Teach Of Love: CHAPTER 18

84 6 4
                                    


Gian's POV

"You see? Kelly ayoko ng gulo. I'm not following what you command! Kung may problema kayo sa isa't isa wag niyo na akong idamay."

"I need this Gian I need this! Masama na kung masama I just wanted to stay away to her because she's bad for you!"

Buntong hiniga na lang ang nagawa ko. She's going crazy on doing revenge kahit hindi naman siya ginugulo o sinasaktan. I don't know to this girl, hindi ko na nga alam kung bestfriend pa ba ang turing ko sakanya she's going to be a psychopath!

"Ginugulo ka ba niya? Diba hindi? Diba mas pinili niyang tanggapin yung mga sinasabi mo sakanya instead of defending herself? I know everything Kelly."

"Ah so Claire is tattling on you pala. Napaka sumbungera naman!"

"Alam mo Kelly, wala namang kwenta 'yang mga pinaguuusap mo! I'm ending this nonsense call. Nag gagawa ako ng lesson plan!" Kungkinakailangan, sisigawan ko talaga 'tong babaeng 'to. She never grows. Mas yumabang siya kaysa noon.

I sighed.. may binabalak si Kelly kay Claire and I won't let that happen.

I dialed Claire's number para tawagan.

"Oh bakit?" Sagot niya.

"Are you busy? I have something to tell.. dito sa amin."

"May pupuntahan ako."

"Saan?"

"Sa reunion. Father's side." Bigla akong napaayos ng upo sa swivel chair ko sa kwarto. For sure magkikita nanaman sila ni Kelly doon! Samahan ko ba siya? Malamang guguluhin ni Kelly si Claire.

"Ano? Bat di ka na nakaimik?"

"Sasamahan kita."

"Kaya ko na.. kung inaalala mo ako na baka awayin ako ni Kelly, wag ka nang magalala. Kaya ko lumaban."

"N-nasaan ka na ba?"

"Nasa biyahe, kasama si Pat."

"Kasama mo ba mga magulang mo?"

"Ano ba? Bakit ka ba aligaga?"

"Bakit?"

"BUHAY MO NAKASALALAY DITO CLAIRE!!"

Claire's POV

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig. Tulog si Pat katabi ko hindi ko na ito masasabi. Kaya ba talaga ni Kelly pumatay ng tao? At mismong kamag-anak pa niya. Hindi ko alam kung paano o anong peligro ang gagawin nito pero ihahanda ko na ang sarili ko. Kung gusto man niya akong ipahamak.. sige para sa ikatatahimik niya pero sana wag na siyang mandamay ng iba. Ang mabuti at dapat na gawin ko lamang ngayon ay maging alerto at iligtas ang sarili at ang pamilya ko hanggat maaari. Alam kong may galit sakin si Kelly.. matagal na kahit hindi ko alam ang rason.

Medyo malayo-layo sa bayan namin ang lugar ng pagdadausan ng reunion. Kailangan kong isipin kung anong posibleng mangyari.

Namalayan kong may nagri-ring sa cellphone na hawak ko.

Unknown number.

"Keep your eyes alert wag tatanga-tanga."

At saka nito binaba ang tawag.

Inexpect ko na si kelly ito pero nabigo ako. Hindi nito boses pero boses babae rin ito.

Oo takot na takot ako, pero bilang ate, kailangan kong tapangan. Hindi ko hahyaan na mapahamak sila Pat saka si Mama at Daddy.

Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Yung magpatayan para wala nang gulo? Hindi ba puwedeng makipag ayos?

"Ate, okay ka lang?" Bigla akong napalingon sa tabi ko.

"Pat. ." Niyakap ako nito at hinimas ko ang ulo nito.

"Pat.. kung may mangyari man sakin mamaya... Tapangan mo ha, ingatan mo sarili mo. Alagaan mo sila mama at daddy please."

"Ate bakit ka ba ganyan? May nagtatangka ba sayo?" Bigla na lang akong napaluha habang tinitignan si Pat sa kanyang mata.

"Si Kelly—"

"Ate si Ate Kelly nanaman? Ate pwede naman tayong hindi na tumuloy pumunta don? Bakit kailangan mo pang isugal sarili mo para doon?"

"Pat, hindi natin alam kung anong paraan o balak niya. Kung kinakailangan... Para sa ikatatahimik niya. Ayoko na kayong madamay."

"Ate hindi mo naman kailangan gawin yun. Hindi ko kakayanin ate na mawalan ng ate." May kumawalang luha rin sa kanyang mata habang niyayakap ako.

"Welcome everyone to Hernandez clan reunion. Kindly register your name before you walk in the entrance." Sabi ng isang host. Magarbo dito dahil ang angkan namin ay mayayaman pero mas pinili naming wag na ito ipakita.

Nagkunwari akong nakayuko par mag mukhang nagsisign in dahil wala namang tao sa lamesa. Ganun na lang din ang ginawa ni Pat.

May assigned seat na kami kaya doon kami umupo. Kasama pala namin sila lola at s-sila... Kelly.

Ramdam sakin ang takot pero mas pinagtibayan ko ang loob ko.

Kaming dalawa lang ni Pat ang naunang pumunta dahil may kailangan lang ayusin sila mama at daddy ng biglaan. Kaya no choice.

"Oh anak.. kumusta?" Bigla akong nagulat nang may humawak sa braso ko. Sila mama lang pala.

"Kadarating lang namin ma.." at saka ako ngumiti.

"Hi Tita!! Hi Tito!!" Mas natakot ako nang nakita ko si Kelly na bumeso kila mama at daddy.

"Ate.. magiingat ka." Bulong sakin ni Pat.. at ngiti na lang ang isinagot ko.

"Hi. . . Claire." Tinignan ako ni Kelly. Malalim ang tingin nito. Alam kong sa isip niya, pinapatay na ako nito.

Ngumiti ako dito. Deep inside nanginginig ako.

"Hey, love.. I'm here. Sorry I'm late." Biglang may hunalik sa pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa mismong harap ko si Gian. Laking gulat ni Kelly ang ginawa ni Gian sakin pero hindi man lang nagreact ng kakaiba sila mama at daddy. At tila kalmado pa ito.

Alam ba nitong k—

"I'll seat beside you.." bumulong pa ito sa tenga ko at para akong nakuryente sa pagkakabulong niya.

"Don't be scared I'm—"

"Good evening everyone the partt is about to start, before we start, let me introduce myself. I'm Ton, your host, for this night. Enjoy the party" marami pa itong sinasabi ngunit di na ako nakinig.

Ton??

Ang lahat ay nag toast para sa panimula ng piging at saka nagsimula tumugtog ang live band sa stage.

Hinawakan ni Gian ang kamay ko at inaaya ako nito kung saan.

"Saan ba tayo pupunta?" Lumalakad kami papunta sa.. cr?

Pumunta rin dito sa hallway ng cr yung host at nakita ko ang name plate niya sa suit niya.

"Ton? Toniks? Ikaw ba yan?" Pagtawag ni Gian. Napalingon naman ang host na tinawag niya. Nagulat naman ito at biglang lumapit kay Gian.

"Kuya.." umiiyak si Gian habang yumakap naman ang Ton.

M-mag kapatid sila??

Bakit hindi nito sinabi na may kapatid pala ito?

"Claire!"

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now