Teach Of Love: CHAPTER 22

91 6 6
                                    

CLAIRE'S POV

"Maraming nagsasabing life is short, at sinasabing enjoy-in ang buhay, bawat pangyayari habang humihinga ka pa. Tama naman.. hindi natin alam, kung may bukas pa ba tayong haharapin o muli ba tayong magigising. Marami akong natutunan.. marami. Masuwerte pa nga ako at nagsasalita parin ako sa harapan ninyo ngayon.. nakatayo ngayon, nagtuturo sa inyo galing sa isang buwang pagkakawala sa silid-aralan na 'to.. sa harapan niyo. Alam kong alam niyo na ang nangyari sa'kin. Maraming salamat sa pag aalala niyo, maraming salamat.. dalawang buwan ang nakalipas, tinanong ko sarili nun.. bakit pa kaya ako nabuhay nun? Eh hayun na nga ako oh, flat line! Paputla na. Naisip ko rin class.. life has a purpose you have a purpose or may mga bagay pa tayong hindi nagagawa o nararanasan kaya buhay parin tayo ngayon.. kay halaga ka kung bakit nandito ka, humihinga. Anuman ang pinag dadaanan ninyo.. do not end your life.. maraming tao diyan na hinahabol ang buhay nila dahil ayaw pa nilang mawala sa mundo. I've thought suicidal things aaminin ko.. pero nung mag agaw buhay ako, I regret. Masarap mabuhay. Sa ating mga guro na hinaharap parin ang mga hamon sa buhay, sa sarili at sa eskuwelahan, kaya natin 'to. Happy Teacher's Day to all."

Muli akong ngumiti sa harap ng mga estudyante at mga guro. Pababa na sana ako nang umakyat naman ang principal ng school namin at kinuha ang mic.

"At bilang isa ka sa mga gurong na-inspire sa kuwento mo at pinaka paborito ng mga estudyante, bibigyan ka namin ng parangal para sa pagmamahal mo sa mga estudyante at kapwa guro mo." Inabutan ako ng isang flower bouquet at isang trophy na kagaya ng mga natanggap ng ibang guro. At isa na rin dun si Gian at Alliece.

Hindi ko naiwasang maluha.. sa lahat ba naman ng pinagdaanan ko. Hindi ko inexpect na humihinga parin ako ngayon at patuloy na lumalaban. Kumaway ako kay Alliece na kanina pa sumisigaw sa tuwa. Bilang nag akyatan sa stage ang mga advisory students ko at niyakap ako. Napakadami nila. Napakasaya talaga ng ganitong pagkakataon.. etong programang ito dito sa school na pinagtuturuan ko.. ang Teacher's day. Dahil sumisimbulo dito ang lahat ng mga ginawa namin para sa mga estudyante at pagmamahal na binigay at binibigay namin sa kanila. Humanay sila ng maayos at pinapangiti nila ako dahil kukunan pala kami ng litrato. Hindi alintana ang mukhang bagong iyak dahil ang iyak na 'to ay iyak sa saya. Bumaba kaming lahat at sinalubong ako ni Gian at niyakap. Binigyan rin ako nito ng flower bouquet katulad ng binigay sa'kin ng principal. Ang tagal ng yakap namin.. at sobrang saya ko.

What day is it

And in what month?

This clock never seemed so alive

I can't keep up, and I can't back down

I've been losing so much time

Nakita ko ang isang singsing na naka dikit sa isang stem ng bulaklak at nakita kong nakatingin siya sa'kin

"Yes."

'Cause it's you and me

And all of the people with nothing to do

Nothing to lose

Bigla akong niyakap nito at itinaas sa ere at binaba at hinalikan. Saksi ang madla.. naririnig ko ang kantang tumutunog sa covered court na 'to.

And it's you and me

And all of the people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you

"Happy Teacher's Day.."

"Happy Teacher's Day.. din."

Muli nito akong hinalikan. At naglakad papunta sa mga inuupuan namin.. ngayon, magkahawak kamay na. Suot-suot ang kumikinang na singsing.

Ang bilis ng pangyayari.. am I really engaged?? Ang bilis ng panahon.. 29 years old na ako.. at isang taon at kalahati na kaming nagsasama ni Gian. Am I dreaming? Hinawakan muli ni Gian ang kamay ko.

I realized.. I'm not dreaming.

Nginitian ko siya..

***

Natapos ang pagsasaya at naka uwi na kami.. kami nila Alliece at Gian ay nasa livingroom.

"HAPPY TEACHER'S DAY SA'TIN!!!!" Itinaas ni Alliece ang isang juice at sumunod naman kami ni Gian.

"And syempre makakalimutan ko ba? CONGRATS!!!!" nagtawanan kami. At niyakap ako ni Gian.

"Ako maid of honor mo!! Walang angalan final decision!!" Dugtong ni Alliece.

"Ako din ang ninang ng magiging anak niyo!!" Napalunok ako.

"Oo na!! Oo na Alliece matahimik ka lang!!" Pang aasar ko.

"Sure.." sumagot si Gian at tumingin sa'kin. Minangutan ko ito at uminom.

"So ano na? Kasalan na?" Tumingin ako kay Gian.

"Kalma lang Alliece hindi pa alam nila mama!!" Ang lutong ng tawa niya sa'min.

Ito nga ang pinaka espesyal na araw para sa'kin bilang guro.

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now