Teach Of Love: CHAPTER 12

106 10 6
                                    


Claire's POV

"Kain na.." binigyan ako ni Gian ng barbeque at ng juice.

"Salamat.."

Campfire under the stars with the calming ambience of the sea.

"Malalim yata iniisip mo ha?"

"Ah... Wala. Pinagmamasdan ko lang yung dagat. Thank you nga pala sa pa-campfire dito ha.."

"Well, alam kong magugustuhan mo 'to kaya ito naisip kong gawin. By the way, masarap yung timpla ng barbque mo."

"Thank you." Napatungo ako at natawa.

"Ay! Yung charger ko nga pala!" Bigla ko kasi naalala. Pa-lowbat na ako.

"Don't worry about it.." inabot saakin ni Gian ang extrang charger na dala nito.

"Bukas, let's have some fun." Singit nito.

"KKB ba?"

"Chos, libre kita.." natawa si Gian.

"May naaalala ka ba dito?" Tanong sakin ni Gian.

"A-anong naaalala?"

"Nung team building dito?"

"Ay dito ba yun?" Napalingon ako sa likod na para bang pinagmamasdan ang paligid.

"Ah, oo... Dito nga. Nakakamiss maging estudyante noh?"

"Sinabi mo pa." Natawa si Gian sa sinabi niya.

"Yung tipong assignment pa lang pinoproblema natin.."

"Oo hahahaha."

"Tapos pag deadline na, saka nagmamadali gawin projects."

"Yung inuutusan tayo mag dala ng test papers sa room ng advisers ngayon, tayo na yung naguutos."

"Kasi tayo na yung nag che-check." Sabay naming bigkas.

"Bili lang ako ng soju."

"Malalasing ka niyan."

"It's okay."

"Sure?"

"Yes.."

"I'll be watching you." Tumango na lang ako sa pag sang-ayon.

"Ok."

Bumili ako ng isang bote ng soju. Alam kong nakakalasing ito pero gusto ko lang malimutan lahat ng nararamdaman at iniisip ko. Kahit anong libang ko sa sarili ko, naiisip at naiisip ko parin
.

.
Nakakakalahati pa lang ako ng inom, nahihilo na ako. Dumiresto ako sa buhangin ng dagat para umupo. At nag buntong hininga.

I didn't expect na mangyayari 'to. Ang pakay ko lang naman ay mag relax. Ng mag isa. Pero wala na akong magagawa, pero okay na rin kasi alam kong safe ako.

Pag kasama siya.

"Talaga ba?" Tanong ko sa sarili ko.

Bakit ko pa tatanungin sarili ko kung safe ba ako sa kanya? Ano ko ba siya? Ish.

Yung tunog at amoy ng agos ng tubig sa dagat. Sobrang nakakarelax.

Pero Sa dami ng iniisip ko, parang gusto ko na lang makalimot. Pero hindi pwede. May pamilya ako. Na nag aantay sakin. Na umaasa rin sakin.

Breathe in, breathe out..

everytime na worried ako o iba ang pakiramdam ko, ganyan ang ginagawa ko. Kahit pag galit ako, that helps me in my emotional issues.

Teach Of Love ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя