Teach Of Love: CHAPTER 1

358 16 68
                                    


Claire's POV

Tunog ng takong ng sapatos ko ang tanging naririnig ko habang naglalakad sa hallway. Lunes ngayon kaya maaga akong pumasok. 5:40 ngayon.. 7:00 pa ang klase namin.

"Hi maam!!" Pagbati sakin ng pasigaw ng co-teacher kong si Amber. Same department din kami.

"Hello maam!" Kinawayan ko ito nung nagsalubong kami sa hallway.

Papasok ako sa advisory room namin. Inilapag ko ang shoulder bag ko at umupo. Nagbukas muna ako ng cellphone, tutal wala pa naman akong gagawin.

Ako nga pala si Claire Hernandez. Isang fresh grad Highschool Teacher dito sa Laguna. Isang buwan na akong nagtuturo.

"Maamsh! Good Morning!!"
Jusko nagulat naman ako dito sa Co-Teacher ko!!

"Good Morning maamsh!" Ngiti kong sabi. Best friend ko siya.. Nakilala ko din siya dito sa school. Siya nga pala si Alliece.

"Hmm.. Wala pang students na pumapasok ah!" Umupo ito sa harap ng desk ko sa likod ng classroom.

"Baka mamayang 6:30 pa sila pumasok. Saka 6:30 pa ang flag ceremony."
Medyo antok pa ako.. Kaya napahikab ako.

"Maamsh, puyat noh?"

"10:00 na ako nakatulog tas 5:30 ako nagising."

"Gusto mo mag kape muna tayo dun sa canteen? Puyat din ako maamsh." Tumango na lang ako at kinuha ang cellphone ko at hinila ako palabas ni Alliece.

"Maamsh, diba hayun si Sir. Gian?" Pagturo sakin palihim ni Alliece. Kasabayan ko siya mag graduate noong college pa kami. Fresh Grad din siya katulad ko.. Aaminin ko.. Gusto ko siya.. Nung college pa.. Nag confess na ako palihim sa kanya noon pero waley!! Sobrang cold niyang tao. Pero gwapo!

-FlashBack-

Nasa Plaza kami ngayon naglilinis. May community service kasi kami ngayon.
Nakasabay ko si Gian maglinis ngayon dahil pinag pair ang department namin. Lumapit ako sa kanya habang nagwawalis, sinasabayan ko ito at binulungan ko ito.

"Gian, alam kong ilang beses ko na 'to sayo sinasabi. Pero gusto kita."
Nagpatuloy lang itong magwalis.. Sinabayan ko ulit to pero natalisod ako ng nakaharang na 1.5 softdrink botttle.

"Gian-" sinalo ako nito.. Yieeee HAHAHA.

"Pang isang daang beses...
I don't like you." Ibinaba ako nito sa pagkakasalo at nagpatuloy mag walis

-End Of Flashback-

***

"GOOD MORNING 8- Narra, Please be seated." bati ko sa buong klase pagkatapos nila akong batiin.

"In this second quarter, our topic is Prepare Appetizer." Isinulat ko ito sa board. At nakita ko namang lahat ay nakikinig. TVE ang major ko.. In exact.. Cookery.

"New Quarter, New lesson. Get one whole sheet of paper, may pre-test tayo."

"Maam, One whole po?" Sinabi ng lalaking estudyante sa gitna ng row. Anak ng tokwa, kasasabi lang eh HAHA. Nakakamiss tuloy nung highschool ako.

"Yes nak, One whole." Sanay na ako sa mga ganyang linyahan.. Hehe.
Kinuha nila ang mga papel nila at yung iba nanghihingi pa sa kanilang kaklase.

"Ready na class?"

"Wait lang po maam!" nakita kong nagmamadali itong magsulat ng pangalan niya at ang date ngayon. Nginitian ko ito at inintay. Nakita ko itong okay na kaya nagsimula na ako sa Pre-Test.

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now