bakit nya ko tinatanong? Aayain ba nya ko mag date? Char!

Tumigil siya sa pag lalakad kaya napatigil rin ako. Tumingin siya sakin kaya napatitig rin ako sa kanya..

Ano itong nararamdaman ko? Ang weird dahil tinitingnan ako ni Gian ngayon. Ang saya rin dahil pinapansin nya ako. Jusko po! Anong himala ang nangyari?

"Can, I, uhm, ask you out?" he smiled.

"O-out? Date? ganon?"

He smirked.. TEKA ANO S-SINABI KO?! DATE?!

"Bukas.. I'll message you."

"A- Gian!"
Napalingon siya bago pumasok sa room namin.

"Amina na yan! Pahinga ka na."
Kukuhanin ko na sana ang dala dala niyang libro pero hinawakan niya ang kamay ko dahil sa pagpigil nito na kuhanin ang libro.

At ngumisi ulit ito. At umiling.. at nagpatuloy pumasok sa classroom.

Inilapag namin ang librong buhat buhat namin sa desk ko. Labis ang hingal ko at bigla akong natumba.

"Claire!" Narinig kong sigaw ni Gian.

Gian's POV

"Sir. Gian, mauna na po kami.." tumango na lang ako at lumabas na ang ibang teachers na nasa room ni Claire. Kasama namin si Alliece at kaming tatlo na lang ang natitira dito.

Pinapaypayan ni Alliece si Claire at biglang may narinig kaming nag ring sa isang telepono.

Kinapa ko sa bulsa ko ang telepono ko at tinignan at hin-

"Sir! Sakin pala hehe. Si Maam Llamoso, Wait lang-" bigla itong lumabas at sinagot ang tawag.

Ako na ang nagpatuloy sa pagpaypay kay Claire... Sa pagod nito ay nahimatay.

Umingit si Claire at tila gumalaw ito at napatitig ako sa kanya.. unti unti siyang nagmulat.

"Gian?"

"Huy..."

"Claire."

Teach Of Love ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora