Teach Of Love: CHAPTER 5

104 9 0
                                    


Claire's POV

"Class, for this activity... Mag gagawa kayo ng skit tungkol sa pag prepare at pag present ng isang dish. Kailangan dito ang skill ng Plating for presenting. I will give you 30 minutes to plan, alam nyo na naman ang respective groups ninyo. Okay, class begin." Nagsitayuan sila sa kani-kanilang upuan at pumunta sa mga ka grupo nila. At ako, pinagmamasdan ko sila.. mukhang ayos naman..

Nakaramdam ako ng pagpunta sa cr. Naglakad ako papunta sa gilid ng grade 8 building dahil nandoon ang cr ng bawat section.

Pumasok ako at umihi.. matapos kong buhusan ng tubig ang toilet bowl, ay binuksan ko pero hindi ko ito mabuksan.

Pinuwersa ko ito ng bukas pero ayaw parin.. muli ko itong binuksan ng may pwersa at nabuksan ito. Pero sa lakas ng pwersa, natumba ako palabas pero may sumalo sakin.

"Ay sorry!" Sambit ko matapos akong masalo. At dali-daling tumayo.

"Ayos ka lang?"

"Ah, hehe Thank You.. oo okay lang. Justin." Oo, si Justin ang nakasalo sakin.

"Bat ka naandito? Diba sa senior high klase mo?"

"Ah, pinatawag lang ako dun sa taas." Tinuro niya ang second floor na panay Junior High rin ang section.

"Narinig ko kasi yung pinto parang mayna lock-an tutulungan ko sana kaso bumukas tas nasalo kita."

"Ay hehe salamat justin! Sige may klase pa ako." Tinapik ako nito sa balikat at umakyat papunta sa second floor ng JHS building. Habang ako naglalakad papunta sa room namin.

***


"So maamsh buti nakalabas ka pa ng buhay don!"

"Grabe naman sa buti nakalabas pa ng buhay dun sa cr maamsh! HAHA." Kinwento ko kasi kay Alliece yung nangyari kanina. Pero ang daming tanong!

"Eh dati nakapag cr na ako sa inyo kuluom ang amoy noh!"

"Eh syempre maamsh public toilet yun.. kahit ako nililinis ko yun di parin sapat!"

"Akala mo naman mabango cr nyo tsk Alliece."

"Mabango talaga! Iniisprayan ko pa nun ng glade noh! Tch."

"Ehehe Yaman mo! Ano yon pabanguhan ng cr tas yung pinaka mabango na halos mahilo na sa amoy mga estudyante mo, mananalo ng floorwax at chalk? HA MAAM ALLIECE?" Tinaasan ko ito ng kilay. Hindi naman ako sumigaw.. relax goiz HAHA charot.

"Eh! Wala ka lang air freshener! Gusto mo bigyan kita?" TSK AWAY GURO NA TO HAHAHA.

"Pasabay nga jan!" Singit ni Justin. Umupo ito sa bakanteng upuan. At katabi ko.

"Gian!" Napalingon si Gian sa akin pero wala itong emosyon.

Tinaas lang nito ang kilay niya.

"Dito ka na umupo." Binigyan ko ito ng space.. long bench kasi ang mga upuan dito sa canteen.

Umiwas ng tingin sakin si Gian at nilampasan ako nito. Sabi na e di to papayag.

Pinagpatuloy kong kumain kasama ni Alliece at Justin.

"Tabi." Bigla akong napalingon sa biglang umimik sa likod ko. Nakatingin sakin si Gian..
Binigyan ko ito ng space para makaupo.

Teach Of Love ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum