Teach Of Love: CHAPTER 4

130 10 9
                                    


Claire's POV

"Gian!!" Totoo ba to?! Ngumiti siya?! Sinundan ko ito

"T-teka lang!!" Pumunta ako sa direksyon nito at hinahabol.

"Manong sakay po." pag para ni Gian sa isang tricycle

"Manong ako din po!" Napalakas ang boses ko dahil papaalis na sana ito.

"Naku, pasensya na po, puno na po." At tuluyang umandar ang tricycle. Mukhang mag isa akong uuwi ngayon.

***

Nagch-check ako ng mga natirang quiz nga mga estudyante ko.. Sasampu na 'to tatlo na lang ang natitira kaya binilisan ko ng pagche-check.

Nagawa ko na naman ang night routine ko at pag natapos ko na ito ay makakapag relax na din ako.

*ting

_____________________________

*GRADE 8 TEACHERS OF L.N.H.S. (GC)*

Maam Kara: Teachers, sa lunes na ang event...
                     : May mga sumali na bang mga Grade 8 students?

Ms. Cua: Maam Kara, may lima po saaking advisory.. Grupo daw sila.

Maam Kara: okay, noted.. Pm mo na lang sakin yung mga name ng estudyante. Salamat.

Mrs. Portiña: Dalawa sa klase ko ang sasali maam.

Maam Kara: Sige po Maam, makiki pm na lang po sakin ng name ng estudyante.

Maam Kara: Maam Claire, may mga sasali sa advisory ninyo?

Ms. Hernandez: Maam Kara, 10 daw po ang willing sumali..

Maam Kara: Wow ang dami ah!

Ms. Hernandez: Interesado daw po kasi silang lahat sa music. Pero dalawang grupo po yung mangyayari.. Hati po yung 10.

Maam Kara: Ahh, okay.. Pa-pm na lang sakin hane.

Ms. Hernandez: Sige po maam kara, salamat!

_____________________________

Muli kong ginawa ang pag che-check at natapos na rin ako at tininabi ito sa envelope.

At gaya ng sinabi ni Maam kara.. Minessage ko siya private at binigay ang mga pangalan ng estudyanteng sasali.. Talent contest kasi ang mangyayari.. Nagmana yata sila sakin at gustong gusto nila ang music. Yung totoo, galing ba sila sa tyan ko at parang ako na ang ina nila? HAHAHA Charot!!

*Ting!

Papatayin ko na sana ang cellphone ko nang may tumunog pa na galing sa messages.

Kara Villamoso : Claire, oo nga pala.. May rehersals sa Sabado.. May special number tayo.. Ready mo yung gitara mo..

HALA?!

Reply:
Sige Maam, may special number pala ha!

Kara Villamoso: Oo maam, pero hindi 'to alam ng mga estudyante.. Surprise sa kanila at sa Guests.

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now