Teach Of Love: CHAPTER 6

95 12 3
                                    


Claire's POV


Arghhhh ang gulo gulo na ng isip ko!!!! Sign ba yun? Or assuming lang ako? CLAIREEEE umayos ka! Itinuob ko ang sarili ko sa kumot at kanina pa ko dito nagooverthink sa sinabi ni Gian. OO ISANG LINGGO KO NA TO INIISIP. Minsan concern sakin si Gian tas bigla na lang di mamamansin. Ano ba talaga?? Saturday ngayon.. wala akong plano kundi magkulong dito sa kwarto ko. Claire hindi ka parin ba nagbabago? Teacher ka na pero asta highschool ka parin? Isshh

Humiga na lang ulit ako at tinawagan si Alliece

"Oh?"

"Alliece.."

"Ano nga?!"

"Galit ka galit?"

"Ano nga? Saka oo galit ako! Binulabog moko. Tulog na tulog ako e!"

"Hehe sorry!"

"Wala ba tayong gagawin or I che-check man lang?"

"Wala naman? Teka sabi mo kahapon ayaw mo ng gagawain at magpapahinga ka? Anong nakain mo teh?"

"Alliece kasii ayaw talaga kasi mawala sa isip ko yung sinabi ni Gian last week!!"

"AH HAHAHA overthinking ha? O asyumera ka lang? Alam mo sis, tanungin mo kaya si Gian! Nang matauhan ka, ay este malinawan."

"Ee Alliece naman!! Nakakahiya noh!"

"O edi mag tiis ka jan kaka overthink! Tch."

"Osige ha Claire, baba ko na 'to inaantok pa ako!"

"Teka Alliece s-

"BYE!"

BINABA TALAGA NIYA!! PANO NA YAN! ARGHHH

*Tok tok

"Claire! Gising ka na ba?"
Si mama..

"Ah opo ma!"sigaw ko dahil hindi naman niya binuksan ang pinto.

"Halika na labas ka na jan, kumain ka na." Wala na akong magagawa.. bumangon na ako at nag toothbrush at lumabas ng kwarto.


Alliece's POV

"Ay Alliece, halika pasok ka!" Nandito ako sa harap ng bahay ni Claire, gusto ko itong kausapin..

"Thank you tita!" Kilala ako ng nanay ni claire. Kaya hindi na ako naiilang pag nakikipag usap sa nanay ni Claire. At sa totoo lang.. napaka entertaining niya pag may bisita.

Pumasok ako at iginala ang tingin sa bahay.. nakita ko sa bandang sulok ang graduation picture ni Claire at ang mga medals niya..

"Puntahan mo na lang si Claire sa kwarto niya.. ay teka Alliece, kumain ka na ba? May pagkain dito.."

"Ay Tita kakakain lang po.. puntahan ko na lang po si Claire." Tinanguan ako ni Tita at pumunta sa kwarto ni Claire.

"ALLIECE?!"

"HAHAHAHAHA SURPRISE MADERPADER!" Pumasok ako at isinara ang pinto.

"Hoy akala ko ba matutulog ka buong araw ha?"

"Saka ano yang hawak mo ha?" Dugtong ni Claire.

"O satin. Milktea." Ipinakita ko ang isang brown na paper bag na naglalaman ng dalawang milktea.

"Chalamat!" Inagaw ni Claire sakin ang hawak ko.

"Bat ka nga pala napunta dito?"

"Wala, di ba pwedeng dumalaw?"

"Weh. . Tsk! Imposible huh!" Naupo kami sa carpet sa baba ng kama ni Claire at doon uminom at nag indian seat.

"Eh bakit nga kasi sinabi ni Gian yun?"

"AY HAYUN!.. NAKO ALLIECE TSK TSK."

Marami pa kaming napagkwentuhan.. as in sobrang dami..


***

Claire's POV


Naka isang buwan nang paikot-ikot ang nangyayari..
Gising-klase-kain-tulog. Isang buwan na ring Iba ang kilos ni Gian sakin..

"Claire." Tawag sakin ni Gian at nagitla ako dahil kanina pa ako nakatingin sa sunset sa rooftop ng bahay nila.

"Ah, Gian?" Nakatingin lang ito sakin..

"Tumabi ka jan. Naaarawan ka." Tinulak ako nito papalayo sa may sinag ng araw.

"Ano naman kung naaarawan ako?" Taka ko ditong tanong. Kami lang ang nandito, walang nakakakita samin. Mahangin din ngayon.

"Nasisilaw ako."

"Gian?" Ngumiti ito sakin.

Biglang lumamig ang hangin at ikiniskis ko ang kamay ko sa braso ko. Bigla akong hinila ni Gian sa kanya at niyakap. Naramdaman ko ang init naming dalawa dahil sa yakap. Kinakabahan ako na ewan pero feel na feel ko na parang pag kayakap ko siya, nawawala ang pagod ko.

Wala na akong masabi pa..


"Claire.."

"Bakit?"

"Late na.. uwi na."

"Ah. Sige.."

"Bye.. Gian." Naglakad ako paalis sa kanila.



MATAGAL NA KITANG GUSTO PERO BAKIT HINDI MO PA ALAM!

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now